Chapter 34

1K 8 0
                                    

Leila's POV


"My brother will probably kill me if he sees me right now." Nagpa-panic na bulong ko sa sarili ko habang naglalakad dito sa hallway. Sakto kasing uwian ng ibang student kaya nakikita talaga kami. "Seriously, Nathan?" Bulong ko sa kaniya nang mapansin ang mabagal niyang paglalakad. Nananadya talaga siya. Ano bang nangyari sa kaniya at biglang tumigas ang ulo niya?


"Leila, tell me,"


"What?"


Tumingin pa muna siya sa paligid bago ngumisi. "Will you get mad if I do something crazy?"


"What????"


"Will you?"


"N-no." Naguguluhan na tanong ko at mukhang mali pa ata ang naisagot ko dahil mas lalo siyang napangisi dahil doon. Napailing nalang ako at tatakbo na sana paalis nang may kamay na humila sa kamay ko at hiningpitan ang hawak doon. "What the?? Are you crazy??"


"Told yah..." Nakangiti niyang sabi at hinila na ako papaalis sa pwesto ko kanina habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.


"Shocks!!! Sila ba???!"


"Are you really asking that stupid question??! Malamang! Look at Nathan's smile!"


Pati ako napatingin doon at nakangiti nga si Nathan na parang enjoy na enjoy talaga siya sa ginagawa niya na nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko.


"Leila??!" Gulat na gulat na tanong ng mga kasamahan ni Kuya sa student council nang makasalubong ako pero mas nagulat ako kay Kuya na seryoso lang na nakatingin sa kamay namin ni Nathan na magkahawak.


"Kuya, I-i——"


"Ian." Tawag ni Nathan kaya sa kaniya napunta ang atensyon ni Kuya. "I'm sorry bro but I'm not letting your sister go. This time, I'll never stop not until I have her."


"Kyahhhhhhhh!!"


"So sila nga??!"


"Oo! Sure ako! Sila!"


Napamaang ako sa sinabi ni Nathan pero mas nagulat ako nang mapairap nalang si Kuya at naglakad na paalis pero nakita ko pa ang pagthumbs-up niya na mas lalong ikinangiti ng kasama ko.


Hanggang parking lot ay hawak niya ang kamay ko. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan ng sasakyan.


"Nathan, I told you. You don't need to do this."


"I can wait." Yun agad ang isinagot niya kahit wala naman akong sinasabi na tungkol doon. "I'll help you to love yourself again. Hindi kita pinipilit na balikan ako but please give me a chance. I'll do anything to get you back, Leila. I'm not letting you out of my life. Not you, Leila. Not you."


"Nathan..."


"I know doing the things that I didn't do back then will not gonna help me to win you back. But allow me to at least tell you how amazing you are." Ang weird lang na marinig mula sa kaniya yun. Nawe-weirduhan ako kaya dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya sa kamay ko na nakakuha ng atensyon niya bago muling nag-angat ng tingin sa akin.


"I'm sorry but..." napabuntong-hininga ako at mahigpit na humawak sa bag na dala ko. "...I don't trust you anymore, Nathan. Just leave me alone." Bago tuluyang naglakad paalis sa parking lot at dumiretso agad sa main gate kung saan ko nakita si Manong na mukhang hinihintay ako.


Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)Where stories live. Discover now