Chapter 01

1.2K 13 0
                                    

Leila's POV


I woke up before 8 at agad inayos ang higaan ko. Napangiti pa ako nang makita ang bag ko na nakalagay sa study table. Excited na kasi talaga ako pumasok. It's my first time studying at Bent. I mean, first year student palang naman ako.


Naligo na agad ako at nagbihis ng simpleng skirt na yellow and a white t-shirt. I just paired it with my white shoes before going downstairs holding my bag.


"Hey, ate. Are you excited?" Nakangiting tanong ni Drew na ikinatango ko kaagad. Umupo na 'rin ako sa tapat niya at tinanaw ang mga pagkain sa harapan ko. Egg, ham, bacon, hotdog, fried rice, garlic bread and a juice. Pero naka-milk si Drew.


"San si Kuya?"


"He woke up early and told me na mauuna na siya sa Bent. Just message him nalang daw kapag nakating ka na sa main gate or parking lot." Sabi ni Mommy at bahagya pang kinurot ang pisngi ng kapatid ko. "How's your class, baby?"


"Fine, mommy. Gusto ko na maging college kagaya nila Ate." Turo sa akin ni Drew. Nauna kasi silang magkaroon ng pasok kesa sa amin. Well, huli naman palagi ang mga college student. Wala ng bago doon.



"Mommy, mauna na ako. Baka may first subject ako, e."


"Leila," agad akong napalingon kay Daddy na lumapit pa talaga sa akin matapos tanawin sila Mommy sa living room. Binibihisan kasi ni Mommy si Drew na ang laki-laki naman na.



"Dad,"


"Do you need some money?"


"No, dad." Tanggi ko kaagad. "I have savings."


"But, is it enough? For your books and foods?" Nag-aalala talaga siya doon kaya bahagya na akong natawa at lumapit sa kaniya para humalik sa pisngi.


"It's fine, Dad. Pwede daw ako manghiram sa library. Anyways, I'll go now. Take care, alright?" Ngiti lang ang itinango ni Daddy kaya lumabas na ako ng bahay para sumakay sa sasakyan namin. Hindi ko pa maiwasang hindi tanawin ang labas sa tuwing nakakakita ako ng mga estudyante. Alam mo kasi agad na sa Bent sila nag-aaral dahil sa mga id lace nila. May kaniya-kaniya kasing id lace ang bawat department.


"Miss Laura, sigurado po ba kayong papasok kayo mag-isa?" Nag-aalangan na tanong ni kuyang driver kaya napatingin agad ako sa labas. Hindi naman ganon kadami ang estudyante kaya okay lang naman siguro na pumasok na ako ngayon. "Bilin po kasi ni Sir Ian na,"


"Hey, kuya. It's fine." Natural na ngiti na sabi ko at inayos na ang bag ko. "I will just message him. Busy din po ngayon 'yun kasi wala pa pong nae-elect na bagong president 'yung college nila."


"Sige po. Ingat nalang po kayo." Tumango lang ako sa kaniya bago naglakad papunta sa building ko. Maglalakad palang sana ako pero dumating na si Kuya na hinihingal pa. Kinawayan niya lang si Mang Gary bago ako tiningnan. Paano niya nalaman na nakarating na ako? Minessage ba siya ni mommy or baka si Daddy. Hays.



"Leila," bungad niya agad sa akin.


"Kuya, kaya ko nga. Alam ko na kung saan ang building namin kaya kumalma ka na diyan." Natatawang sabi ko. Lumapit pa ako sa kaniya at bahagyang inayos ang buhok niya. "Seriously, Kuya? Take care of yourself."


"Tss. Did you eat breakfast?"


"Oo. Kasabay ko si Daddy and Mommy tsaka si Drew. Ang aga mo kasi pumasok but here," abot ko sa kaniya ng paper bag. "Nagpabalot ako kay manang ng sandwich. Make sure to eat breakfast, kuya. Alright?"


Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)Where stories live. Discover now