08

3 2 0
                                    

Nang matapos na naming kumain ng ice cream ay napag-isipan namin na umuwi na. Ang saya niya kasama, sobra. Naramdaman ko ang magkaroon ng kaibigan na lalaki. P‘wede ring jowa, charot lang. Pero seryoso. Siya ang kauna-unahang lalami na naging kaibigan dahil hindi naman rin ako mahilig kumaibigan. Sadyang si Charice at si Z lang ang close ko.

“Hala,” saad ko. Napahinto nang makapasok na ako sa kwarto na agad namang bumungad sa akin ang mga labahin ko. Oo nga pala, kailangan kong maglaba. Tinignan ko naman ang oras. 2:28 P.M. pa naman, may oras pa ako.

“Anong problema?” bigla nalang sumulpot si Z sa likuran ko. Kaya napalingon ako sa kaniya at pilit na ngumiti. Itinulak ko siya papalabas ng kwarto dahil nahihiya ako. May mga panty rin sa labahan ko kaya nakakahiya. Lalaki pa naman siya.

Isanara ko ang pinto at pinili ko yung mga gagamitin ko tulad ng uniform, tatlong jeans at tatlong t-shirts. Malapit na rin naman akong uuwi sa probinsya e, Thursday na bukas at sa Saturday na ang uwi ko sa probinsya. Sa weekends lang naman ako free pero dahil nga may trabaho ako, sa saturday lang ako pupunta tapos sa Sunday ay balik ulit ako rito sa apartment.

T‘yaka plano ko sanang dalhin si Z sa probinsya. Ipapasyal ko lang naman siya dahil baka taga probinsya nga lang din siya tapos nagkaamnesia lang.

“N, okay ka lang ba d‘yan?” rinig kong tanong ni Z sa akin sa labas. Okay lang naman ako. Nahihiya lang talaga ako sa kaniya. Dinala ko na ang dapat kong labhan at binuksan ko naman ang pinto. Nakita ko naman si Z na nakangiti sa akin.

“Nahihiya ka sa akin?” diretsuhang sambit niya dahilan ng paglaki ng mga mata ko. Gago. Namumula na ang pisngi ko at napaiwas ng tingin sa kaniya.

“Huwag ka na mahiya, ako nga naglaba lahat ng ‘yan e.” proud na proud na sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. What? Inamoy ko naman ang dala ko at t‘yaka pumasok sa loob upang amoyin rin ang ibang damit sa kwarto ko. Nang napagtanto ko naman mas lalo akong nahiya sa kaniya. Pati panty at bra ko... n-nilabhan niya? Paano na ngayon? Paano ko na siya haharapin?

Agad ko namang inilock ang pinto ko at narinig ko naman ang pagtawag ni Z sa akin mula sa labas. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Nahihiya ako. Nakita niya ang panty ko, panty ko na may butas.

Wala na, pwede na akong kainin ng lupa.

Ilang minuto ang nakalipas nang wala na akong narinig na pagtatawag niya sa akin ngunit may kumatok sa pinto at nagsalita.

“Nica?” pagtatawag nito sa akin. What? Charice?!

Anong ginagawa niya rito? Wala pa namang 5:00 P.M.? Shit, paano kung malaman ni Charice na may kasama akong lalaki rito? Nasaan si Z? Sana nagtago lang 'yun.

Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas ng kwarto. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko si Z na sumisilip sa may banyo. Sumenyas lang siya sa akin na doon lang daw siya. Napalunok naman ako sa kaniya at pasekretong nag-okay sign without knowing na nagpapabalik-balik lang ang tingin ni Charice sa aming dalawa ni Z. Nandito nga pala siya.

“Sino ka?” agad niyang tanong kay Z. Si Z naman ay napayuko at dahan-dahan na lumabas mula sa banyo.

Tumingin naman ulit si Charice sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Nagkatinginan naman kami ni Z dahil sa gulat nang bigla ako inakbayan ni Charice sa tagiliran at tumitili pa. What? Sakit non ah?

“Bruha! Bakit 'di mo ako sinabihan na may jowa ka palang pogi!”

