07

5 2 0
                                    

“Tumatalino ka na!” agad namang napayakap sa akin si Charice nang malaman namin ang score sa science. ‘Yung sinagutan ni Z na akala ko hindi niya rin alam but shocks, ang talino niya. I mean, halata naman. Siguro, wala lang talaga siyang tiwala sa sarili niya.

Charice and I got a perfect score, shocks! I can’t believe it!

Dumungaw ako sa bintana at hindi ko na siya nakita. Siguro umuwi na yun! I’ll treat him later. Ang saya ng araw na ‘to.

Masaya kaming pumunta ni Charice sa canteen at bumili ng snacks. “Ikaw ah, paano mo nagawa 'yun?” tanong niya at siniko ako na may pang-aasar na ngiti. Ngumiti rin ako nang maalala ko siya.

“Someone helped me.” sabi ko habang nakangiti dahilan nang paghinto ni Charice at ako naman ay natawang patuloy na naglalakad. Para bang gulat na gulat siya. Bakit? Akala niya ba wala akong kaibigan naatalino sa science? S‘yempre meron!

“Hoy sino 'yan!? Babae?” tanong niya habang hinahabol ako. Umiling ako kaya nanlaki ang mga mata niya. Siniko niya ako at nang-aasar na naman. Pinagtitinginan na kami ng estudyante pero sino ba sila para pagtuonan ng pansin?

“Pakilala mo naman sa akin ‘yan!” aniya. Tumawa naman ako at umiling. No, bawal. Baka matakot ‘to kapag nalaman niya totoong pangalan ni Z. Pero sa tingin ko hindi naman matatakutin ‘tong babaeng ‘to. Pero bawal pa rin.

“Oh, oo nga pala. Payag si madam na magtrabaho ka na hanggang  8 lang!” masayang sambit ko sa kaniya. Huminto siya at pinoproseso ang sinabi ko. Ngumiti naman siya sa akin. “Talaga?” tanong nito at masaya akong tumango. Napasimangot siya. Bakit?

“Hindi payag parents ko.”

Ay.

“Kasi okay lang daw hanggang 10 basta kasama ka!” sabi niya sa akin at napayakap. Hala talaga? Good! May kasama na ako! Pero it means, magkikita na rin sila ni Zombie? I mean si Z? Na-we-weirduhan parin ako na tawagin siya sa pangalan niya pero okay lang pogi naman siya.

Half day lang kami ngayon dahil gagamitin ng mga grade 6 ang rooms namin for entrance exams para sa mga mag-grade 7 and sa mga mag-grade 11 kaya p‘wede na kami umuwi. Nagpaalam naman si Charice at sabi niya ay kita nalang kami mamamaya sa trabahuan. Ihahatid nga sana niya ako ngunit hindi ako pumayag. Wala gusto ko lang maglakad.

“Sigurado ka ba?” tanong niya sa akin kaya napatango ako. Nagpaalam pa siya sa akin bago niya pinaandar ang motor niya at tuluyan nang umalis.

Tumitingin sa akin ang ibang tao.

Bakit palagi nalang tumitingin sa akin ang ibang tao?Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Huwag niyo akong simulan. Maganda ang araw ko ngayon. Nagsimula na akong maglakad ngunit napahinto ako nang makita ko si Z na nakaupo sa may waiting shed kung saan nakita namin siya ni Charice noong time na pinaalis ko siya. Buti nalang ay hindi siya nakita ni Charice diyan?

“N!”

Tawag niya sa akin at nakangiting lumapit sa akin. Oo nga pala, first letter lang ng name ko ang alam niya.

“Bakit ka nandito?” tanong ko.

“Hinihintay ka.” aniya dahilan ng paglunok ko at pag-iwas ng tingin. Shit. I’m flattered.

“O-oh okay! Thank you! Tara na— t‘yaka, hoy! Akala ko hindi ka marunong sa science bakit—?”

“A-ah haha,” aniya at napakamot sa batok. Cute.

Napangiti ako at agad ko siyang hinila dahil kailangan ko siyang i-treat. Nagpatianod naman siya sa akin. Hindi siya nagrereklamo. Alam kong nagtataka na siya ngunit wala siyang nagawa kundi ang magpahila nalang sa akin.

Sa aming pagtatakbo ay natawa kaming dalawa nang may nakita kaming bata na nadapa ngunit sa kalaunan ay nahinto kami. Nilapitan ni Z ‘yung bata at binigyan niya ng lollipop upang tumigil sa kakaiyak at effective ‘yun.

Ang bait talaga nitong lalaking ‘to.

Bumubusina na ang mga kotse kaya napatingin kami roon. Sabay kaming natawa ni Z at tumakbo na kami hanggang sa narating na namin ang nais naming puntahan. Ang suki ko sa icecream. Si Manong Oli.

“Manong!” masayang sambit ko sa kaniya at napangiti siya.

“‘Yun parin ba? ” tanong nito sa akin. Tumango ako. Alam na alam talaga ni Manong ang gusto ko. Mint choco.

Binigay na ni manong Oli sa akin ang ice cream ko at hinintay ko ang para kay Z pero nag-entertain na ng ibang customer si Manong Oli at pagkatapos non ay tumingin sita sa akin.

“May bibilhin ka pa ba iha?

“Dalawa po yung ice cream.” sabi ko.

“Para kanino yung isa?” tanong niyo. Tinuro ko naman si Z na ngayon ay nakaupo lang sa bench habang pinapanood ang mga sasakyan na nagdadaanan. Napatingin rin naman si Manong doon.

“Para sa kaibigan ko po.” napansin ko ang paglunok niya at tumango. “Mintcho rin ba?” tanong ko. Oo nga, hindi ko alam kung ano gusto niya.

“Wait lang po, tatanungin ko muna.” tumango naman si manong at nag-entertain muna sa ibang customers.

“Anong flavor gusto mo?” tanong ko sa kaniya. “Yung brown na black.” aniya. Napangiti ako, cute talaga ng lalaking 'to. Napansin ko ang pagsulyap ni Manong sa amin. Ninginitan ko siya at pilit naman siyang ngumiti sa akin.

Bumalik na ako kay manong at sinabi ko sa kaniya ang flavor na gusto ni Z.

Chocolate.

Nakangiti ko itong binigay kay Z at naupo sa tabi niya. Sabay naman kaming kumain.

“First time mo kumain ng ice cream?” tanong ko sa kaniya. Umiling siya sa akin. Eh? Bakit brown na black ang tawag niya sa chocolate?

“Nakalimuran ko lang talaga kung ano pangalan ng flavor.” napangiti naman ako sa sabi niya. Ang cute.

Naging tahimik naman kaming dalawa ngunit magulat ako nang tumayo siya at lumuhod sa harapan ko.

“Ang pangit mo.” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

WHAT?!

Napatawa sa bahagya sa naging reaksyon ko. Handa na sana akong patirin siya ngunit napatitig ako sa kaniya at nahinto nang may kinuha siyang oanyo sa bulsa niya at pinahirap ang bibig ko.

“Clumsy, N.” sabi niya at natawa.

I Met A Guy Named ZombieWhere stories live. Discover now