Chapter 38

1K 9 1
                                    

Leila's POV


"Right?" Ramdam ko ang pagtulo ng luha sa pisngi ko nang makitang nag-iwas silang lahat ng tingin, ibinibigay ang sagot na pinaayaw kong marinig sa mga oras na 'to.


"We're gonna find him, Leila. Don't overthink, okay?" Pagpapakalma sa akin ni Kuya pero paano ako kakalma kung nakikita kong mahinang nagmumura si Ivan, Stephen at Mike habang may mga hawak na cellphone??


"Tangina nito ni Nathan, eh. Nakapatay ang cellphone! Tumawag ako sa bahay nila ang sabi ng maid umalis na daw kasama sila Tita. Hindi kaya pumunta na ng new york para magpagaling doon?" Tanong ni Mike na sinang-ayunan agad ni Ate Danica.


"Right! Baka nga papuntang New York. I'll call Tita nalang."


"Kapag nandoon na. May dalawa tayong solution." Seryosong sabi ni Ivan kaya napunta sa kaniya ang atensyon naming lahat. Seryosong-seryoso kasi talaga siya. Lumalabas lang talaga yung ganitong ugali niya pagdating sa mga kaibigan niya. Para na kasi talaga silang magkakapatid. "Una, pupunta kami nila Leila sa New York. Pangalawa, hihintayin natin siyang bumalik dito sa Pilipinas."


"Dude, hindi pwede! Paano kung nagtatago nga si Nathan??! For sure yung address na alam natin na bahay nila, iba na ngayon kasi nga nagtatago siya." Makahulugan na sabi ni Stephen. Nagtatago si Nathan. Is he hiding from me?


"K-kuya," ramdam ko ang pagtingin nilang lahat sa akin pero sa kapatid ko na ako tumingin. Hindi na ako natutuwa sa mga naririnig ko ngayon. "U-uwi na tayo."


"Okay. We'll go home. Nandoon din si Mommy and Daddy." nakagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang luhang gustong sunod-sunod na tumulo sa mga oras na 'to nang makita yung mata ni Kuya. Nasasaktan din siya. Nasasaktan siya kasi nasasaktan ako. At gusto ko mang itago yung sakit, hindi ko magawa. Nasasaktan ako.


"Susunod kami, pre." Tinapik pa ni Kuya Cj ang braso ni Kuya bago ako pinasakay sa sasakyan. Si Kuya ang nagdrive dahil dinala niya ang sasakyan niya ngayon. Nasa likuran naman si Liam at Vanessa na tahimik. Si Drake ay siguro nasa airport na ngayon dahil ngayon ang alis niya. Napaisip tuloy ako bigla. Nagkita kaya silang dalawa? Parang imposible. Malaki ang lugar na 'yun.


Wala na akong lakas na magsalita kaya nanahimik ako buong byahe namin. Gusto ko nalang umuwi. Gusto ko na talagang umuwi.


Naunang bumaba si Kuya at si Liam dahil kinuha ko pa 'yung bag ko na may laman na mga damit ko sa likuran ng sasakyan. Akala ko kasi ay sasamahan ko si Nathan na magpagaling. Hindi pala.


Mabigat ang dibdib ko nang maglakad ako papasok sa bahay pero agad ring napakunot ang noo nang makitang nakatigil sila Kuya at gulat na nakatingin sa living room kaya gano'n na 'rin ang ginawa ko.


WHAT THE??


Nabitawan ko agad ang bag na hawak ko at tinakpan ang mukha ko dahil sunod-sunod na ang paghikbi ko nang makita ang taong nasa living room na naglakad agad papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit habang natatawang hinahalikan ang tuktok ng ulo ko. "Hey,"


Wala akong ibang ginawa kundi ang umiling at umiyak habang nakayakap siya sa akin. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatili sa gano'ng posisyon pero natakot kasi talaga ako. Ang dami ng pumasok sa utak ko. Na baka 'yun na 'yung huli naming pagkikita nang hindi man lang naaayos 'yung relasyon namin at hindi pa man lang kami nakakapag-usap ng maayos.....o baka naman makahanap agad siya ng iba doon habang ako nandito at hinihintay siyang bumalik dahil kailangan ko pa 'rin ng closure para tuluyang maging okay. Naiisip ko palang, nasasaktan na ako. Ayokong maranasan 'yun.



Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon