03

5 2 0
                                    

Buong gabi akong gising dahil hindi ako mapakali lalo na’t hindi ako sure kung infected ba itong lalaking 'to or talagang pangalan niya lang ang nakakatakot. Nakatitig lang ako sa kaniya buong magdamag. Sa tuwing kikilos siya habang nakapikit ang kaniyang mga mata ay kinakabahan ako.

Bakit ko muna siya pinapasok?

Kumuha ako ng upuan t'yaka ay inilagay iyon sa harapan niya upang panuorin siya habang tulog ngunit hindi ko rin namalayam na nakatulog na rin pala ako. Nagising lamang ako na nakahiga sa sala kung saan natulog si Zombie. Weird parin para sa akin ang tawagin siyang zombie. Bakit ba kasi ganoon ang pangalan niya?

“Good morning.” napalingon naman ako sa kaniya na ngayon ay nasa kusina na. Nagluluto. Nice, may chef na ako rito.

“Bakit nandito ka pa? Akala ko aalis ka na?” sabi ko sa kaniya habang siya naman ay hinahanda ang pagkain sa lamesa. Hindi niya ako sinagot sa halip ay tinanong niya ako kung may pasok ba ako ngayon. Paano niya nalaman na nag-aaral ako?

“Paano mo nalaman?”

Itinuro niya yung nasa calendar kung saan nakalagay ang mga schedules ko each subject. Naks, tanga ko. Tumayo na ako at t'yaka, iniligpit na hinigaan ko nang mapagtanto ko ang nangyari. Nanlaki ang mga mata ko habang napahawak sa katawan ko. May damit pa naman ako pero... what if?

“Don’t worry, wala akong ginawa sa ‘yo.” aniya.

“Siguraduhin mo lang. Kumain ka na diyan at umalis na. Hindi ako payag sa sinabi mo kagabi.” sabi ko. Nakita ko ang lungkot sa mukha niya pero ngumiti naman siya at tumango. Ako naman ay dumiretso na sa banyo upang maligo.

Hindi naman ako masamang tao at feel ko hindi rin naman siya masamang tao ngunit hindi lang talaga komportable lalo na’t nakitae at nakitulog lang siya rito kagabi. Kagabi lang din kami nagkakilala. T‘yaka lalaki siya. Baka maissue kami, mga chismosa pa naman mga tao rito.

Nang matapos na akong maligo ay agad kong naalala.

Shoot. Hindi ako nakapagdala ng tuwalya. Kinabahan na ako bigla lalo na‘t siguro nandiyan pa siya sa labas. Bwesit naman. Sumilip ako sa pintuan at hindi nga ako nagkamali. Nandoon pa siya sa lamesa, kumakain pa. Maliit lang naman itong apartment na tinitirahan ko kaya medyomagkatabi lang ang banyo at ang sa lamesa.

“Pst.” pagtatawag ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin na para bang tamad na tamad siyang tignan ako. Magsasalita na sana ako nang itinuon niya ulit ang kaniyang paningin sa pagkain niya.

“Hoy!” tawag ko sa kaniya pero ganoon pa rin ang ginawa niya. Galing naman magtampo nitong zombie na 'to. Nakakabwesit ah.

Paano ba 'to? Baka ma-late ako nito.

“Z! Pakikuha ako ng tuwalya.” weird kasi pangalan niya kaya iyan nalang itatawag ko. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti. Yung ngiti na hindi kasali ‘yung mata. Pekeng ngiti.

Inirapan ko na siya at isinara ‘yung pinto. Tignan lang natin kung masapak ko siya mamaya. Naghilamos ako last kasi naiistress na ako t‘yaka ay nakarinig na lamang ako ng katok. Inis kong binuksan iyon ng konti at nakita ko ang dahan-dahan na pag-abot niya sa tuwalya. Agad ko namang kinuha ‘yun at sinarado na. Nilagay ko na iyon sa katawan ko at lumabas na. Nakita ko naman siyang nakaupo sa may lamesa at nagpatuloy sa pagkain. Subukan niya lang talagang tignan ako, mapapatid ko siya.

Pumasok na ako sa kwarto ko upang magbihis t‘yaka ay nang lumabas na ako ay nakita ko siya nakatayo sa harap ng aking pintuan. Medyo malayo naman siya sa akin. Napakunot ang noo ko nang napakamot siya sa batok niya.

“Kumain ka na, aalis na ako.” sabi niya sa akin. Napatango naman ako sa kaniya at tumungo na sa lamesa. Wala naman akong pakialam kung aalis siya. Kakakilala nga lang namin kagabi ano? Maaattach na ako? No way.

Nagsimula na akong kumain at siya naman ay lumabas na. Sana lang talaga hindi na siya babalik dito.

“T'yaka nga pala...”

“Tang— ba’t ka ba nanggugulat?” pagrereklamo ko nang bigla-bila nalang siyang sumilip sa bintana. Aatakihin ako nito ng wala sa oras.

“Ano pangalan mo?” tanong nito sa akin.

“Bakit?”

“You know my name and I don‘t know yours. What’s your name?” tanong niya sa akin.

Naalala ko naman ang tinawag ko sa kaniya kanina.

“Just call me N.”

Initial bases lang muna. 'Di tayo close e.

“Okay, thank you, N!” he said and waved his hand bago pa siya umalis na. Nagpatuloy naman akong kumain at napangiti saglit.

Cute.

Last night, I met a guy named Zombie. A cute one.

I Met A Guy Named ZombieWhere stories live. Discover now