Chapter 13

1.4K 9 3
                                    

Leila's POV


Kita ko ang pagkunot ng noo ni Vanessa sa narinig at sa taong nasa harapan namin. Malamang hindi niya kilala ang isang 'to dahil kahapon ko lang din naman siya nakita——teka! Parang naalala ko siya bigla!


"Uhm, Jerome diba?" Tanong ko na bahagya niya pang ikinangiti.


"Naalala mo? That's an honor, ah." Natatawa niyang sabi na ikinatawa na rin ni Patricia at ni Vanessa. Wala naman akong sinabing mali. "Anyway, ano 'yun?"


"Ikaw ba 'yung nakita ko na nakasakay sa car nung time na marami akong dalang books?" Tanong ko na mas lalo lang niyang ikinangiti. Dahil tuloy doon ay mas lalo lang kinilig ang mga teenager na kumakain dito. May isa pang hindi ata napatay ang flash ng cellphone niya kaya napansin ni Jerome pero ngumiti lang siya. Hmm, mukhang sanay na.


"Oo. Ang dami mong libro nun. Gusto sana kita tulungan kaso sumakay ka na ata sa sasakyan nun. Pfft." Natawa na rin ako ng maalala ko 'yun. Si Vanessa naman kasi, ang daming ibinigay na libro.


"Nagkita na kayo dati?" Tanong ni Vanessa na ikinalingon ni Jerome at tumingin ulit sa akin. Halatang nagtatanong.


"Uhm, my bestfriend. Vanessa."


"Hi." Nakangiti niyang bati kay Van. "Yeah. Nagkita na kami before and after nun, hindi ko na makalimutan 'yung mukha niya. She's a goddess."


"Wow." Namamangha na sabi ni Vanessa at tinaasan pa ako ng kilay. "Halata ngang gandang-ganda ka."


"Pfft, pagpasensyahan niyo na 'to si Kuya at crush niya kasi si Leila." Mahinang bulong ni Patricia kaya sinamaan agad siya ng tingin ng kuya niya.


"Jerome, halika muna dito!" Sigaw ng kung sino kaya napapakamot sa batok na umalis si Jerome at kami nila Patricia ang naiwan dito.


"Diba, may gusto si Lyca sa kaniya?" Tanong ko kay Patricia na napamaang nang marinig mula sa akin 'yun. Napatakip pa siya sa bibig niya na parang may nasabi akong mali kaya nailang agad ako. Dapat ba hindi ko sinabi 'yun? Secret lang ba 'yun? Hindi niya pa ata alam ang bagay na 'yun. Ha——


"Paano mo nalaman?" Nagugulat na tanong niya kaya nakahinga ako ng maluwag. At least, aware naman pala siya.


"Napansin ko kahapon."


"Observant ka pala." Natatawa niyang sabi sa akin. Napansin ko talaga kasi 'yun kahapon. Nung una, binalewala ko lang pero naging malinaw siya sa akin kagabi. "Pero oo, buti ka pa nahalata mo. Si Kuya kasi manhid."


"Hindi niya alam na may gusto si Lyca sa kaniya?" Sabat na rin ni Vanessa. Ayaw kasi ni Vanessa ng ganon. 'Yung manhid. Straightfoward kasi 'to palagi kaya ayaw niya ng mabagal. Hindi ko lang talaga alam kung paano niya ako natitiis.


"Alam niya. Ang vocal kaya ni Lyca sa feelings niya." Nakasimangot na sabi niya. "But well, feelings naman nila 'yun. Ang kailangan nalang nating gawin ay hayaan sila. We can't force someone to like us back." Natahimik ako sa sinabi ni Patricia na 'yun. Ewan ko. Pero sumang-ayon talaga ako sa sinabi niya.


Nag-order na kami ni Vanessa ng pagkain namin. Natuwa pa ako nang malaman na may milktea kaso ang ending, nagtubig ako dahil nagpapakahealthy daw si Vanessa. Kung gusto niya maging healthy, dapat daw ako din.


"Ang weird mo." Natatawa kong sabi na ikinatawa niya na rin.


"Bakit ba? Ayaw mo 'yun, pareho tayong healthy?"


Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon