05

6 3 0
                                    

Nang uwian ay sabay kaming umuwi ni Charice. Sabi niya na bukas na siya magdedesisyon kung mag-aapply ba siya or hindi dahil magpapaalam muna siya sa mga magulang niya. Hinnatid niya ako sa apartment kaya nagpasalamat ako.

Napakabait talaga nitong babaeng 'to. Nakangiti akong pumasok sa apartment ngunit nagtaka ako kung bakit hindi ito nakalock. Nilock ko naman 'to kaninang umaga ah? Nevermind baka ngayon 'yung sinabi ng may-ari na mag-aayos ng kuryente rito. Tama.

Ngunit nagulat ako nang ilalagay ko na sana yung bag ko sa lamesa, nakita ko si Zombie na kakalabas lang galing banyo. Topless siya, halatang bagong ligo. What the? Ano na naman ang ginawa niya rito?

"Sorry, nakiligo lang. Pagkatapos ko magbihis, alis na ako." seryoso niyang sabi t'yaka ay kinuha ang damit niya sa may upuan at bumalik sa banyo upang magbihis. Wait? Saan siya nakahanap ng damit? I mean saan siya nakakuha ng damit? Iba 'yung damit na suot niya kanina kesa sa kinuha niya ngayon. Saan siya nakakuha ng pera pambili ng damit dahil mukha naman 'yung bago?

Nang makalabas siya sa banyo, nakabihis na siya. Tumingin siya sa akin at nakunot naman ang aking noo. "Ginagago mo ba ako?" tanong ko sa kaniya sabay nilagay ang isang kamay sa bewang ko. Umiling siya sa akin t'yaka ay lumakad na papaalis. Dinaan niya lang ako. Ay gago, nakalainis ah!

"Hoy lalaki! Magsalita ka!"

"May trabaho ako. Mamaya nalang tayo mag-usap." aniya. Ay wow! The audacity! Bakit may plano ba siyang bumalik dito? Sige payag ako basta hati sa gastusin dito.

"Anong trabaho? Hindi ba natakot sa 'yo yung inapplyan mo? Zombie pangalan mo oh." pang-aasar ko sa kaniya dahilan nang paglingon niya sa akin. Sinamaan niya ako ng tingin at napabuntonghinga. Tumalikod siya at umalis na ng tuluyan.

Galit ba siya? Napasobra ba 'yung nasabi ko?

Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad papalayo. Napabuntonghinga naman ako nang makaramdam ako ng konsensya. Sobra na ba talaga ang nasabi ko? Sorry kung ganoon alam kong hindi na siya babalik dito dahil sa nasabi ko. Ayos yun pero dahil sa sinabi ko parang gusto ko siyang mabalik dito mamaya para makahingi ako ng tawad sa kaniya.

Naglalakad lang ako papunta sa palengke na lutang. Paano kung nasaktan talaga siya sa sinabi ko? Gusto ko humingi ng tawad ngunit hindi ko alam kung paano. Baka kasi hindi na siya baballik doon sa apartment? I mean oo, ayaw ko ng may kasama lalo pa't isang lalaki pero kailangan ko kasing humingi ng tawad. Oo, nakokonsensya ako sa sinabi ko.

"Iha, ayos ka lang?" tanong ni madam sa akin. Siguro nakatulala ako nang dumating ako roon. Ngumiti ako sa kaniya t'yaka ay dumiretso na sa likuran upang kumuha ng apron pagkatapos ay nagsimula na akong magtadtad ng karne. Dapat talaga akong magfocus lalo na't nagtatadtad ako ngayon. Delikado 'yung mga daliri ko. Pagkatapos ko maghiwa ng mga karne naghintay ako ng mga customers. Marami na ulit bumibili.

"Eto na po ang delivery." sabi ng lalaki kaya napaangat naman ako ng tingin sa kaniya. Napalunok ako nang mamukhaan ko siya. Z. Nakasuot siya ng apron at may balot pa ang ulo niya. May dala rin siyang kariton na nagsisilbing lalagyan niya ng mga karne at isda sa pagdedeliver sa kada bilihan. Napalunok naman ako at halos hindi ako makapagsalita. Napakunot naman ang noo niya na tumingin sa akin. Inilagay niya lang 'yung karne sa gilid ng ibang karne at t'yaka nagpatuloy na.

Hindi man lang ako nakahingi ng tawad.

