EPISODE 02

1.5K 142 13
                                    

Javi stopped by a pharmacy to buy his mother’s medicine before taking a cab to the hospital. By the time na nakarating siya sa destinasyon niya ay nilalabanan na niya ang matinding antok. Thankfully, he saw a coffee vending machine upon getting off the cab, so he bought a cup to keep himself awake. Halos alas dose na rin kasi ng hatinggabi.
 
Sa dalas ng pagbisita niya rito lately ay kilala na siya ng mga guard at staff. Pagdaan niya sa reception area ay ngumiti siya at kumaway sa mga nurse na naka-duty.
 
Nakasalubong naman niya sa isang hallway ang nurse na nagbabantay sa nanay niya. He also knows the nurse personally dahil sa iisang barangay lang naman sila nakatira.
 
“Gabi na, Javi. Bakit nandito ka pa?” bungad nito sa kanya.
 
“Dala ko na po ang gamot ni mama para sa sunod na linggo, Nurse Shiela,” sagot naman ni Javi. “Kumusta na po pala si mama?”
 
“Samahan na kita. Tara na,” sabi ng nurse.
 
Javi’s mother has been ill for quite some time now. Kalagitnaan ng nagdaang school year nang isugod nila ang nanay nila rito. Since then ay naratay na ito. Sa dami ng naging gastos nila ay halos naubos na ang ipon nila, pati na rin ang perang naiwan sa kanila ng yumao nilang tatay. Dahil dito, walang ibang nagawa si Javi kung hindi ang maghanap ng trabaho para naman may mapagkukuhanan sila ng panggastos.
 
Lahat ng gastusin nila ay halos sinalo na ni Javi: gastos sa ospital, gastos sa bahay, gastos sa school ng nakababata niyang kapatid, at pati na rin ang gastos niya sa pag-aaral. Like what he said earlier, he was about to quit school in order to work full-time. Buti na lang ay nairaos pa naman niya ang school year. Unfortunately, incoming fourth-year student pa lang siya sa pasukan, at limang taon ang pag-aaral niya. If his mother doesn’t get any better this summer, he may have to stop his studies.
 
Nurse Shiela eyed him carefully as they headed towards his mother’s room. “Iniingatan mo man lang ba ang sarili mo? Sa tuwing nakikita kita, parati ka na lang na mukhang pagod,” sabi nito.
 
An exhausted smile curved across Javi’s face. “Wala naman po akong ibang choice maliban sa magtrabaho. Marami pong umaasa sa ‘kin,” sagot niya.
 
“I know, but you shouldn’t abuse yourself,” the nurse replied. “Magpahinga ka naman. Oo, maraming umaasa sa ‘yo, kaya kung hindi mo iingatan ang sarili mo at pati ikaw ay magkakasakit pa, sino na ang mag-aasikaso kina Jia at sa nanay mo?”
 
Javi sighed deeply.
 
“Your mother will get well, okay? You are a responsible, hardworking kid, and I’m sure that the universe will reward you. Don’t stress yourself out. You’re already doing a great job,” she added.
 
Pagkarating nila sa kwarto ng nanay ni Javi ay sumilip na lang siya sa pinto para hindi na maistorbo pa ang nanay niyang natutulog na.
 
“Lumalaban naman si Tita Jessica,” sabi ni Nurse Shiela habang nakatanaw sila mula sa labas. “Kaso nga, nag-aalala siya kasi baka ‘yung magaling niyang anak ay hindi man lang nagpapahinga. Mas nag-aalala sa ‘yo ang nanay mo kaysa sa mismong sakit niya.”
 
Javi chuckled a bit.
 
“Tinitingnan pa ni doc kung magiging epektibo ang gamot na iniinom ng nanay mo ngayon. For now, we have to wait. She’s been taking the medicine for quite a while now, so we should be getting results soon. Magtiwala ka lang sa nanay mo. Kanino ka pa ba magmamana ng tigas ng ulo?” dagdag pa ng nurse.
 
“Sige na po. Kakalma na,” sagot naman ni Javi.
 
“Ako na ang bahala rito sa gamot ng nanay mo. Sa ganitong paraan lang naman ako makatutulong sa inyo. Gagawin ko ang lahat para maging maayos si Tita Jessica. Bilang kapalit, alagaan mo rin ang sarili mo. Kahit bata ka pa, hindi ibig sabihin na pwede mo nang abusuhin ang katawan mo,” sabi ng nurse.
 
“Salamat po, Nurse Shiela. Pasensya na rin po,” sagot ni Javi. “Hindi ko po talaga maisip kung ano na lang ang magiging sitwasyon namin kung wala ang tulong niyo. Salamat po’t hindi kayo napapagod kay mama.”
 
Hindi namalayan ni Javi na tumutulo na pala ang mga luha niya. Agad naman siyang nagpunas ng mukha sa mga braso niya. Ngumiti na lang nang marahan si Nurse Shiela bago niya tinapik ang balikat ni Javi.
 
“Walang anuman, pero dapat sabihin mo rin ‘yan sa sarili mo,” sagot nito. “Ayaw mong tumigil sa pagtatrabaho. Wala kang kapaguran. Hindi ko rin maisip kung ano na lang ang mangyayari sa pamilya mo kung wala ka. Be proud of yourself, okay? Bibihira lang ang mga taong kilala ko na kasing-tatag mo.”
 
“Everything will be alright,” she added. “The world works in mysterious ways, Javi. Sa sobrang bait at kasipagan mo, sigurado ako na hindi nito hahayaan na maghirap ka nang matagal. Tiwala lang, Javi.”

Love Me or Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon