09

4 1 0
                                    

Hindi ko nasagot ang tanong ni madam dahil may bigla na namang tumawag sa cellphone niya. Bumalik naman ako sa tabi ni Charice at nagpatuloy sa pagtadtad ng karne. Napaisip naman ako sa tanong niya kanina. Ayos lang ba talaga ako? Bakit hindi ako magiging maayos? May mga kaibigan ako t‘yaka kahit wala akong mga kaibigan, ayos lang naman talaga ako.

Ramdam ko ang titig ni Charice sa akin kaya tumingin ako sa kaniya at ningitian siya. “Tapusin na natin 'to. Ibebenta na natin 'to pagkatapos.” sabi ko sa kaniya kaya napatango naman siya sa akim. Iniangat ko naman ang aking tingin nang may nag-abot ng water bottle.

Napangiti naman ako nang makita ko si Z. “Uminom muna kayo.” sabi nito. Akala ko ako lang ang binigyan niya, pati rin si Charice. Tinapos lang namin 'yung konting karne sa pagtadtad bago kami uminom ng tubig. Nagsimula na kami sa pagbebenta at si Z naman ay nagsisimula na ulit sa pagdedeliver ng mga karne at isda. Maayos ang naging trabaho naming tatlo.

Oras na ng uwian, naghihintay lang si Z sa amin ni Charice. Nauna kasing matapos ang trabaho niya. Habang nagtatanggal kami ng apron ay agad na iniabot sa akin ni madam ang sahod naming dalawa ni Charice sa akin.

She gave me 1000. “500 sa inyong dalawa.” seryosong sabi niya kaya napangiti ako.

“Ang bunos na po ito?” tanong ko pero umiling siya. Wow, ang bait talaga ni madam.

Tumalikod muna ako upang ibigay kay Charice ang 500 t‘yaka ay nagpasalamat naman siya kay madam. Walang ekspresyon sa mukha si madam. At sinenyasan ako na sumunod sa kaniya. Nagpaalam muna ako kay Charice.

“Hintayin n'yo nalang ako ni Z sa may motor mo. Susunod ako sa inyo.” Tumango lang sa akin si Charice at nagtungo na sa kinaroroonan ni Z. Kumaway naman ako sa kanila bago ko hinarap si madam.

“Nica...”

“Po?”

“May pasok ba kayo bukas?” tanong nito sa akin. Napakunot naman ang noo ko pero napatango rin naman ako.

“Whole day or half day?” tanong nito sa akin. “Whole day na po. Bakit po madam?”

Napabuntonghinga naman siya at tumango rin. Akala ko 'yun lang ang sasabihin niya ngunit nagtataka ako sa sunod niyang sinabi.

“Susunduin kita sa paaralan pagkatapos ng morning class mo. Isasama kita sa lalakarin ko. Maghalf day ka.” Wait? What? Bakit? Saan kami pupunta?

“Kung ganon, pwede ko po bang isama ang mga kaibigan ko?” tanong ko sa kaniya. Pertaining to Zombie and Charice.

“Hindi. Tayong dalawa lang.” seryosong sabi niya sa akin kaya wala akong nagawa takot din naman akong matanggalan ng trabaho o mapaalis sa apartment once na hindi ko susundin ang sasabihin niya kaya no choice. Tumango ako sa kaniya at nagpaalam na umuwi na.

Nilapitan ko na ang dalawa na ngayon ay inaantok na ang mga mata. “Nandito na ako!” napasigaw ako dahilan ng pagkagising ng diwa nila. Natawa naman ako sa naging ekspresyon ng dalawa. “Boang ka. Bakit bigla ka nalang nanggugulat? Bruha!” reklamo ni Charice. Sabay naman kaming natawa ni Z.

Umangkas na kami sa motor ni Charice at napagplanuhan munang bumili ng ice cream sa kanila Manong Oli. Naupo naman sila sa bench kung saan umupo si Z nong nandito kami kaninang hapon.

“Chocolate pa rin ba sayo, Z?” tanong ko. Tumango naman siya at nilingon ko si Charice na napakindat naman sa akin. Syempre alam ko na kung ano ang gusto nito. Same kami e.

Madalas kaming pumupunta rito ni Charice noon kaso naging busy siya sa mga sumusunod na araw kaya ako nalang palagi mag-isa. Tapos kanina, may kasama ulit ako kumain dito. Si Z. At ngayon, kami na talagang tatlo. Ang saya.

I Met A Guy Named ZombieWhere stories live. Discover now