Chapter 4

3.2K 56 9
                                    

Chapter FOUR

"There is no worse lie than a truth misunderstood by those who hear it."

                                                                                            - William James

“Ana, may bagong poster yata ulit oh.” Tinuro ni Chichi kay Ana ang isang bulletin board na nadaanan nila. Maraming taong nag-uusyoso rin doon sa bulletin board.

“Halika, tignan natin Bes!” at bago pa ito makahindi ay nahila na siya ni Chichi.

Nakipagsiksikan ang dalawa hanggang sa nasa may pinakaharap na sila ng bulletin board.

A,

   Parking lot. Same place. 8 pm. Tomorrow.

                                                                                A

Napamulagat si Ana sa nabasa.

Gustong makipagkita sa kanya ni Ace? Ganun na lang ba galit nito sa kanya dahil tinakbuhan niya ito? Eh ano ngayon kung hindi siya pupunta? As if naman.

“Yang dalawang A na naman. Sino ba kasi yang dalawang iyan?” narinig ni Anang komento ni Chichi. “Oh, may post script pa pala ngayon. P.S. Meet me…Or else… Or else what? Hahaha… Bes, parang death threat ano?” ani Chichi who finds the poster funny and weird.

Hinanap ni Ana ang sinasabing post script ni Chichi at nakita naman niya. Hindi niya siguro napansin yun nung una dahil natuon ang atensyon siya sa mas malalaking letters. Yung sa post script kasi ay maliliit na lang na font size ginamit. Totoo ngang may banta sa post script nito. Kahit paano kinabahan siya. Pero kung iisipin talaga, paano naman siya matutunton ni Ace eh kung hindi nito alam kung saan siya nag-aaral. Ang dami kayang eskuwelahan sa Baguio. Tapos sa Saint Bernadette na nga lang halos dalawpung libo na ang estudyante sa college. At marami naman sigurong Ana sa Baguio di ba?

Kumalma siya napag-isip-isip.

“Hahaha…Maghintay ka!” mahinang bulong niya sa sarili.

“Ano kamo?” kunot-noong tanong ni Chichi sa kanya. Narinig pala nito ang ibinulong niya.

“Ah…wala…Halika na nga. Di pa ba magstart klase mo?” pang-iiba niya ng usapan.

Mabilis na tinignan ni Chichi ang relo sa bisig. Nanlaki mga mata nito ng malamang malapit na nga itong mahuli sa klase. “Malalate na nga ako! Patay! Sige Bes, mauna na ako. Hindi pala ako makakasabay umuwi mamaya, may lakad kami ni Charles.”

“Sige lang…”

Pinanood niya si Chichi na halos takbuhin ang hagdan pataas. Nasa fourth floor sila ngayon. Siguradong hingal kabayo ito pagdating nito sa tenth floor. Kung mag-eelevator naman kasi ito ay baka lalo itong mahuli dahil may mga nakapila pa.

Naglakad na din lang siya paakyat ng eleventh floor. Ang library. Magbabasa na lang muna siya ng next lesson nila habang hinintay na sumapit ang 10 am. Nine am pa lang kasi eh. May one hour pa siya.

Magkaiba sila ng schedule ni Chichi dahil magkaiba naman talaga sila ng course. Accountancy course niya at Hotel and Restaurant Management naman kay Chi. Parehong nasa huling taon na sila ng kolehiyo. At kahit magkaiba sila ng course, hindi iyon naging hadlang para maging magkaibigan sila. Nagkakilala sila noong first year college pa lang. Nagkabungguan, tapos ayun, nag-click naman personality nila at naging magkaibigan hanggang maging magbestfriend na nga. Alam niyang mapagkakatiwalaan talaga si Chichi. Subok na niya iyon. Alam ni Chichi ang lahat-lahat tungkol sa kanya. Except syempre yung nangyari sa Paradise.

Speaking of Paradise, nagpromise na siya sa sarili niyang hindi siya babalik doon. Wala din siyang pakialam kahit si Ace ang maghintay. Eh di maghintay ito! Mamuti na mga mata nito at lamigin man ito ng todo-todo, pero hindi siya sisipot.

Taga-main campus naman si Ace kaya hindi siya natatakot na baka magkrus landas nila. Nagtatagpo lang naman mga taga main campus ng SBU at Anne Heights campus kapag may mga events tulad ng intramurals at foundation days. Ganito kasi iyon. Ang Saint Bernadette ay may dalawang campus for their college. Ang SBU main campus na tinatawag at ang Anne Heights SBU campus. May campus din for elementary at high school pero ibang usapan na iyon. Sa SBU, tinatawag na School ang isang college. Kaya imbes kunwari na College of Nursing, tinatawag nilang School of Nursing iyon sa SBU. Sa main campus matatagpuan ang School of Nursing (SoN), School of Natural Sciences (SNS), School of Law (SoL), School of Medicine (SoM), School of Computing and Natural Sciences (SCNS), School of Humanities (SoH), at School of Engineering and Architecture (SEA). From SEA si Ace at ang pagkakaalam niya ay isang architecture student at nasa huling taon na ring tulad niya. Ang nag-iisang school  naman sa Anne Heights Campus ay ang School of Accountancy and Business Management. Sa SBU din ay halo-halo ang estado ng nag-aaral. May ubod ng yaman, katamtamang yaman, middle class at meron din yung mga scholar. Kaya nga merong ubod ng yamang tulad ni Ace sa SBU eh. Pangkaraniwan na lang iyon.

Maraming estudyante talagang nag-aaral sa Saint Bernadette. Halos lampas twenty thousand. Sa SABM pa lang halos limang libo na sila. Kaya natitiyak niyang mahihirapan itong si Ace na hanapin siya dahil wala man lang itong kahit anong lead sa kanya except for name ANA. And Ana is only her second name. Aisha Ana talaga name niya. Mas nasanay lang ang lahat na tawagin siyang Ana kaya ganun.

In your face Ace! Hindi kita sisiputin! Hmmmp!

===========================

A/N: Dedicated to @BraveHeart777..... Salamat ng marami sa gift na binigay mo! I'm super overwhelm with your gift. Sa uulitin! hahaha... joke lang! XD Abuso na ako...  hehehe...

as to everyone na nagbabasa nitong Ana's Ace, isang walang katapusang THANK YOU ulit!

Meet My Boyfriend: Ana's Ace (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon