EPISODE 18

940 116 7
                                    

Three months later. . .
 
Jarvey and his family are currently walking under the cover of trees. Over the distance, neat rows of tombstones stood like chess pieces in a vast, green field. May dala-dala rin ang mag-iina na mga bulaklak at kandila. It’s been over a week since the first day of November, at ngayon lang nila bibisitahin ang puntod ng yumaong tatay nina Javi at Jia. Parati naman nila ‘tong ginagawa taon-taon para makaiwas sa dami ng mga tao. This is a private cemetery, but still, it can get really crowded here during the first few days of November.
 
“Baka multuhin na tayo ni papa. Late na naman kasi tayong nakapunta rito ngayong taon,” sabi ni Javi habang naglalakad na sila papunta sa puntod ng tatay niya.
 
Hindi naman nagtagal ay nahanap na nila ang puntod ng tatay ni Javi. Habang inaayos ng nanay at kapatid niya ang mga dala nila ay naupo naman siya sa tabi ng puntod.
 
“Pasensya na, ‘tay. Late na naman po kami. Medyo busy rin po kasi lately. Nga pala, salamat po at tinulungan niyo kami sa hiling kong pagalingin si mama. Alam ko naman po na tinulungan niyo kaming malampasan ang mga problema namin. Salamat po, ‘pa,” sabi ko.
 
“Magiging tatay na rin ang anak mo,” sabi naman ni Aling Jessica habang inaayos ang mga bulaklak na dala nila. “Sino ba ang mag-aakala na ang napakabait mong anak ay magiging tatay na sa edad niya? Palibhasa kasi, pasaway naman talaga ‘tong anak mo. Tingnan mo ang nangyari.”
 
Ngumiti na lang si Javi.
 
“Kaya sana po tulungan niyo po kami para mapanatiling ligtas sina at Asa at ang baby. Alam ko naman po na hindi niyo kami iiwan, kaya ngayon pa lang nagpapasalamat na po ako sa inyo,” sabi niya.
 
Matapos nilang madasalan ang puntod ng tatay nina Javi ay kinain na nila ang dala nilang pagkain.
 
“Nga pala, kumusta na si Asa? Hindi na ako masyadong nakakabisita sa kanya,” tanong kay Javi ng nanay niya.
 
“He’s doing well naman po. Medyo hirap nang maglakad kasi ang laki na po ng tiyan niya. Nakapamili naman na po kami ng mga gamit ng baby,” sagot ni Javi.
 
Namili ng mga gamit ng baby sina Javi at Asa ilang linggo na ang nakararaan. Kagaya ng ipinangako niya, may mga binili ring gamit si Javi gamit ang ipon niya. Masaya sa pakiradam niyang kahit papaano ay may pinaghirapan siya para sa anak niya. It makes Javi feel that he’s done something for the baby.
 
Also, they’re going to have a baby boy. Nalaman nila ang kasarian ng anak nila a few months ago nang magpa-ultrasound si Asa. Malusog din ang bata ayon sa doktor. Nagbunga rin ang matinding pag-aasikaso ni Javi kay Asa, kaya wala silang masyadong pinoproblema ngayon pagdating sa bata.
 
“Aba’y dalawang buwan na lang at manganganak na siya. Dapat parati kang nandoon kung sakaling manganak siya bigla, lalo na sa Pasko,” sabi ng nanay niya.
 
Huminga nang malalim si Javi. Hindi pa nga pala niya nasasabi sa nanay niya ang kasunduan nila ni Asa. They’ve been so busy looking after Asa in the past few months that Javi has completely forgotten about their deal. Halos dalawang buwan na lang pala ang nalalabi sa pagkikita nila ni Asa.
 
“’Ma, mayroon akong hindi sinasabi sa inyo, actually,” sabi ni Javi. Tutal ay nandito lang naman sila, sasabihin na niya sa nanay niya ang totoo.
 
“Ano ‘yun?”
 
“’Di ba po may kasunduan nga kami ni Asa kaya ko siya binuntis?” sagot ni Javi. “Inaasikaso ko rin po siya bilang kabayaran ko na rin po sa lahat ng tulong niya sa ‘tin. Nasa kasunduan din po namin na kapag manganak na siya ay aalis na po ako at hindi na ulit kami magkikita.”
 
Natigilan ang nanay niya.
 
