BIHAA 14: I left even when he begged

55 4 0
                                    

LUNA

Nakatulala lang ako sa kawalan, na para bang may kung anong interesante na mkikita roon, hindi ko maintindihan ang sakit sa puso ko, paminsan-minsan ay bigla na lang akong iiyak sa sakit. Lalo na sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang ginawang pag-iwan ko kay Ace. Ang sakit pa rin isipin na nagawa kong iwanan si Ace sa pinakamasakit na paraan, ang sakit pa rin sa dibdib sa tuwing naaalala ko kung paano sya lumuhod, kung paano sya nagmakaawa na bawiin ko ang sinabi ko na hindi ko sya mahal at iiwan ko sya, at kung paano sya nagmakaawa na huwag ko syang iwan. Si Ace, ang aroganteng guro na iyon ay nagawang luhuran ako para lang huwag akong umalis sa tabi nya na sa huli ay ginawa ko pa rin, iniwanan ko pa rin sya. Naaalala ko ang lahat-lahat,  ang bawat pagpatak ng kanyang mga luha mula sa kanyang asul na mga mata na kahit anong pilit nyang pigilan ay hindi nya magawa, na kahit na anong pahid ang gawin nya ay hindi pa rin matigil sa pagtulo. Ang sakit pero kailangan kong saktan ang taong mahal na mahal ko para sa kaligtasan ng anak namin. Mas gugustuhin ko pang masaktan ako at saktan si Ace kaysa sa iyong anak namin ang magdusa. Mas kakayanin ko pa ang magpatuloy sa buhay nang malayo kay Ace kaysa sa malaman na hindi ko na makakasama pang muli ang anak ko, mas lalong hindi ko kayanin iyon.  Hindi ko na maintindihan pa ang sakit, basta ang alam ko lang para akong paulit-ulit na pinapatay sa sobrang sakit na kahit anong hikbi ang gawin ko ay hindi ito maibsan. Na kahit na magwala pa ako at magsisigaw ay hindi nito magawang bawasan ang sakit sa puso ko.

Nang matapos ang naging pag-uusap namin ni Ace, matapos nya akong ihatid ng kanyang tingin ay agad akong lumayo pansamantala, tinulungan ako ni Astra kahit alam kong nahihirapan sya kasi nasasaktan kami pareho ng kuya nya. Sya ang pinaka-naiipit sa sitwasyon namin ng kapatid nya.

"Bhie sa tingin mo ba mapapatawad ako ni Ace? Sa tingin mo ba matatanggap nya ang rason ko kung sakaling babalik ako sa kanya? Matatanggap nya kaya ang lahat ng sasabihin ko matapos ko syang saktan ng ganoon?" I asked Astra who was beside me. Tulad ko ay nasa malayo rin ang kanyang tingin.

"Hindi ko rin alam bhie kasi ito ang unang beses na nakita ko si kuya na nagmahal maliban sa aming pamilya niya. Pero siguro kahit anong sakit ng mga sinabi mo, kahit na gaano kasakit yung ginawa mo, tatanggapin ka pa rin nun, marupok yun eh. Mahal na mahal ka nun, halata naman sa mukha nya sa tuwing nakatitig lang sya sayo" natatawang sagot ni Astra kahit halata sa mukha na nahihirapan din sya.

"Sana nga" mahinang bulong ko at niyakap na lang si Astra.

I was about to go to bed when the phone rang. I look at the phone only to find out that Ace is the caller.

Sweetheart calling...

"Si Ace" mahinang sambit ko.

I look at my bestfriend who was also looking at me. I was hesitant if I would answer the call or not. In the end, I choose to answer it with my trembling hands. Pinakalma ko muna ang sarili bago ako nagsalita. Si Astra naman ay nasa tabi ko lang, inaalalayan ako.

"Oh" malamig na bungad ko sa kanya.

Rinig ko ang ginawang pagsinghap nya mula sa kabilang linya. Mga ilang segundo pa ang lumipas bago sya ulit nagsalita.

'Uhm Luna, can I have a favor?' Ace asked.

Once again, I heard his voice and realized how much I've missed him. Para akong maiiyak sa sobrang pagka-miss sa taong pinili kong saktan at iwan.

'Uhm please pagbigyan mo ako. Promise, after this hindi na kita kukulitin pa, kahit masyadong masakit. Please just this one' he pleaded, halatang pilit nyang pinapatatag ang boses kahit medyo basag na.

'Sweetheart, please tama na. Ayokong saktan ka pa. Ayokong masaktan na naman kita' sambit ko sa isipan

Napatingin ako kay Astra, halatang pigil nya rin ang sarili na umiyak. Nakapikit sya at tumango sa akin. Bumuntong hininga muna ako bago muling nagsalita.

BACK IN HIS ARMS AGAIN [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon