Chapter 36

935 7 0
                                    

Leila's POV


Para akong binuhusan ng yelo sa pwesto ko nang malaman ang bagay na 'yun. Wala akong alam.....kahit isa doon wala akong alam.


"P-pero halos isang buwan lang siyang nawala? P-paano?" Naguguluhan na tanong ko. Hindi ba't dapat ay nanatili muna siya sa US dahil doon? Bakit siya bumalik agad dito sa Pilipinas?


"To see you." Diretsong sagot ni Kuya. "Nagmadali siyang bumalik para sayo."


"May bandage pa siya sa ulo at sa braso. According to Danica, pinipilit daw siyang panatilihin ng parents niya sa US for further examination dahil m-may problema ata sa pagtama nung ulo niya sa kotse nung accident......kaso nagpumilit si Nathan na bumalik dito."


Dinampot ko agad ang baso na nasa harapan ko at ininom ng mabilis 'yun habang patuloy akong umiiyak. Biglang nagsink-in sa akin lahat. Kaya ba lagi siyang nakasumbrelo every time na nakikita ko siya? Para itago sa akin 'yung mga sugat niya? Para ano? Para hindi ako mag-alala?


"Saan ka pupunta?" Tanong ni Kuya nang makita niya akong tumayo sa upuan ko. "Late na, Leila."


"P-pupuntahan ko siya, Kuya. Allow me, please. Gusto ko siyang makita. Magtatanong lang ako. Tatanungin ko lang kung ba——bakit hindi niya sinabi sa akin? B-bakit kailangan niyang ipakita na okay siya? Bakit siya naglihim sa akin eh ganon na pala 'yung nararamdaman niya? Ni wala akon——" niyakap agad ako ni Kuya at pinunasan ang luha ko bago bahagyang ngumiti sa akin.


"S-sasamahan ka namin, hmm?" Hindi na ako umimik at hinintay nalang si Kuya na makasakay. Naiwan sa bahay si Vanessa, Kuya Cj at si Liam para magbantay. Kaming tatlo naman nila Kuya at Drake ay dumiretso na sa bahay nila Nathan. Pinapasok din naman kami agad ng guard dahil kilala nila ako sa hindi ko 'rin malaman na dahilan.


"Call him." Kunot-noong sabi ni Kuya kay Drake na kinuha agad ang cellphone niya habang naghihintay kami dito sa labas dahil ayaw namin pumasok sa loob. Ang nakakapagtaka pa diyan, wala akong nakikitang katulong dito sa bahay ni——


"N-nathan?? T-teka......Nathan!" Tumakbo agad ako papasok nang may mapansin akong tao na nakahiga sa sahig malapit sa hagdanan. Ramdam ko ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko nang masiguro na siya nga 'yun. Wala siyang malay at 'yung bandage sa ulo niya ay medyo may dugo na 'rin. Naka-simpleng t-shirt na 'rin siya na plain kaya napansin ko ang sugat niya sa braso.


"Drake! The car!!!" Sigaw ni Kuya at pinagtulungan nila si Nathan na buhatin. Kahit ang mga guard at ang mga katulong na nagpapahinga na ata nung mga oras na 'yun ay lumapit sa amin at nagulat sa nakita.


"A-ang sabi po kasi ni sir magpahinga na daw kami....pasensya na po....h-hindi po na——." Sumakay agad ako sa back seat, sa tabi ni Nathan at nanginginig ang kamay ko na hinawakan ang mukha niya.


"N-nathan.....hey......wake up......babe....come on.....I'm here." Pero hindi niya ako sinagot. Wala na akong nakuhang sagot mula sa kaniya na mas lalong nagpaiyak sa akin. Ang sabi niya, kukunin niya daw ako pabalik! Paano niya gagawin yun?! Nandito na ako! Siya naman ngayon ang wala! Nandito na ako oh!


Pinagkaguluhan agad kami ng mga doctor nang makarating kami sa hospital. Sa emergency room agad siya dinala samantalang naiwanan naman kami sa labas dahil hindi daw pwede ng ganitong oras pumasok sa emergency room.


Wala sa sarili akong napatingin sa kamay ko na hindi sinasadyang napahawak sa braso ni Nathan nung yumakap ako at nakita doon ang kokonting dugo.


Love's Essential Lesson (The Four Campus Heartthrobs Series #2)Where stories live. Discover now