EPISODE 14

744 70 8
                                    

“We’re doing a catering service?”

Javi looked at their manager with curiosity as he and Lemuel changed their clothes in the locker room for the restaurant’s staff. Katatapos lang ng shift nila at paalis na sana silang dalawa nang humabol pa sa kanila si Sir Rex.

“I forgot to tell you earlier,” their manager said. “It’s going to be held next month. Actually, isa sa mga regular customers natin ang may gaganaping event, so naisipan nilang kunin tayo bilang isa sa mga magpo-provide ng food service sa event nila. Weekend naman gaganapin ang okasyon, so kung gusto niyong sumama, then magsabi lang kayo. I’ll give you more details about the event if you decide to come.”

The two nodded.

“Medyo matagal na rin tayong hindi nag-catering,” puna ni Lemuel pagkaalis ng manager nila. “Sasama ka ba?”

“Probably,” Javi replied. “Hindi pa naman yata ako busy by that time. Sayang naman.”

“True. Titingnan ko na lang next month kung makakasama ako. Maaga pa naman,” sabi ni Lemuel.

Nagpaalam na rin sila sa isa’t isa matapos nilang makalabas. Lemuel headed to his apartment, samantalang si Javi naman ay dumiretso muna sa isang supermarket para mamili ng mga supply para kina Asa.

Mula nang sabihin sa kanya ni Tommy na may mga nagbabantay sa kanya ay tila parati nang napapansin ni Javi na tila may mga nagmamasid nga sa kanya sa tuwing nasa labas siya. Kagaya ngayon, hindi niya maiwasan na tumitig sa paligid. Of course, Javi knew that he’s perfectly safe with Tommy’s men. Still, the feeling of being watched makes him slightly uncomfortable and conscious.

Binilisan na lang ni Javi ang pamimili para agad siyang makapunta sa condo ni Asa. Doon niya ito naabutan kasama sina Lino at Amanda.

“Welcome home, cutie,” Amanda told him as he stepped into the living area.

Si Asa naman ay kasalukuyang nakahilata sa couch at minamasahe ni Lino. He was lying on his stomach with nothing but a towel covering his butt. Javi immediately averted his gaze from Asa’s pristine, glistening body. Dumiretso na lang siya sa ref para ilagay roon ang mga pinamili niya.

“AJ’s asleep,” Harold told him who’s currently cooking rice. “Thanks din po for buying groceries. May lakad kasi ako kanina kaya hindi rin ako agad na nakapunta rito. By the way, may meryenda pa po sa ref. Eat some while you rest.”

“Thanks. Busog pa naman ako,” sagot ni Javi.

Thankfully, natapos na ang massage session ni Lino kay Asa kaya naglakas-loob na si Javi na magpunta sa sala. Asa was already wearing a bathrobe while talking to Amanda. Tila may pinag-uusapan silang seryoso.

“I don’t know. It’s just. . . uncomfortable for me na lalabas ka na lang nang bigla-bigla,” dinig ni Javi na sabi ni Amanda nang maupo siya kasama nila sa sala.

Asa stared at his stylist flatly. “Hiyang-hiya ako sa ‘yo. Parang ikaw naman ang pupunta,” sagot nito.

“What are you two talking about?” Javi asked them.

“This idiot got a call from one of his upper-class friends. Inimbitahan siya sa isang event. If he agrees to come, it’ll be his first ever public appearance since he left the network,” sabi ni Amanda.

“They’re not just some friends,” paglilinaw naman ni Asa. “Mag-asawang doktor ang nag-imbita sa ‘kin. They own beauty clinics. In fact, isa ako sa mga endorser nila. They are a nice couple. Halos hindi nila ako pinagbabayad sa mga session ko sa kanila. They’ve also done a lot for me in the past. Nakakahiya naman kung hindi ko man lang sila mapagbibigyan sa simpleng pag-attend sa event nila.”

Love Me or Hate MeWhere stories live. Discover now