02

7 2 0
                                    

“Diyan ka matutulog.” sabi ko sa kaniya habang iniabot ko sa kaniya ang extra kumot at unan ko. Buti nalang talaga tatlo yung unan ko tapos dalawa ang kumot ko. Pero bakit ba kasi gumagala siya? Gabing gabi na.

“Dito sa sala?” tanong niya sa akin na para bang hindi makapaniwala. Bakit? Aangal ba siya? Siya pa nga 'tong pinapasok at pinatulog dito, magrereklamo pa siya? E, kung papalabasin ko kaya siya para makain ng  zombie sa labas tutal kapag bagay naman sa pangalan niya.

“Bakit? Ayaw mo?” tanong ko at agad naman siyang napailing-iling. Inilibot niya ang kaniyang mga mata sa sa sala at t‘yaka ay tumingin sa akin. “May lock naman ang pinto 'di ba? T‘yaka pati na rin ang mga bintana 'di ba?” tanong nito sa akin. Mukhang totoo ngang takot na takot siya. Gusto ko matawa pero 'wag baka mapikon 'to. Tumango lang ako sa kaniya kaya napakalma siya.

Tumalikod na ako nang bigla namang may tumunog kaya nagkatinginan kaming dalawa.

Oo nga pala, hindi pa ako kumain.

“May pagkain ka ba rito? O ingredients?” tanong nito sa akin kaya napakunot ang noo ko. Bakit? Anong balak niyang gawin? Lulutuin niya ba ako? I mean lulutuan niya ako?

“Meron sa ref.”

“I’ll cook.”

Wow, talaga? “Huwag na, baka lagyan mo ng lason.” sabi ko. Natawa naman siya bahagya sa sinabi ko kaya bigla akong kinabahan. “Trust me, pagpapasalamat lang dahil sa pagpatulong sa akin ngayong gabi.” sabi ko at no choice. Dahil nga gutom na ako pumayag na ako.

Nagsimula na siyang maghanda ng mga ingredients at ako naman ay nanonood lang sa kaniya. Pero seryoso, taga saan ba siya? Bakit ganoon ang pangalan niya? Totoo ba 'yung birth certificate na pinakita niya or fake lang iyon? Nakakapagtaka lang din kasi na bigla-bigla na lang sumulpot sa likuran ko kanina habang naglalakad ako.

“Taga saan ka?” tanong ko habang siya naman ay nagluluto na. Napansin ko ang paglunok niya na para bang kinakabahan siya sa tanong ko. Para bang nagdadalwang isip siya na sagutin ang tanong ko.

“H-hindi ko a-alam.” sabi niya kaya nakaramdam ulit ako ng kaba. Paano kung isa talaga siyang zombie?

“Nagising lang ako kaninang hapon sa may palengke at saktong doon ka pala nagtatrabaho. Nakita ko yung bata na nagtanong sa ‘yo pero siguro hindi mo ako makita dahil nagtago ako,” paliwanag niya. Hindi parin ako naniniwala. Medyo nagsisisi ako na pinatuloy ko siya rito. Medyo lang kasi pogi siya.

“Nakaramdam ako ng pagsakit ng tiyan ko na para bang natatae ako kaya nang naglakad ka papaalis ay sinundan kita baka sakaling matulungan mo ako. Baka m-may c.r. ka.” sabi niya na para bang nahihiya.

“Pero sigurado ka bang hindi ka nakagat o hindi ka naeksperimentuhan? T‘yaka bakit ganyan ang pangalan mo? ” tanong ko. For sure lang.

“Oo sigurado ako. Naalala ko ang sinabi ni mama, maintindihan ko kung bakit ganito ang pangalan ko. Hindi pa sa ngayon, basta sa tamang panahon.” aniya.

“Nasaan ang iyong ina? Ama?” tanong ko pa. Interview na 'to.

“Pinatay siya ng kapwa niya scientist.”

“Paano mo nalaman ang lahat ng 'to? Kasi 'di ba, hindi mo alam kung saan ka nakatira?”

“May mga ala-alang pumasok sa isipan ko pero ang lugar na tinitirahan ko, hindi ko maalala.” aniya

Hindi ako convinced pero pilit kong paniniwalaan siya

“Basta sigurado kang hindi ka zombie ah? Huwag mo akong jinojoke time ha? Hindi talaga ako magdadalawang-isip na sipain ka.” sabi ko narinig ko ang pagtawa niya.

“The food is ready.”

In fairness, ang sarap ng luto niya. “Wala itong lason?”

“Wala.”

Nagluto lang siya ng adobong manok at pinakbet at napakasarap ng luto niya. Isinubo ko ang kutsara na may kanin at bigla naman akong nabilaukan sa sinabi niya. “Can I live with you not just for tonight?”

Gago, seryoso ba siya sa sinasabi niya?

“Akala ko ba ngayong gabi lang?” tanong ko. Napayuko siya. “Hindi ko alam kung saan ako titira, ikaw lang kilala at nakakausap ko rito sa lugar na ito.” aniya at napabuntonghinga naman ako.

Bakit ako pa?

“I can help you with your job.” aniya.

“Matulog ka na, pag-iisipan ko pa.” sabi ko at niligpit na ang pinagkainan namin. Hindi ako basta-bastang magpapauto. Buhay ko ang nakasalalay dito.

Hindi siya nagsalita at tinulungan niya akong magligpit at pagkatapos ay natulog na siya sa sala. Inilock ko naman ang pinto at ang bintana para sa kaniya. Inisara ko na rin yung mga kurtina para sure. Hindi ako makatulog ng buong gabi dahil sa kakaisip.

Seryoso ba siya? Kaya ko bang manirahan dito sa apartment kasama ang isang estranghero na hindi taga rito? Pogi siya pero hinding-hindi ako bastang-basta magpapauto.

I Met A Guy Named ZombieWhere stories live. Discover now