"Nica, ayos ka lang ba talaga? Pwede ka naman magpahinga saglit."

"A-ayos lang po ako. S-siguro natakot lang ako sa balita about doon sa zomvirus." sabi ko at t'yaka naman ay napakunot ang noo ni madam. Mukhang hindi niya alam.

"May balita pala na ganoon?" tanong nito sa akin. Napatawa naman ako sa kaniya at napatango. Oo nga pala, kakasabi lang niya sa akin na nasira T.V. nila. Tapos bibili nalang sila ng bago. Sana all 'di ba?

Sa buong pagtatrabaho ko ay hindi ako mapakali lalo na't nakikita ko si Z na padaan-daan lang dito sa harapan ko. Well, trabaho niya naman 'yun. T'yaka nagtatrabaho rin ako kaya kailanga kong ituon ang atensyon ko sa trabaho.

Minu-minuto rin ako tinatanong ni madam kung ayos lang ba ako at palagi ko lang sinasagot na ayos lang ako. Ito ang isa sa mga gusto ko kay madam e, chinecheck niya talaga ang mga trabahante niya. Yung iba ay nasa may gulayan na pagmamay-ari niya. Ako lang ang nasa karnehan at ang bait niya dahil sinamahan niya talaga ako tuwing ako na ang magtatrabaho at siya rin yung may-ari ng apartment na tinutuluyan ko. Mura lang rin ang renta ko. Oh diba ang bait.

Oh, right! Naalala ko.

"Madam, mukhang may mag-aapply sayo." sabi ko. Tumango-tango naman siya sa akin. "Sino?"

"Kaibigan ko," sabi ko. "Kaso magpapaalam pa siya sa mga magulang niya. Curfew niya kasi 8 P.M." sabi ko pa. Sana lang talaga papayag si madam.

"Okay lang, pero 100 lang ang magiging sahod niya kapag ganoon." aniya. Grabe ang bait talaga nito! Tuwang-tuwa naman ako sa narinig ko. Sabi niya na sabihan ko nalang daw si Charice na pumunta rito. Yun ay kung papayag ang parents niya. Nawala sa isipan ko si Z at natuwa ako na pwede makapagtrabaho si Charice dito!

Oras na ng uwian kaya inilibot ko ang tingin para hanapin si Z ngunit wala na siya roon dahil ang kay madam nalang 'yung may tao at sa katabi rin pala namin pero wala roon si Z. Napabuntonghinga naman ako habang hinintay ko 'yung sweldo ko.

"Mag-ingat ka sa pag-uwi! Sigurado ka bang hindi ka na magpapahatid?" tanong nito sa akin. Ngumiti ako at tumango. Okay lang naman. Malapit lang naman 'yung apartment.

Masaya akong naglalakad papunta sa apartment at napangiti ako nang pagkauwi ko ay nakabukas iyon. Siguradong diyan siya tumuloy. Makahingi na ako ng tawad.

Dali-dali naman akong pumasok at nakita ko siya roon na nagluluto. Napalingon naman siya sa akin pero agad namang itinuon ang tingin niya sa niluluto niya.

"Uhm..." paano ko ba ito sisimulan?

"Hmm?"

Ay gago, ang attractive. Charot. Bilis ko talaga maattach.

"A-about sa nasabi ko kanina... sorry." ayon nadiretso ko na. Tumingin siya sa akin at tumango. Akala ko magagalit siya pero hindi pala. Nawaka ang kaba ko. Tapos na ang niluto niya kaya agad niya naman itong nilagay sa lamesa.

"Kain ka na. Huwag kang mag-alala, pagkatapos kong kumain aalis ako." aniya. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Ganitong oras? Hindi ka ba takot sa-"

"Hindi." sabi niya.

"Galit ka?"

"Hindi."

Hindi nalang ako nagsalita kumain nalang. Tahimik kaming kumain at tinitignan ko siya. Pogi siya, mabait, marunong magluto, Zombie nga lang pangalan pero okay na yan.

"Payag na akong dito ka tumira pansamantala." sabi ko. Gulat naman siyang napatingin sa akin.

"T-talaga?" ang cute mautal. Tumango ako. Ngumiti naman siya at yumuko bilang pasasalamat.

"Thank you." aniya. Ngumiti naman ako at huminto saglit sa pagkain.

"Sa isang kondisyon."

I Met A Guy Named ZombieWhere stories live. Discover now