BIHAA 03: we meet again

107 5 2
                                    

LUNA ARTEMIS WYATT

Hanggang sa makarating kami sa room ay tahimik lang ako. What if hindi ako agad umalis nang araw na 'yon? May kaibahan ba? Ganito rin kaya ang sitwasyon namin kung saka-sakaling nanatili lang ako sa room na 'yon? Kung hindi ba ako tumakas sa katotohanang iyon, may maganda bang mangyayari? Pananagutan n'ya kaya ang nangyari kahit na hindi naman ako pinilit? Pananagutan niya ba kung sakaling malaman niyang nagbunga ang minsang pagtatampisaw namin sa init ng apoy? Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako, na masyado na pala akong nalunod ng pag o-overthink.

"Hoy bhie, bakit tulala ka d'yan?" untag sa akin ni Astra.

"Naalala mo na naman ba kung gaano kalaki 'yong banana ng guy na naka one-night stand mo?" dagdag pa niya. Grrr pigilan niyo ko, kaunting kaunti na lang at masasakal ko na itong babaeng to.

Inirapan ko siya bago sumagot.

"Gaga hindi, naisip ko lang. Kung hindi ba ako umalis agad sa room na iyon, may mababago ba?"

"Ayyy bhie bet ko 'yan na plot ng story, parang 'yong one shot story na nabasa ko, nagkachukchakan sila ng isang random guy tapos ayun dahil nga mabait at responsable 'yong guy, edi pinanagutan niya. Hindi nila mahal ang isa't isa noong una pero habang tumatagal na magkasama sila ay nahulog sila sa isa't isa. Pero may isang bruhang sisira, but loyal si boy sa nararamdaman niya kay girl at ayaw niya itong saktan. Then they admitted that they fell inlove with each other so ayun nagkatuluyan sila in the end" kilig na kilig pa nyang sabi. Ay bruhang 'to, hindi naman kasi ito fiction eh.

"Pero bhie kung hindi ka umalis dun sa hotel room na iyon that day, maybe, just maybe hindi ganito ang sitwasyon" dagdag pa niya.

"Pero bhie, I wonder lang kung gwapo ba iyon?" she asked all of a sudden. Natawa na lang ako sa tanong niya. He is indeed handsome—hmm handsome is actually not enough to define him. He is drop-dead gorgeous, pero syempre 'di ko na siya sinagot since napansin kong may kung anong mabigat na awra na bumabalot sa paligid, it was like, someone with an oozing authority just came in, and confirmed kasi nagbubulungan iyong mga kaklase namin na nandito na raw 'yong prof namin sa Zoology. Bulungan pero may kasamang tilian? Huh? Hindi kaya bagets pa 'yong professor namin? Like years older lang ganoon? Or talagang hottie lang?

Dada pa rin ng dada si Astra kahit na hindi ko na s'ya pinapansin pa, pero nang mapansin kong tumahimik na ang paligid ay siniko ko na siya para tumigil sa kakadaldal niya.

"Hoy bhie, nandyan na yata teacher natin" bulong ko sa kanya.

Ngumuso na lamang s'ya, pero rinig ko pa rin ang reklamo n'ya 'Gusto ko lang naman malaman kung gwapo din ba ang nagwasak sa hymen mo eh, ang damot'. Napailing na lang ako sa sinabi niya, sasagutin ko na dapat ang tanong niya pero natigil ako nang makita ko kung sino ang nasa harap mismo namin. Maging si Astra sa gilid ko ay natigilan din.

Standing there in front of us is the one we were talking about a while ago. Shit what a small world! His piercing ocean blue eyes were darted on me with his lips slightly parted, and then lumipat ang tingin niya sa katabi kong si Astra na halatang hindi rin maka-imik. Ehh?? Gulat na gulat ka diyan bhie? Or takot maybe? Pero sabagay, sino nga ba naman ang hindi magugulat kung bigla na lang sumulpot sa harap mo ang isang napaka-gwapong nilalang tapos professor mo pa. But not me, mas lamang ang kaba ko dahil nakita ko ulit siya. Fuck, kung alam ko lang sana na magiging professor ko siya edi nag change course na sana ako.

"You two" tawag ng pansin niya sa amin ni Astra with his cold authoriatative voice.  Nagkatinginan naman kami ni Astra dahil hindi namin alam kung ano ang tumatakbo sa utak ngayon ng guro na nasa harapan namin.

BACK IN HIS ARMS AGAIN [COMPLETED] Where stories live. Discover now