10

11 3 0
                                    

I MET A GUY NAMED ZOMBIE (LAST PART)

(TW: MENTIONS OF R4P3, D34TH, SU1C1D3, AND OTHER MALICIOUS WORDS)

“Nandito na tayo.” aniya nang bumaba na kami sa jeep. Bigla naman akong natigilan dahil sa nasa harapan ko. Bigla akong kinabahan at nanginig na para bang ayaw kong pumasok sa loob. Bakit kami nandito? Bakit niya ako dinala rito?

“Nica, pasok na tayo.” aniya at hinawakan ang braso ko.

“B-bakit tayo nandito?” nanginginig na tanong ko.

“Ayokong pumasok d‘yan.” sabi ko. Dahil natatakot ako.

Bumuntonhinga siya at dahan-dahan niyang hinawakan ang braso ko at hinila papasok. Nagsimula na akong nagpumiglas ngunit ay tinulungan siya ng guard para tuluyan akong maipasok sa klinika. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko sa nangyari lalo na noong nakita ko ang taong ayaw kong makita.

A therapist.

Hindi ko siya kilala ngunit ayoko talagang lumalapit sa mga katulad nila dahil naalala ko na naman ‘yung taong iyon.

“N-nica, kumalma ka please lang!” saad ni ate. Hindi, paano ako kakalma? Gusto ko na ngang kalimutan ang pangyayaring iyon ngunit ngayon, biglang bumalik sa akin lahat. Naramdaman ko naman ang may biglang pagtusok sa balikat ko at dahan-dahan namang bumigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa nakatulog ako.

THIRD PERSON’S POV

FLASHBACK

She can do everything and ace all her subjects. Her favorite subject is science and she even told her teachers prepare an antidote for the upcoming zombie apocalypse that made everyone thinks she’s crazy but they didn’t know that it’s her way to joke. Making jokes throughout the periodic elements and other science and math related. She’s a smart woman who never interacts with people. Hindi niya naranasan ang magkaroon ng kaibigan dahil sa feeling ng iba ay hindi siya karaniwang tao dahil sa utak na meron siya.

Mula Grade 1 hanggang Grade 9, wala siyang naging kaibigan. Palagi lang siyang nag-iisa at palagi lamang siyang nakatuon sa pag-aaral niya. Hindi naman sa pinipressure siya ng mga magulang niya kundi dahil natatakot siya na ibubully siya. Sa paaralan nila ay uso ang nabubully kapag bobo at ayaw niya non. Kaya lahat ng libro na makukuha niya sa library ng paaralan o kahit sa library na labas sa kanilang paaralan ay binabasa niya. Pinag-aralan niya.

Naiinggit siya sa iba na may kaibigan ngunit wala siyang magawa dahil kinatatakutan na siya ng lahat. Akala ng iba, masaya kapag rank 1 ka ngunit alam niya sa sarili niya na hindi madali lalo na’t mataas ang expectations ng ibang mag-aaral at ng mga guro sa paaralan.

Rank 1 lang naman siya dahil sa pagsisipag niya at dahil takot siyang mabully ng iba. Akala niya ay kapag rank 1 na siya, dadami ang kaibigan niya at hindi na siya mabubully ngunit mali iyon dahil ngayong rank 1 siya ay wala nang lumalapit sa kaniya dahil natatakot na.

Grade 10 siya noong panahon na iyon, gusto na niya maranasan ang magkaroon ng isang kaibigan kaya naglakas-loob siyang kumausap kahit na nahihiya pa siya dahil buong buhay na niya itong pinangarap. Ang magkaroon ng isang kaibigan. Ngunit wala, kahit ni-isa ang kumaibigan sa kaniya.

Kung meron man, palagi siyang natatraydor. Ginawa siyang tagawa ng assignment, activities at iba pang school related performances dahil sa paraan na iyon, naisipan niyang magkaroon ng mga kaibigan ngunit hindi pala. Dahil sa mga nangyari, hindi na siya makapagfocus sa kaniya dahilan ng pagbagsak niya at ang pagkaranas niya na mabully.

Napag-isipan naman ng pamilya niya na ipadala siya sa syudad kung saan nandoon rin ang kapatid niya. Doon na siya magse-senior highschool. Noong una ay  ayaw niya kasi raw maiiwan ang mga kaibigan niya. Mga itinuring niyang kaibigan na nagtatraydor sa kaniya.

I Met A Guy Named ZombieWhere stories live. Discover now