Chapter 12

486 9 0
                                    

Leila's POV


Two months have passed and excited na talaga akong umuwi. Nag-extend pa din kasi si Tita ng one week kaya ilang linggo nalang ay pasukan na namin. Kagaya nga ng inaasahan ko, ipinakilala sa akin ni Tita 'yung kilala niyang engineer. Tinuruan pa niya ako ng mga bagay-bagay na lalong nagmotivate sa akin na ituloy ang kursong kinukuha ko ngayon. Umattend pa kami ng mga concerts ng mga kilalang kpop band sa korea. Ang daming tao pero ang saya. Ang nakakagulat pa diyan, may kilala palang mga korean artist si Tita. Hindi ko inasahan 'yun.


Isa pa kung bakit ko na-enjoy ang korea ay dahil sa mga pagkain nila. Hindi na tuloy ako makapaghintay na madala dito sila Kuya at Vanessa. For sure matutuwa ang mga 'yun dahil ang sarap talaga ng mga pagkain dito.


"Are you tired, Tita?" Tanong ko kay Tita habang nakasakay kami sa sasakyan dahil sinundo kami ni Kuya Gary dito sa airport.


"Yes, honey. Hindi ako natulog ng maayos kagabi. How about you?"


"I'm fine, Tita. I'm just excited." Nakangiting sabi ko na ikinangiti niya na rin. Naeexcite akong makita ang mga kapatid ko na parang hindi naman nahiwalay sa akin dahil araw-araw nila akong tinatawagan. Hindi rin naman nawala ang communication namin ni Nathan. Almost 3 months na kaming dalawa. As long na masaya ka, makakalimutan mo na talaga 'yung problema.


"Welcome home!!" Salubong nila mommy sa amin nang makababa kami ng sasakyan ni Tita. Tumakbo agad papalapit sa akin si Drew at yumakap ng mahigpit na ikinatawa ko pa.


"Missed me, Drew?"


"Sobra, ate." Nakangiting sabi niya kaya bahagya kong ginulo ang buhok niya. Sunod naman na lumapit sa akin si Kuya na yumakap din ng mahigpit. Ang Oa ng mga kapatid ko. Nauna pa silang yumakap pareho sa akin bago sila mommy na natatawa nalang kaming pinapanood tatlo.


"Hay, sa wakas! May magsasaway na kay Drew. Pasalubong ko?" Tanong niya sa akin at hinaplos pa ang buhok ko. "Aba, mukhang hiyang ka kaagad sa korea, ah. Mukha ka ng koreana, eh. Yung totoo, ikaw pa ba ang kapatid ko?"


"Si Leila pa rin 'yan, syempre." Napatingin agad ako kay Drake na nagmula pa sa loob. Lumapit agad siya sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ko. "Nakakamiss ka talaga, Leila."


"Halata nga, pre. Gusto mo nga pumunta ng korea last month, diba? Kaso hindi ka pinayagan nila mommy mo." Natatawang sabi ni Liam. Kahit si Kuya Cj ay nandito. Pati si Vanessa.


"Van." Lumapit agad ako sa kaniya at yumakap na ikinatawa niya pa. "Kamusta ka?"


"Hindi ba't ako dapat ang nagtatanong sayo niyan?" Natatawang sabi niya. Ngumiti nalang ako ng tipid sa kaniya. Kung ano-ano pa ang itinanong nila mommy sa akin habang kumakain kami. 4pm palang naman ngayon kaya balak kong isurprise si Nathan mamaya.


"Sasamahan mo ba ako?"


"Saan?" Takang tanong ni Vanessa nang bulungan ko siya dito sa living room. Bukod kasi sa kaniya, wala ng nakakaalam na may boyfriend ako. Hindi din naman kami pala-post ni Nathan sa social media. Actually, hinihintay ko rin talaga siya na magpost bago ako. Weird ba kung ganon?


Ay teka, si Tita pala. Si Tita na hindi pa sinasadyang masagot ang tawag ni Nathan. Nakakaloka. Ang pogi daw ni Nathan. Naka-video call kasi 'yun palagi. "Ah, sa bebe mo? Gustuhin ko man kaso kailangan ko na rin umuwi."


"Kanino ka naman sasabay? May dala ka bang sasakyan?"


"Ihahatid ko siya." Nakangiting sabat ni Drake at umupo pa sa tabi ko. "Hmm. Bakit kaya siya sa akin nagpapahatid...."


Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)Where stories live. Discover now