Chapter 17

1K 9 0
                                    

Leila's POV


"Grabe na talaga. Ikaw na." Nang-aasar na sabi ni Vanessa sa akin at inagaw pa ang phone ko dahil hindi na talaga ako makakilos. Para akong nabaon sa kinatatayuan ko nang maalala na yun yung dahilan ng pagngiti niya kahapon?


Hala...


"Kalat na kalat na dito sa Bent na kayo. Sana all. When kaya ako? Gusto ko naman maranasan yung mapost kasama ang sunset tapos ganon ang caption. So far kasi ang nararanasan ko palang yung masabihan ng amoy araw." Sabi ni Kyle na ikinatawa agad ni Vanessa. Tapos para pa silang dalawa na baliw dahil nagtawanan talaga sila sa harapan ko.


Inagaw ko agad kay Vanessa ang phone ko at nagbasa ng mga comments dahil busy pa naman sila tumawa.


Ivan234: yeah. yours only, bro.


Stephen_Gomez: kaya naman pala wala sa basketball kasi nagbebe time! Inaano ko ba kayo??


Mike.A: kung hindi lang si Leila 'tong nasa picture, hindi ko bibigyan ng oras 'to kaso..... ang ganda e.


Patricia Bless: stay strong pi


Lycarose: ang ganda ni Leila gagsti yuyuko na ho mahal na reyna! Tenen~~~


Danicsalvador: oh my god..... what is this?? anyway, aaaaaawwwwww!! bagaaaay!!


Ang dami pang comment ng iba. Shocks!! Yung iba ay mga kilala ko din na model or artista. Nakakaloka.


Kaka-scroll ko biglang may nag-appear na pangalan sa phone ko to the point na muntik ko ng mabitawan yun nang makita kung sino ang tumatawag.


*dugdug* *dugdug*


"Lagot ka." Natatawang sabi ni Vanessa nang makita ang pangalan ng kapatid ko. Hindi ko naman pwedeng hindi sagutin kaya kahit medyo natatakot, dahan-dahan kong sinagot ang tawag. Kaya mo 'to, Leila.


[H-hey, Kuya. Napatawag ka?]


[Where are you?] alam na niya. Sa tono palang ng boses niya alam kong aware na siya. Hindi din naman normal na tumatawag ng ganitong oras si Kuya dahil alam niyang nag-aaral ako.


[sa room. bakit?]


[We have something to talk. Sabay tayo maglunch. Puntahan kita diyan sa room niyo mamaya.] Pagkatapos nun, ibinaba na niya ang linya na ikinamaang ko. Hindi niya naman kasi ako binababaan ng tawag ng ganon. Kinakabahan talaga ako kaya tatlong subject ang lumipas, lumilipad ang isip ko sa kung ano ang magiging daloy ng usapan namin ni Kuya. Alam ko naman kasing may kasalanan ako kaso...... gusto ko rin ipagtanggol ang sarili ko mula kay Kuya.


"Tara na. Lunch." Yaya ni Vanessa sa akin pero parang ayaw ko tumayo sa kinauupuan ko na ikinatawa niya lalo. "Come on! Kakausapin ka lang nun ni Ian. Hindi ka naman siguro papagalitan nun. Like, hello? You're big enough na kaya to have a boyfriend. Ano bang akala ng kuya mo?"


"Van, you know him. For sure galit yun dahil hindi ko sinabi agad." Nagpapaintindi na sabi ko.


"At bakit nga ba hindi mo agad sinabi? Kasi magagalit siya diba? It's not actually your fault, Leila. So don't blame it all on you." Tipid pa siyang ngumiti sa akin bago na ako tuluyang hinila papaalis. Si Kyle naman ay mukhang kasabay ang mga friends niya from other department kaya hindi siya sumabay sa amin. Ang dami kasing connection ni Kyle. "Nandito na pala siya eh." Bulong ni Vanessa nang matanaw si Kuya na naglalakad na papalapit dito sa room namin nang makalabas kami.


Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)Where stories live. Discover now