“Kaya mga dalawang buwan na lang po ang ilalagi ko kay Asa. Sa oras po na makapanganak na siya, hindi na niya po kailangan ang tulong ko. Besides, marami naman pong tutulong sa kanya sa pagpapalaki ng bata,” dagdag pa ni Javi.
 
Huminga na lang nang malalim si Aling Jessica. “Nagkasakit lang ako, kung ano-anong gulo na talaga ang pinasukan mo,” sabi nito. “Malinaw ba ang kasunduan niyo? Talagang sinabi ni Asa na hindi niya kailangan ang tulong mo sa pagpapalaki ng bata?”
 
“Binuntis ko lang naman po siya para magkaroon siya ng rason na makaalis sa network niya. He’s been pretty clear about his intentions since the day I met him. Gusto lang po niyang magka-anak, pero hindi po niya sinabi na kailangan niya ng makakasama sa pagpapalaki sa bata,” sagot ni Javi.
 
“Ikaw, gusto mo bang umalis? Matitiis mo bang hindi makita ang anak mo?” tanong sa kanya ng nanay niya.
 
Javi scratched the back of his head. “I don’t really have a choice. Wala naman pong rason si Asa para sabihan akong manatili. I mean, I’m still studying. I’m poor. I’m a total nobody. Wala naman po akong maipagmamalaki sa kanya,” sabi niya.
 
To his surprise, his mom smiled at him calmly. “Wala kang maipagmamalaki? Hindi mo ba naiisip ang mga gabing nagpuyat ka para sa kanya? Hindi mo ba naiisip ang lahat ng pagod at sakripisyo mo para lang maalagaan nang husto si Asa? Hindi mo ba pwedeng ipagmalaki ang sipag at tiyaga mo?” sabi nito.
 
“Hindi bulag o manhid si Asa,” dagdag pa ng nanay niya. “Sigurado ako na nakikita niya ang lahat ng ginagawa mo para sa kanila ng anak niyo. Sigurado ako na nararamdaman niya ang pag-aaruga mo sa kanilang dalawa. Hindi mo man nakikita ang halaga mo, sigurado akong alam ni Asa na ikaw ang rason kung bakit malusog ang anak niyo ngayon. Marami ka nang nagawa para sa kanya, kaya ‘wag mong sasabihin na wala ka sa kanyang maipagmamalaki.”
 
Ngumiti na lang si Javi.
 
“Kung ikaw ang tatanungin, gusto mo bang umalis?” tanong ng nanay niya.
 
“Syempre hindi po,” sagot naman agad ni Javi. “Anak ko po ang dinadala ni Asa. Gusto ko rin pong makitang lumaki ang bata. Gusto ko rin na maging parte ng buhay niya. Handa naman po akong mag-aral para magkaroon ng magandang trabaho para na rin masuportahan ko ang anak namin. Gagawin ko naman po ang lahat para maging mabuting ama po ako sa anak ko.”
 
Ngumiti na lang din si Aling Jessica. “Natutuwa ako’t nakikita kong maayos nga ang pagpapalaki namin sa ‘yo ng tatay mo. Sulit naman ang lahat ng hirap namin para lang maitaguyod kayo. Minsan talaga hindi pa rin ako makapaniwala na tatay ka na. Aba’y parang kailan lang ang liit mo pa,” sabi niya.
 
“Siguro mga ten years ago, opo,” sagot naman ni Javi.
 
“Kung napagkasunduan niyo na talaga  na aalis ka kapag nakapanganak na si Asa, wala na tayong magagawa. Gustuhin ko man na makita rin na lumaki ang apo ko, ayoko namang pangunahan si Asa sa pagdedesisyon. Hihilingin ko na lang na sana magbago pa ang isip niya. Sa ngayon, ipagpatuloy mo lang kung ano ang ginagawa mo. May kasunduan man o wala, tatay ka pa rin ng anak niya. Kailangan mong gampanan ang tungkulin mo sa kanila,” sabi ni Aling Jessica.
 
Tumango naman si Javi. “Opo. Wala naman pong nagbago sa plano ko.”
 
Wala naman talaga sa lugar si Javi para magdesisyon para kay Asa, kaya wala siyang ibang magagawa kung hindi ipagpatuloy ang pag-aalaga rito. Hindi naman siya umaasa, pero sa kaloob-looban ni Javi ay alam niyang gusto niyang manatili para sa anak niya, para sa kanilang dalawa ni Asa.

Love Me or Hate MeWhere stories live. Discover now