Chapter 13

3.3K 68 17
                                    

CHAPTER THIRTEEN

"The secret to humor is surprise."

                                         - Aristotle

 

Maganda ang bahay nina Ace. Parang nakakahiyang tawaging bahay iyon dahil sa laki at ganda. Kulay puti iyon na tatlong palapag ang taas. Napakalawak din ng garden ng bahay. Tatalunin pa yata ng garden ng bahay na iyon ang mga bulaklak sa Burnham Park. May mga pine trees din na nakatanim sa ilang sulok ng garden.

“Ganda naman ng mga garden niyo,” di niya mapigilang puri.

“Si Mommy nag-aalaga ng mga yan. She made the landscaping of our garden herself,” tugon naman ni Ace. Pinark na nito yung sasakyan at bumaba na. Sumunod din siya dito.

“Teka lang!” awat niya kay Ace ng makitang tuloy-tuloy ito sa paglalakad at patungo na sa bahay.

“Bakit?” lingon nito.

“Dali, picture-an mo ako dito sa garden niyo!” Inabot niya yung phone niya kay Ace. “Gusto ko kuha lahat yang mga yan ha,” sabay turo sa mga magagandang bulaklak na tanim.

“Huh? Nagpapapicture ka dito sa garden namin?”

“Oo nga, kasasabi ko lang di ba? Picture mo na ako,” nagsmile siya ng pagkaganda-ganda.

Kahit naguguluhan ay kinunan naman siya ni Ace.

“Patingin nga. Baka pangit ng kuha mo sa akin.”

“Kung pangit ang pinipicture-an, talagang pangit din ang lalabas,” komento nito.

Iningusan niya ito at padaskol na kinuha ang cellphone mula dito.

“Wow! Ang ganda naman,” she exclaimed when she saw her picture. “Maganda yung picture, ibig sabihin – maganda ako,” she looked at Ace at hinamon ito sa mata.

Tumingin ito sa picture. Tapos sa kanya.

“In this case, that’s what you call SKILL. Talented lang talaga ako sa pagkuha ng picture. Kahit pangit nagiging maganda kapag ako kumukuha.”

“Sinasabi mo bang pangit ako?!”

“Wala akong sinasabing ganyan ha. Ikaw nagsabi niyan. Ikaw talaga tisay mahilig mambintang.”

“Heh! Kontrabida ka talaga kahit kailan!”

Di na niya ito pinansin at pinagpatuloy na lang pagpicture sa garden nina Ace.

“Bakit mo ba pinipicture-an garden namin? Kung gusto mo lang yang mga bulaklak, puwede ka ng pumitas diyan. Di naman mapapansin ni Mommy kung nabawasan.”

“Ay, hindi na uy ano. Malalanta lang yung mga bulaklak kapag pinitas ko diyan. Sayang naman. Para ito kay Nanay. Gusto kong ipakita. Mahilig din iyong magtanim.”

Nakailang shot pa siya bago natapos.

“Sige tara na sa loob,” aya niya dito.

“Kung makapag-aya ka parang bahay mo ito ah,” natatawang wika nito habang naglalakad na sila papasok ng napakalaking pintuan.

“Sa feel at home ako dito eh.”

Kung gaano kaengrande ang labas ng bahay ng mga Tolentino, ganun din iyon sa loob ng bahay. Lahat ng kagamitan doon mamahalin talaga tignan. Ultimo yata tiles na inaapakan niya ngayon ay worth ilang libo na. Ngunit sa una lang nakakaintimidate tignan ang loob ng bahay. Later on, napansin niya ang ilang mgabagay na kung saan mafefeel mong nasa bahay ka talaga at hindi nasa loob ng isang museum or lobby ng hotel. Marami kasing mga picture frames na nakadisplay around the living room na nakapagbigay ng “home-ish” feeling sa loob.

Meet My Boyfriend: Ana's Ace (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon