Chapter 1

4.6K 83 15
                                    

AUTHOR'S NOTE: Ngayon lang ito na maglalagay ako sa una dahil alam kong mababasa niyo. I think this is important kaya sana mabasa niyong lahat. Pag sa huli ko kasi ilalagay, madalas walang ng nagababasa nun. Deadma na ba. Hehehe...

The Chapters are UNEDITED! Means maraming mistakes though I try to minimize those things as much as possible kapag nagsusulat.

Baka maconfuse din kayo sa pagpresent ko ng POV... Problem ko yun inaamin ko. Mahilig akong magshift from 3rd to 2nd person POV tuwing nagsusulat. Ewan ko ba. Minsan nga may 1st person na rin yata. Huhuhu... Talent ko yata iyong pagshift shift ng POV. XD

I hope na sana maintindihan niyo pa rin itong story na ito despite those enumerated problems. Yun lang!

=====================================================

Chapter ONE

“Don't be over self-confident with your first impressions of people.”

                                                                                 -Chinese Proverb

Pagtapak pa lang niya sa loob ng Paradise, napatakip kaagad si Ana sa kanyang ilong. Agad kasi niyang nalanghap ang amoy ng pinaghalong sigarilyo at alak. Tumaas din ang kilay niya sa mga nadatnang nagsasayawan sa dance floor. Halos magkiskisan na talaga ng katawan ang mga naroroon. Halatang mga nakainom na dahil sa paraan ng pagsayaw nila.

Pumasok pa siya sa loob at hinanap ang kaibigan. Ngunit halos magalugad na niya ang buong Paradise, ni anino nito hindi man lang niya nasilayan.

Asan na ba ang Chichi na iyon?!

Nagulat si Ana ng biglang may lumapit sa kanyang lalaki. “Hi babe…Wanna dance with me?” Bakas sa pananalita nitong lasing na ito. Guwapo din ito. Pero sorry na lang ito, di niya type.

Naiiritang iniwanan ni Ana ang lalaki at lumabas kaagad ng bar.

Naiinis na nilabas niya ang cellphone at idinial ang number ng kaibigan.

“Chichi!!! Gagawin na kitang chicken, promise!!!” entrada niya kaagad ng marinig ang boses ng kaibigang si Christina or Chichi for short.

“Easy  ka lang bes… Yang boses mo abot hanggang outerspace," pampakalma nito sa kanya.

“Easy? Chichi! Asan ka na ba talaga?! Sabi mo kanina on the way ka na at malapit ka na dito sa Paradise. Andun pa kaya ako sa house nun Chi kaya ang ineexpect ko ay nauna ka na dito.”

“Uhmm… Bes…hindi ako natuloy sa pagpunta diyan eh.”

“Alam mo bang sinasabi mo? Ikaw nagyayang pumunta sa Paradise chuchu na ito. Kung alam ko lang na kaya mo ako pinauna dito ay dahil hindi ka rin lang pupunta, naku…argh! Chichi!”

“Promise bes, papunta na talaga ako diyan nung tinawagan kita. Kaya lang biglang dumating si Charles. Alam mo na.”

Charles na naman!

Ilang beses ng pinagsabihan ni Ana si Chichi na hindi seryoso si Charles dito. Ilang beses na kasing nakita ni Ana si Charles na may kasamang iba sa loob ng campus.  Ito namang si Chichi, nagbibingi-bingihan tuwing sinasabi niya ang mga nakikita niya. Nagbubulag-bulagan din kung minsan. Sarap talagang ipukpok sa pader ulo nitong si Chichi ng matauhan.

Meet My Boyfriend: Ana's Ace (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon