BIHAA 15: shattered hearts

54 3 0
                                    


LUNA

Oh sya, huwag mo nang isipin pa. Ang mabuti pa magpahinga ka na, wag ka nang ma i-stress. Hindi maganda sa kalusugan ang ganyan, nakakasama yan sa bata

Oh sya, huwag mo nang isipin pa. Ang mabuti pa magpahinga ka na, wag ka nang ma i-stress. Hindi maganda sa kalusugan ang ganyan, nakakasama yan sa bata

Oh sya, huwag mo nang isipin pa. Ang mabuti pa magpahinga ka na, wag ka nang ma i-stress. Hindi maganda sa kalusugan ang ganyan, nakakasama yan sa bata

Paulit-ulit na umalingawngaw sa pandinig ko ang sinabing iyon ni manang. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang sinabi nya, naguguluhan ako at mas lalo akong naguluhan sa mga ikinikilos nya. Hindi ko rin kasi alam sa sarili ko kung may laman na ba ang tiyan ko, kung nagbunga na ba sa wakas ang pangarap na anak ni Ace. Kung saka-sakali mang buntis nga ako ay mas lalong kailangan kong mag-ingat. Alam kong nakamasid lang sa bawat kilos at galaw ko ang kung sino mang walanghiya na kumuha sa anak namin.

I clenched my fist as I remembered those letters containing the informations about my lost daughter as well as photos of her being harmed. I just can't sit around the corner and do nothing, pero ano nga bang magagawa ko? Maliban sa lumayo kay Ace ay wala na akong ibang paraan para mapanatiling oigtas ang anak ko. Kaya nga ako nagdesisyon na saktan si Ace para dito, para sa kaligtasan ng anak namin. Eto lang natatanging paraan na alam ko para panatilihing ligtas si Asteria. Hangga't tumutupad sa sariling kondisyon ang kidnapper ng anak ko ay mananatiling ligtas si Asteria. Tumanaw ako sa may bintana nang may mapansing puting sobre na malamang ay naglalaman na naman ng sulat o di kaya ay litrato ng anak ko. I immediately stood up and walk through the window where it was placed. I opened it and saw my beloved Ace in his drunken state making my heart sank. He looks so wasted and lost that I can't help my tears falling and eventually sob while looking at the photos.

"Looks like your lover is devastated. Hmmm. How about I seduce him? What would you think?" I read the written texts attached together with the photos.

'Ahhh. Damn you bitch!! Bakit mo ba ito ginagawa? Ano bang kasalanan ko sayo? Bakit pati ang walang kamuwang-muwang kong anak eh dinamay mo?' gigil na gigil na saad ko sa utak. Hindi ko pwedeng ilabas ang galit ko gamit ang bibig kasi ayokong mag-alala si manang lalo pa at gabi na. Hinamig ko ang sarili, pilit na pinakalma kahit na kaunti na lang ay sasabog na ako. I need to keep calm and be wise. Hindi pwedeng basta na lang ako babalik doon o 'di kaya ay hanapin ang kung sino mang baliw na may pakana ng lahat ng ito. At isa pa, kung sakali mang buntis nga ako ay mas lalong kailangan kong mag-ingat. Hindi pwedeng mapahamak ang anak ko.

ASTRA

Kakauwi lang namin ni Yong matapos ihatid si Luna sa bahay ng isa sa pinagkakatiwalaan n'ya which si Nay Soleng, ang dati nilang kasambahay sa mansion ng mga Wyatt sa San Salvador at dumiretso agad kami sa bahay nila kuya. The moment we entered the house, nakita kaagad namin si kuya na lasing na lasing, nagkalat ang mga bote ng beer sa sahig and he reeks of alcohol talaga. He was crying too, even in his sleep, he wa smumbling my bestfriend's name like an enchantment. Bagay na minsan ko lang makita kay kuya, or should I say na ngayon ko lang nakita kay kuya. It was my first time to witness kuya crying and drowning himself with alcohol to ease the pain, hindi naman sya nagkaganito dati eh. Ngayon lang talaga. Inalalayan ni Yong si kuya para dalhin sa kwarto and then pinunasan ko sya ng warm water to remove the stinky smell.

Honestly, I don't want them to be apart ni kuya kasi alam kong they are both suffering, si kuya whom had experienced what it is to be filled with love by your own family and si Luna na I'm sure hulog na hulog na kay kuya.  And nakakafrustrate kasi there is nothing I can do about it. Wala man lang akong magawa for them not to suffer, or even mahanap man lang si Tala. I am sure hinahanap na nya si Mama at Dada nya. She's probably crying right now at wala man lang akong magawa to ease their pain. I felt so useless.

BACK IN HIS ARMS AGAIN [COMPLETED] Where stories live. Discover now