Chapter 23

1K 10 0
                                    

Leila's POV


I felt nothing. Ang empty nalang.


Pinunasan ko rin agad ang luha ko nang marinig ang boses ni Mike na hinahanap si Nathan. Hindi ko alam kung ilang beses na bumukas ang pintuan pero alam kong may taong nagbukas nun bago pa man namin narinig ang boses ni Mike.


Bumungad sa harapan namin ni Ivan si Patricia na napamaang pa dahil malamang, hindi inaasahan na makikita niya kami dito at mas lalong hindi niya inakala na narinig namin ang lahat ng mga sinabi nila. Samantalang nasa likuran naman niya si Nathan na dapat ata ay susundan siya kaso nakita na rin kami kaya wala ng nagawa kundi ang magulat habang nakatingin sa amin ni Ivan.


"B-babe??" Naguguluhan na tanong ni Patricia kay Ivan na bumuntong-hininga lang at bahagyang tumingin sa akin na nakatingin na ng diretso kay Nathan. Kay Nathan na bukas ang ilang butones ng itim na polo niya, magulo ang buhok at mukhang kakagising lang. Hindi ako sanay na ganito ang itsura niya. Madalas naman ay maayos siyang tingnan.


Ang tagal ko rin siyang hindi nakita.... at ngayong nagkita ulit kami bakit sa ganitong sitwasyon pa?


"Leil——"


"Tara na." Tipid na ngiti na sabi ko at tinalikuran na sila nang akmang lalapit sa akin si Nathan. Nauna na rin akong lumabas ng room na yun at nang makita si Stephen na kasabay ni Vanessa sa paglalakad ay kinuha ko agad ang suot niyang glasses na kahit si Jerome na nanonood ay nagulat sa ginawa ko pero pinili nalang na manahimik.


"Hoy, Leila! Akin yan!"


"Bakit?" Naguguluhan na tanong ni Vanessa sa akin. Tumingin pa siya sa room ni Nathan bago muling tumingin sa akin na nagpipigil na ng luha ngayon.


"Napuwing ako. Uhm, Ibabalik ko din agad, Stephen. F-feeling ko kasi magkaka ano uhm——sore eyes ako." Tipid na ngiti na sabi ko at naunang maglakad papunta sa elevator. Hindi ko na sila hinintay. Gusto ko ng umalis. Palagi nalang ganito. Gusto ko nalang palagi umalis sa mga ganitong sitwasyon. Gusto kong tumakas.


Ramdam ko rin naman ang pagsunod nila sa akin. Halatang nagtatanong pero hinayaan nalang din ako. Mabuti nalang talaga at alam nila ang gagawin sa mga ganitong oras dahil ako, hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin.


Naghintay lang ako sa elevator at nang tumigil yun sa floor na 'to ay walang pagdadalawang isip na sumakay ako doon. Sa unahan din ako pumwesto kahit ramdam kong nasa likuran ko rin si Nathan. Lahat sila tahimik na mukhang dapat ko pa atang pagpasalamatan. Hindi ko kasi alam kung masasagot ko pa ba ang mga tanong nila kapag nagtanong sila sa akin.


Plano ko ring manatili dito sa condo ni Nathan para sana makasama siya dahil hindi ko na kinakaya ang nangyayari kaso——


bakit yun pa? Bakit ganon pa ang natagpuan ko?


Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang pinipigilan ang sarili na maiyak. Naging malaking tulong din sa akin ang salamin na suot ko dahil nako-kontrol ko pa ang luha ko doon. Tumitingin lang ako sa taas tapos nawawala na siya. Hindi ako makapaniwala na gagawin ko rin pala 'to. Kapag sa mga movie ko napapanood ang ganito napapatanong ako kung bakit hindi nalang nila sabihin kung ano ang nararamdaman nila? Madali lang naman siguro yun. Kaso ngayong nararanasan ko na, ang hirap pala talaga. Ang hirap pigilan ang nararamdaman mo.


Sa dami ng araw na pwede kong marinig yun——bakit ngayon? Bakit ngayon na may bigat pa akong nararamdaman??


"Ako nalang ulit sa shot gun sea——"


Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt