Love Team [2]

1.6K 64 19
                                    


Pagkatapos ng klase, agad namang nagsitayuan ang mga classmates ko, hindi naman halatang excited silang kumain ng lunch. Sino bang hindi kung four hours yung first class namin na puro formulas lang naman.


Ibinalik ko yung mga nagamit ko for this class at naghanda na din. Napansin kong may ilang natira sa classroom, eto yung mga taong hindi mabubuhay ng walang make up. Charot. Pero kasi hindi ko magets yung logic, mapapawisan ka lang din naman so why bother retouch the diba?


Buti ako tamang apply lang ng Johnson's baby powder, at least amoy baby paglabas ng classroom.


Pero di niya naging baby, eme.


Nagulat ako ng may humawak sa mga balikat ko. Inangat ko yung ulo ko at nakita si Mina na nakangiti sakin habang yung mga kamay niya mahinang hinahaplos ang mga balikat ko.


Eto na naman yung feeling na para akong kinukuryente.


"Let's go na?" She asked, she had this gentle smile on her lips that made me think about my life decision, charot lang. Kasi bakit naman ganon makangiti. Onti na lang iisipin ko crush na ako nito.


"They're waiting outside na, Chaeyoung."


Ah, bakit pa ba ako maga-assume ng iba?


Napabuntong hininga ako bago tumango at ngumiti. After putting all my things in my bag, tumayo na ako at bago pa kami makalabas ng classroom she linked her arms with mine.


Here goes nothing.


"Ang tagal niyo naman!" Bungad samin ni Ate Jeongyeon. Napansin kong wala pa sina Dahyun at Tzuyu, baka nag overtime na naman yung professor nila.


Naglakad na kami palabas ng Arts building para pumunta sa main cafeteria. "Baka naman gusto muna masolo ni Mina si Chaeyoung, ikaw naman." Rinig kong asar ni ate Nayeon, she even bumped her shoulder to Mina na siyang ikinatawa nitong naka cling sakin.


"We're all busy after the midterms, malamang nabawi lang yung dalawa!" Ate Sana laughed at her remark. Tumawa din yung iba na siyang naging dahilan ng pag lingon ng ibang students sa gawi namin.


Hay, bakit ba ako napunta sa sitwasyong 'to?


Napasimangot na lang ako hanggang makarating kami sa cafeteria. "Nakasimangot na naman ang abunjing bunjing namin!" Ate Jeongyeon cupped my cheeks at pinanggigilan. What if tigilan mo na yung pisngi ko? Lamog na lamog na ate Jeongyeon!


"Masakit na!" Hinawi ko yung mga kamay niya at lumayo habang hinihimas ko yung mga lamog kong pisngi. Nagulat pa ako nung may biglang may tumili sa gilid ko.


Jusmiyo, aatakihin ako kina ate Sana!


"Ang cute cute mo talaga, Chaengie!" Ate Sana cooed as she walk towards me, nakataas na ang mga kamay na ready lumugin ang mga pisngi ko!

One Shotحيث تعيش القصص. اكتشف الآن