Chapter 16- First Activity (Snare Trap)

74 36 84
                                    

Pagdating ng Tanghali, abala sa pagkain ng pananghalian ang mga estudyante ng 10-A kasama ang kanilang guro na si Sir Joey. Pinuri naman ni Sir Joey ang pagkaing niluto ng kanyang mga estudyante.

Sir Joey: "Guyz! Ang sarap niyo palang magluto ng Ginisang Munggo. Di ko akalain na kaya niyo pa lang magluto sa kahoy."

Emily: "Oo nga po, Sir. Di nga po namin akalain na makakapagluto po kami ng maayos sa kahoy."

Nina: "Buti natantya po namin yung apoy kanina. Kapag nagkataon, siguro kumakain na po tayo ng sunog sa mga oras na ito."

Axel: "Pero girls, ang sarap talaga ng pagkakaluto niyo. Wala man lang akong malasahang hilaw na munggo sa pagkain natin."

Emily: "Hehe...Salamat sa papuri mo, Axel."

Nina: "Oo nga. Hehe.."

Ruby: "Axel, ba't sila lang ang pinupuri mo? Kasama din naman nila akong nagluto ah?"

Axel: "Ay...Oo. Pati din naman ikaw, Ruby. Magaling ka din naman magluto."

Ruby: "Salamat ha. Hehehe.."

Emily: (Papansin. Halata namang ayaw din sayo ni Axel. Napilitan ka lang niyang purihin.)

Bago pa man magkaroon muli ng tensyon sa mga babae, agad pinutol ng kanilang guro ang usapan ng kanyang estudyante upang sabihin ang susunod nilang gagawin para sa hapon.

Sir Joey: "Okay, Guys! Tama na muna ang usapang puri. Makinig na muna ang lahat."

Agad tumigil sa pagkain ang mga estudyante tsaka sila taimtim na nakinig sa kanilang guro.

Sir Joey: "After lunch, gagawa kayo ng isang epektibong bitag upang hulihin yung mga manok na pagala-gala dito sa camp. Siyempre, hindi lang kayo ang gagawa ng bitag, makakakumpitensya niyo rin ang ibang mga estudyante mula sa ibang Section. Kaya dapat galingan niyo ang paggawa ng bitag. At hahayaan ko din kayong samahan ang mga kaibigan para naman makapag-isip kayo ng maayos na bitag na inyong gagawin."

Althea: "Sir? Hahayaan niyo po kaming makipag-group sa mga kaibigan po namin?"

Sir Joey: "Oo, Althea. Siguro naman, hindi na kayo mahihirapan pa sa paggawa ng maayos na bitag. Kasi mga kaibigan ninyo ang makakasama niyo. Tsaka isang bagay pa, paramihan din ng mahuhuling manok sa isang Section. Kaya depende na rin sa inyo kung ilang bitag ang magagawa ninyo. Bago maggabi, titingnan ni Madam Vice-Principal kung ilan ang nahuling manok sa bawat Section. Kaya galingan niyo sa pagbitag ng mga manok."

Nina: "Opo, Sir! Tama po ang desisyon po ninyo. Hindi po namin kayo bibiguin."

Sir Joey: "Kung ganun, pagkatapos niyong kumain, simulan niyo na ang inyong activity."

Lahat: " Yes Sir!"

Matapos ianunsyo ni Sir Joey ang gagawing Activity ng kanyang mga estudyante sa hapon, nagpatuloy sila sa pagkain ng kanilang pananghalian. Tsaka naghugas at iniligpit ng kanyang estudyante ang kanilang kinainang plato at baso pabalik sa loob ng kanilang Camphouse. Matapos magligpit, agad nagpulong at gumawa ng grupo ang mga estudyante ni Sir Joey. Kung saan magkakasama sa isang grupo sila Emily, Althea, Nina, Claire, Axel at Isaac. Nagreklamo naman sila Daniel at ang Kambal na sina Allan at Allen matapos magdesisyong sumama si Axel sa grupo ni Emily.

Daniel: "Tol! Bakit ka sumama kila Emily?! Akala ko ba tayong mga lalaki ang magkakampi dito?!"

Allen: "Oo nga! Pareng Axel! Akala ko ba magkakampi tayo?!"

Axel: "Guys, pasensya na kayo. Pero kailangan ko din samahan sila Emily. Lalo na't puro sila babae sa grupo nila."

Daniel: "Eh kasama din naman nila si Isaac? Bakit mo pa kailangang sumama?"

Silent WaltzWhere stories live. Discover now