BIHAA 16: the chase

59 4 0
                                    

ACE

Days had passed until it turn to weeks and eventually it become a month. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanap-hanap ang kung sino mang may pakana sa pagkawala ng anak ko. I need to find the culprit to bring my wife back here beside me. Nahihirapan na ako, nasasaktan at nadudurog sa katotohanang iniwan ako ng babaeng mahal ko. Hindi ko maintindihan ang rason nya, ang labo-labo eh pero kahit na ganoon ay umaasa pa rin akong magkaka-ayos kami. Ang sabi nya mahal ay nya ako, tapos sinabi nya na nagsisinungaling lang sya at hindi ko na alam kung alim doon ang dapat kong paniwalaan. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Para akong mamamatay sa sakit. Hindi ko matanggap na iniwan nya ako. Paano naman ako? Paano na ako ngayon na wala silang dalawa? Paano na ulit ako sasaya, paano na ako magpapatuloy kung minsan sa buhay ko ay ipinatikim nila sa aking kung gaano kasaya ang mabuhay kasama sila? Paano ako uusad kung sila yung lakas ko para kumilos at mabuhay? Hindi ko na alam pa.

'Sweetheart. Hanggang ngayon ayoko pa ring paniwalaan na hindi mo talaga ako minahal pero tatanggapin ko. But that doesn't mean that I will stop loving you. Pang habang-buhay na yung pagmamahal ko sa 'yo eh'

I sighed heavily upon remembering how she left me. Alam kong sinabi kong hindi ko sya hahanapin dahil iyon ang naging kondisyon nya nang huli kaming magkita pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, maibalik ko lang ang mag-ina ko.

'Just hang in there sweetheart, ibabalik kita sa piling ko. Sa lugar kung saan ka nararapat, at iyon ay sa tabi ko lang. Wala nang iba pa'

And with that thought I continue the chase eagerly. Hindi ko na alintana pa ang lungkot ng buhay nang mag-isa sa isiping maibabalik ko rin sa bahay ko, sa buhay ko ang mag-ina ko.

"Ano A, may balita na ba?" tanong ni K sa akin.

Nasa bahay silang tatlo at kasama nila ang kapatid kong si Astra.

"Wala pa rin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko may malaking taong pumipigil para mahanap ko ang gumawa noon sa amin" sagot ko sa tanong nya.

"Pero kuya, bakit wala man lang lead ang mga pulisya? Wala bang CCTV o kahit na isang witness na makakapagturo kung sino ang gumawa ng gulong iyon sa park? O kahit lead man lang sa ginawang pagdukot kay Tala?" Astra reacted almost violently kung hindi lang sya napakalma ni Y, eh malamang kanina pa sya nagbabasag ng gamit sa sobrang galit.

Kahit na hindi nila sabihin ay alam kong may namamagitan sa kanila. Halata rin sa mga mata ni Y habang tinititigan nya ang kapatid ko, kagaya nang kung paano ko tingnan si Luna. Sa totoo lang, kahit na maraming naging babae si Y, tiwala akong hindi nya sasaktan ang kapatid ko. Subukan lang nya kasi ipapadala ko sya sa imyerno.

"Eh kay Luna ba dude? May balita ka na?" L asked to cut the silence brought upon calming the rage of my sister.

I sighed. Ni isang lead ay wala akong mahanap para malaman kung nasaan ang babaeng mahal ko. I look at my sister, she's her bestfriend after all. But she just look away as if she's dropping the talk.

"Astra" I called her softly almost pleading. Maaaring may alam sya, dahil imposibleng magtago ng sekreto si Luna sa kanya. Pero sa mukha at ekspresyon ng kapatid ko ay halatang ayaw n'yang magsalita tungkol doon.

"Kuya, kung sakaling may alam man ako kung nasaan si Luna, kahit na pilitin mo pa ako, wala akong sasabihin sayo" matigas na ani ng kapatid ko.

That voice that holds finality, at mukhang wala nga akong magagawa pa para mapaamin sya. Wala na akong ibang paraan kung hindi ang sundan sya kung saan man sya magpunta.

'But what if secret date pala nila ni Y ang pupuntahan nya?'

That thought suddenly rang off my mind that I cannot answer directly. Hindi naman pwedeng manmanan ko ang date ng kapatid ko hindi ba? I mentally sighed at that thought.

BACK IN HIS ARMS AGAIN [COMPLETED] Where stories live. Discover now