“Hindi ko siya jowa!” sabay naman kami ni Z kaya nagkatinginan kami sa isa’t isa. “Naku, tumahimik kayo. Alam niyo masyado kayong halata shocks may jowa na bata ko.” aniya pa.

“You’re her mother?” nakanganga ang aming bibig ni Charice habang nakatingin kay Z. Napasapo ako sa aking noo. Anong mother pinagsasabi nito?

Akala ko magagalit si Charice kaso tumawa lang siya at nilapitan si Z. Kinurot niya ang pisngi nito dahil raw cute. Well, where’s the lie?

Pinaliwanag niya sa amin kung bakit siya nandito sa apartment. Inutusan siya ng parents niya na maggrocery muna bago pumasok sa first ever part time job niya. Excited na excited pa si bruha. Sabi ko na huwag na naming isama si Z dahil napagod siguro siya sa ano... kakalaba kanina.

“Ano ka ba! Isama mo na 'yang jowa mo beh, gusto ko rin siyang makilala no.” sabi ko at napaiwas nalang ng tingin dahil kahit anong sasabihin ko na hindi kami magjowa, hindi parin siya maniniwala kaya sige paniwalaan niya ang gusto niyang paniwalaan. Wala akong magagawa.

Dahil nga may motor si Charice ay naging madali sa amin ang pagpunta sa mall para mamili ng mga groceries and sabi ni Charice ay manglilibre raw siya sa amim ni Z.

“Totoo? ‘Yun talaga ang pangalan mo?” tanong ni Charice kay Z habang dala-dala ni Z ang mga gulay na bili ni Charice. “Oo.”

“Wow! Cool!” Akala ko nga matatakot siya pero kita mo naman. Cool daw. E, ang weird nga pero okay lang. Pogi naman siya.

Pinagtitinginan kami ng mga tao ngayon dahil kami lang yung pinakamaingay. Si Charice, ang lakas ng tawa. Parang hindi babae, hindi nahihiya.

Hindi ako makapaniwala dahil totoo ang sinabi ni Charice, nilibrehan niya talaga kami. One pack of lollipop, isang pack sa akin at isang pack kay Z.

Akala ko kung ano na. Lollipop lang pala.

Pinasama kami ni Charice sa bahay nila upang ihatid ang mga binili namin na utos naman sa kaniyang mga magulang.

Habang naghihintay kami ni Z sa labas ng bahay nila Charice ay nagulat ako sa biglaang pagbulong ni Z sa mga tenga ko.

“So it’s Nica.” aniya dahilan ng paglunok ko. Magsalita na sana ako ngunit lumabas na si Charice at abay din kaming tatlo na pumunta sa palengke upang magtrabaho na. Excited na si Charice sa magiging trabaho niya. Si Z naman ay pumunta na rin sa pinagtatrabahuam niya.

“Madam, nandito na po kami. Eto po pala si Charice, yung kaibigan ko na mangangapply.” bati ko kay madam at pagpapakilala ko kay Charice sa kaniya. Napatingin naman siya sa amin ni Charice at napahinto saglit ngunit sa kalaunan ay ngumiti siya at isinenyas na magsuot na kami ng apron dahil mukhang may kausap siya sa cellphone.

Naging maayos naman ang pagtatrabaho namin ni Charice. Tuwang-tuwa pa kami lalo na kapag makita namin si Z na muntik na maslide na agad namang napatingin sa aming dalawa at sinamaan kami ng tingin ni Charice dahil sa pagtawa namin. Napalakas ang pagtawa kaya napatingin ang mga tao sa direksyon namin dahilan nang pagtahimik namin ni Charice.

“Ang saya pala dito.” saad niya. Napatango ako. Lalo na noong dumating silang dalawa rito.

Napalingon naman ako kay madam na nakatingin sa akin. Ngumiti naman siya at napaiwas ng tingin. Mukha siyang namumutla. Okay lang ba siya?

Nagpaalam muna ako kay Charice na lalapitan ko muna si madam. Tumango lang ito sa akin.

“Madam, okay ka lang ba?”

“Ikaw, Nica. Ayos ka lang ba talaga?”

Napatahimik ako. Bakit?

I Met A Guy Named ZombieNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