Chapter 29

1.2K 10 1
                                    

Leila's POV


"Anong meron?" Takang tanong ko nang makita ang dami ng students ngayon sa building ng international studies nang dumaan ako doon dahil may inutos sa amin ni Kyle yung professor namin.


"May away ata? Tingnan natin." Hinila na ako ni Kyle papalapit doon. Medyo nahirapan pa kaming lumapit dahil ang dami talagang tao. Hindi ko alam kung bakit nandito 'tong mga estudyanteng 'to kung may klase ngayon? Hello? Ang lapit na kaya ng finals.


"Wag na kaya tayo pumunta." Nakangiwing sabi ko kay Kyle na nagpupumilit na lumapit. "Ang sikip."


"Baliw! Naririnig ko na yung boses. Halika na!" Talagang nakipagsiksikan kami sa mga estudyante hanggang sa makapunta kami sa harapan. Inayos ko pa ang damit ko bago nag-angat ng tingin sa harapan ko kung saan ko nakita si Kris na nakasandal sa pader habang nasa harapan niya ang tatlong babae. One of those are very familiar to me.


"Hindi ba't magkaibigan si Jenny at Kris? Bakit niya inaaway ang kaibigan niya?" There. Jenny. That's Kris bestfriend. Pero sa nakikita ko ngayon, mukhang siya pa ang nag-umpisa ng gulo.


"Look. Ayoko ng gulo, okay? May mga students na dito. Ayokong makarating na naman 'to sa office kasi kung sa inyo, walang nadidis-appoint? Pwes sa akin meron." Seryosong sabi ni Kris at akma na sanang aalis nang itulak siya pabalik nung kasama ni Jenny kaya napasandal na naman siya sa pader.


"Bitch. We're not done."


"Can you just give it to me?!" Masungit na tanong ni Jenny na ikinabuntong-hininga na ni Kris. Halatang nauubusan na ng pasensya. Pero mukhang hindi mauubos yun. I know those eyes. She still cares for her.


"Wala nga sa akin yung phone mo. Kahit hanapin niyo pa sa bag ko. Wala kayong makikita doon. So, please? Can we stop this?"


"Sa tingin mo maniniwala ako sayo?"


"No. Mukha bang maniniwala ka sakin?" Natatawang tanong ni Kris. More on sarcastic pa yun. Hindi pa rin talaga nawawala yung ganong impact niya. Medyo masungit pa rin siya tingnan. "Ganito nalang. Tutal pinipilit niyong ako ang kumuha, papalitan ko nalang."


"I don't need your damn money, Kris!"


"Eh, anong gusto niyong gawin ko?! Wala nga sa akin.....ano pa ba ang kailangan kong sabihin para lang maniwala kang wala sa aki——*pak!" Napasinghap kaming lahat nang mapanood ang malakas na pagsampal ni Jenny sa pisngi ni Kris. Napansin ko agad ang pagkagat ni Kris sa labi niya para pigilan ang pag-iyak kaya naglakad na ako palapit doon.


She doesn't deserve this.


"Hey, are you okay?" Nag-aalala kong tanong kay Kris na nagulat pa nang makita ako sa harapan niya. It's been a week nung pumunta siya sa bahay.


"What are you doing here, Leila? Leave now."


"What?" Naguguluhan na tanong ko. Hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko pero pinapaalis niya ako? Habang siya nasa ganiyong sitwasyon.


"Leave."


"What the hell is this? Leila Ramirez?" Natatawang tanong ni Jenny kaya napunta na sa kaniya ang atensyon ko.


"Let her go." Madiin na sabi ni Kris at humarang pa sa harapan ko. "Leila, you need to go now." Bulong niya pero nakuha na naman ni Jenny ang atensyon ko kaya hindi ko na rin inintindi si Kris.


Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon