Chapter 3

3.1K 59 15
                                    

Chapter THREE

"If the facts don't fit the theory, change the facts."

                                                     - Albert Einstein

Isang linggo na ang lumipas mula ng maganap ang insidente sa Paradise. Napayapa ang kalooban at isip ni Ana ng masigurong walang Ace na naghanap sa kanya. Sabagay, sino ba naman siya para ipahanap ni Ace?

Sinabihan din niya sina Owen at Kelly na huwag ipagkalat ang nalaman tungkol sa kanya at kay Ace. As if naman meron kasi di ba? Pero iba kasi pagkakaalam ng dalawa. Buti na lang at pumayag naman sila na isikreto na muna. Madali namang kausap yung dalawa eh. Si Kelly, alam na niyang papayag yun. Mataas din kasi pride nun at ayaw nitong malaman ng lahat na mas higit pa yung pinagpalit niya sa current boyfriend nitong si Owen. Si Owen ay hindi naman talagang tsismosong tao. Alangan namang ipagkalat niyang, “Uy, ipinagpalit ako ni Ana kay Ace!” Eh di walang-wala ego nito kung sakali.

“Hello my ever beautiful bessy Ana!” agaw pansin sa kanya ni Chichi.

Ngumiti si Ana ng makita ang bestfriend. “Chi!”

Umupo si Chichi sa bakanteng upuan. Nasa cafeteria sila ngayong ng Anne Heights Campus ng SBU.

“Ay, bakit hindi mo ako hinintay kumain?” sita ni Chichi kay Ana ng mapansin ang paubos ng meriendang spaghetti at softdrinks nito.

“Eh sa ang tagal mo. Mamamatay na ako sa gutom, wala ka pa rin. Kaya nauna na ako.”

“Sorry. Ang tagal bago kami dinismiss ng prof namin kasi. Gutom na rin ako. Bili muna ako ng pagkain.” Tumayo ito.

“Pabili din ako ng isang fries," pahabol ni Ana rito.

“Takaw!” biro nito.

Naiwan si Anang mag-isa at inubos na niya ang kinakain. Hanggang ngayon ay hindi pa niya na-oopen up kay Chichi ang nangyari sa Paradise. Hindi kasi niya alam kung paano sisimulan.

Ilang sandali lang ay dumating na si Chichi dala ang fries na pinabili niya at mga binili nitong merienda nito.

“Nabalitaan mo ba?” entrada kaagad nito.

“Ang alin?”

“May mga biglang nagsulputan na posters sa mga bulletin boards. Sa main campus man or dito sa Anne Heights meron. Pati sa ibang schools meron din daw.”

Nilantakan ni Chichi ang  binili nitong merienda. Sinimulan na din niyang kainin ang fries.

“Anong big deal sa poster?”

“Kasi napakamysterious nung nakasulat.”

“Mysterious?”

“Uh-uh…mukhang code between dalawang tao eh.”

“Grabe naman. Effort ha! Ano ba kasing nakasulat?” curious niyang tanong.

“Sandali lang….” binuksan ni Chichi ang bag saka nilabas ang sinasabing poster.

“Hala, Chi! Bakit ka kumuha ng poster?!”

“Okay lang yan. Di naman mapapansin kung nabawasan ng isa. Dami kayang ganitong nakapaskil.” Balewalang tugon nito saka pinasa sa akin ang nakatuping poster.

Binuklat ni Ana iyon at napakunot-noo sa nabasa.

                                                        A will find you A.

Bigla itong pinanlamigan sa nabasa.

“Sino kaya yang dalawang A na yan at di na lang sila magtextan ano?” komento ni Chichi.

Pagkabasa pa lang ni Ana iyon, malinaw na para sa kanya ang mensahe sa poster. A will find you A. Ang ibig lang sabihin nun ay Ace will find you Ana.

Is Ace threatening me?!

Natakot siya sa puwedeng gawin ni Ace. Ano kayang plinaplano ng tukmol na iyon? Imposible namang mahanap siya nito. Waaaaaaa! Sana nga imposible.

Nagulat pa si Chichi ng crinumple niya ang poster sa mga palad saka tinapon sa basurahan.

“Bakit mo tinapon?” tanong ni Chichi.

“Ano ka ba naman Chi. Huwag na nating pagtuunan ng pansin ang mga ganyang bagay.”

“Sabagay. Siguro trip trip lang yan ng gumawa. Walang magawa sa buhay.”

“Sinabi mo pa.”

Ngunit sa loob-loob ni Ana ay nag-aalala siya sa puwedeng gawin ni Ace.

==============================

A/N: Nag-OT kami sa work. Huhuhu. Wawa naman kami. Hindi man lang makapagleave para maextend man lang holiday vacation. Huhuhu.. Sobrang stress ako kaya nagsulat ako ngayon. Kaya yan - maikli lang. Gusto ko lang talaga magsulat ngayon.

Anyways, thanks for reading ulit! :)

Meet My Boyfriend: Ana's Ace (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon