Prologue

277 9 3
                                    

"Ace" the love of my life called me kaya eto na naman yung mga laman loob ko nagkakagulo na naman na para bang nag pa-party party na yata sa saya. Palagi naman basta yung babaeng mahal ko. Pakiramdam ko buhay ba buhay ang bawat kalamnan at dugo ko sa tuwing kasama ko s'ya.

"I love you more sweetheart" I said in a sweet teasing tone while trying hard to hide my smile pero hindi ko na napigilan nang kumawala ito sa mga labi ko na para bang kinikilig. Kahit di pa sya nag-a-I love you inunahan ko na haha. Tss baklang bakla na yata ako neto eh, hahaha kidding, nakakabakla man pero di ko maiwasang kiligin sa kanya lalo na kapag ganyan s'ya. Minsan lang s'ya ganyan eh minsan lang ako tawagin at nakakatampo iyon pero mahal ko naman kaya okay lang.

"Yieeh sweetheart di mo ko matiis noh? Akala ko hahayaan mo na lang akong magtampo, mahal na mahal mo talaga ako eh " I teased her a bit, knowing her mumurahin na naman nya ako. Oo tangina daig ko pa babae kung kiligin but I was stunned with what she answered me. Hindi iyon ang inaasahan kong reaksiyon mula sa kanya.

"Mahal?" it was like she was asking, nope she was mocking the term. Pakiramdam ko ay nalaglag ang puso ko sa naging reaksyon nya.

"Nope hindi na kita mahal, ay mali hindi pala kita minahal. Kailangan lang kita pero hindi ibig sabihin noon ay mahal na kita" dagdag pa nya na mas lalong nagpadurog sa puso ko. Umiling iling muna sya bago nagpatuloy. Naiiyak na ako sa sobrang sakit pero pilit kong pinipigilan na tumulo yung mga luha ko. Parang ayoko nang pakinggan pa ang mga sasabihin nya. Hindi ko kaya ang sakit. Ayokong tanggapin ang sasabihin nya. Hindi ko kayang tanggapin na hindi nya ako mahal. Hindi ko kaya. Hindi.

"Anyways, I just wanna say, mag ingat ka palagi, tanga ka pa naman. Aalis na ako sa susunod na araw" she said in a very casual tone like everything was just nothing.

T-Teka nga muna, hihinga lang ako saglit. Ang sakit ng mga sinabi nya. Parang hindi kaya ng utak ko ang mga sinabi. Tama ba yung pandinig ko? O baka naman sira lang ang pandinig ko. Baka kailangan ko lang na linisin ang tenga ko. Tears fall on my cheeks hearing the words she said, hindi na kinaya ng pagpipigil ko ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit iyakin ako pagdating sa kanya pero wala eh kusang tumutulo yung luha ko pag sya na ang pinag-uusapan. Still hurt and broken with her words, with my broken pieces, I managed to ask her a question I know I would regret. A question that would surely break my heart even more after hearing her answer. Kahit na ang sakit sakit ng sinabi nya. Gusto kong bawiin n'ya 'yon.

"Sweetheart, nagsisinungaling ka lang 'di ba? Mahal mo naman ako hindi ba? Kasi ramdam ko yun eh, ramdam ng puso ko. Wag ka naman magsinungaling oh. Sweetheart 'wag naman ganito. Sweetheart naman di yan totoo eh. Sweetheart pagod ka lang, nasasaktan ka lang pero hindi ako naniniwalang hindi mo ako mahal" umiiyak sa sabi ko. Desperation was clear in my voice, pero wala na akong pakialam. Ang gusto ko ay bawiin n'ya iyong sinabi n'ya. Mahal n'ya ako eh at ramdam ko 'yon.

But she just look at me with a blank stare. Wala ba talaga? Wala na ba talaga? Wala na bang pag asa?

"Hindi kita mahal, no scratch it, hindi kita minahal. Oo may nangyayari satin ilang beses na pero di ibig sabihin nun mahal kita. At saka pwede ba, wag mo ko tawaging sweetheart? Nakakarindi na eh"

With her words sharper than a knife, it cuts even deeper into my soul. Masyadong masakit ang mga binitawan n'yang mga salita na lalo akong napaiyak. Nanghihina ako, paano nya nagagawang maging kalmado at manatiling walang emosyon samantalang ako di ko na mapigilan ang mga luha kong nag uunahan sa pagtulo. Hindi ako makapagsalita.

"Tahan na, huwag mo na akong iyakan, I don't deserve your tears. Kung ano man yang nararamdaman mo, kalimutan mo na, pati na rin ako" she gently said while wiping my tears with her thumb.

I look into her eyes, it shows a glimpse of pain yet it suddenly turned back to it's emotionless state. Namamalik-mata lang siguro ako.

"I said I love you, but I lied" she whisphered to my ears before turning her back to me and walk away until I can no longer see her. She's gone. She left me all alone. She already took my heart and now my happiness. But darn I still love her. I still love her even if it was all a lie.

Can someone wake me up from this nightmare? Please. Tama na, ang sakit na. Ang sakit sakit na. Parang binibiyak ang puso ko, dinudurog sa sobrang sakit.

"I said I love you but I lied"

"I said I love you but I lied"

"I said I love you but I lied"

Her words echoed to me. Please tama na. Hindi ko na kaya, mahal na mahal ko sya. Ang sakit sakit na pero hindi ko magawang sabihin sa puso ko na wag na s'yang mahalin kasi wala eh, mahal na mahal ko sya. Na sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay parang gumuho yung mundo ko dahil sa sinabi nya. I dried my tears that keeps on rolling on my cheeks.

"Mahal na mahal kita Luna sana maging masaya ka kung saan ka man ngayon. Mag iingat ka. Pasensya na ha, kung hindi ko kayang tanggapin ang sinabi mo, hindi ko kaya sweetheart. Hindi ko kaya" I uttered while looking at her walking away from me.

I love you so much Luna, may you find your way back into someone who truly care for you, to someone who truly love you. May you find your way back into my arms again.

BACK IN HIS ARMS AGAIN [COMPLETED] Where stories live. Discover now