04

6 2 0
                                    

Naglalakad lang ako papunta sa paaralan dahil tinitipid ko ang aking pera. Baka kasi may project mamaya tapos nganga na naman ako kasi wala akong pambili. Magpapadala rin ako ng pera sa kanila mama sa probinsya kapag matanggap ko na ang bunos ko.

“Hoy Nica, sakay ka na!” napalingon naman ako sa nagsalita at napangiti ako nang makita ko si Charice na classmate ko, nagmomotor siya. Sanaol 'di ba marunong magmotor? Umangkas na ako sa likod at t‘yaka sabay na kaming pumasok sa paaralan.

Naging maayos naman ang pagdating namin doon lalo na’t wala ang guard dito ngunit ang ipinagtaka ko lang ay bakit ko siya nakita rito. I mean si Z, si Zombie.

Paano siya napunta rito? Akala ko ba hinanap na niya ang kaniyang bahay? Wait, wag n‘yong sabihin na sinundan niya ako rito? No, assuming ko naman. Nakasandal lang siya may may waiting shed na katabi lang ng gate habang nakatulala. Napalingon ito sa akin at ngumiti lang ng bahagya. Tumayo naman siya at naglakad patungo sa akin.

“Kilala mo ‘yan?” Tanong ni Charice sa akin pero hindi ako sumagot dahil nakatingin lang ako sa kaniya. Akala ko babatiin niya ako ngunit nagulat ako nang dumiretso siya. Nilagpasan niya ako, kami.

Inis akong napalingon at nagpatuloy lang na maglakad si Z at hindi man lang siya lumingon sa kinaroroonan ko. Wow, galit ba siya dahil pinaalis ko siya? Galing niya naman, pagkatapos ko siyang pinatae at pinatulog, ginaganon niya na ako.

“Hoy! Kilala mo ‘yun?” natauhan ako bigla sa tanong ni Charice at napaiwas ako ng tingin sa kay Z. Tumingin ako kay Charice at umiling. Well, totoo naman. Hindi ko naman talaga siya fully kilala. Sino ba siya?

“We? Bakit parang disappointed ka nang nilagpasan ka lang?” tanong nito. What? Ako? No way.

“Tara na nga, kung anu-ano na ang naiisip mo.” sabi ko at hinila na siya papasok sa paaralan. Pagpasok namin sa room ay marami na ang classmates namin doon at ang nakakuha pa ng aking pansin ay yung mga usap-usapan nila tungkol sa balitang binalita kagabi.

“Ang laki niyo na, naniniwala kayo diyan!” sabi naman ni Charice kaya natawa ako. We’re in Grade 12 naman and siguro pwede namang maniwala diyan no? Because yes, I literally saw a zombie. Cut the cute one. Totoong zombie na siya. Napairap naman ako sa naisip ko.

“Oo nga. Hoy! ikaw Nica! Baka infected ka, bigla bigla kang namumutla d‘yan.” pabirong sabi ni Jerome. Inirapan ko naman siya at naupo na sa upuan ko na malapit sa bintana. Natahimik lamang ang buong klase nang pumasok na ang aming teacher sa first sub namin.

The discussion went well, nakakaantok dahil science siya. Ayaw ko talaga sa science pero no choice kundi ang pilitin ko ang sarili ko na intindihin ‘yung lessons. Bago pa lumabas ang teacher ay may binigay pa siya sa amin na assignment na ikinakamot ko sa ulo. Kokopya nalang ako kay Charice bukas. 'Yan ay kung mag-aassignment din siya. Tamad din 'yan e.

Napalingon naman ako sa may bintana at nangunot ang noo ko sa nakita ko. Bakit nandiyan siya?

I mean si Z, nasa may gate. Nakaupo lang siya katabi nung guard at halatang nag-uusap sila. Nang mapangiti siya ay napaiwas ako ng tingin. Pogi talaga nitong lalaking 'to pero akala mo naman hindi pinatuloy kagabi. Naging snobber na kanina.

Pero, seryoso, saan ba siya matutulog mamaya? I mean saan siya tutuloy?

Bakit ko ba pinoproblema 'yan. Wala naman akong koneksyon sa kaniya. Estranghero lamang siya na nakikitae kagabi. Wala ngang ambag 'yan sa mga bayarin ko sa apartment lalo na sa renta. Wala ngang pera ang lalaking ‘yan.

“NICA!” sigaw ni Charice sa akin kaya natauhan ako at napatingin sa kaniya. Nakalagay na sa bewang ang kaniyang dalawang kamay at nalilitong nakatingin sa akin.

“Ano bang iniisip mo diyan? Ang lalim ah?”

“W-wala... ano nga ulit sinabi mo?” tanong ko sa kaniya at sabi niya lang naman ay punta na kami sa canteen, libre niya daw pero siyempre dala ko rin pitaka ko. Baka 'di niya kaya ‘yung ipapabili ko. Patay gutom pa naman ako.

Habang naglalakad kami papunta sa canteen ay hindi ko maiwasan ang mapalingon sa may gate ngunit ay wala na siya roon. Sayang, lilibrehan ko sana siya. Okay lang 'yun makakatipid naman ako ng pera.

So ayun nga hindi ko naigalaw ang aking pera dahil hindi pumayag si Charice. Wow, yaman ng bruhang 'to.

“May trabaho ka mamaya?” tanong nito sa akin. Tumango ako habang sinusubo ang ice candy na libre naman niya. “Oo, sa alas singko pa naman.”

“Kailan out mo?” tanong pa nito. “ sa 10 ng gabi.”

“Hala? Seryoso? Plano ko sana mag-apply e.” natuwa naman ako sa sinabi niya dahil sa wakas may makakasabay na ako. Pero bakit siya magtatrabaho? Mayaman naman ang babaeng 'to. Nanglilibre nga e. “Sige! Sabihan ko si madam!” tuwang-tuwa na sabi ko.

“Pag-iisipan ko muna lalo na't may curfew ako sa 8 P.M.” aniya. Bigla naman akong sumimangot at tumango lamang. Sabi niya ay gusto niya raw maranasan magtrabaho at payag naman daw ang parents niya kaso kailangan uwi na raw siya mga 8 P.M.

Naglakad na kami pabalik sa room at hindi ko maiwasan ang paglingon sa gate ngunit wala na siya roon. Napatingin naman ako sa dala kong siopao at napabuntonghinga.

“T'yaka teka, 'di ba sabi mo may bibigyan kang tao n'yan?” tanong ni Charice at tinuro anh siopao na dala ko. Libre pa naman niya 'to. Tumawa naman ako sa kaniya at umiling.

“Wala, nagpapalibre lang talaga ako sayo nito.” tawa ko.

Well, hindi ko naman siya problema? Bakit ba ako nag-alala?

I Met A Guy Named ZombieWhere stories live. Discover now