Chapter 50- Sinat

50 18 12
                                    

Kinaumagahan, maagang nagising ang kapatid ni Emily na si Lucile at abala sa pagluluto ng agahan sa kusina.

Ilang sandali pa, nang matapos ito sa pagluluto, napansin niyang tila tinanghali ng gising ang kanyang kapatid at mag-aalas siyete y media na rin ng umaga.

Sa mga oras na iyon, dapat gising na si Emily at sumasabay na sana ito sa pagkain ng agahan.

Kaya pinuntahan ni Lucile ang kanyang kapatid sa kuwarto at nilapitan si Emily.

Lucile: "Bunso, bumangon ka na diyan. Mag-agahan na tayo. Maaga pa akong aalis, para sa trabaho."

Narinig ni Emily ang boses ng kanyang kapatid at mabagal na umupo sa kanyang higaan. Tsaka niya kinausap ang kanyang Ate.

Emily: "Pasensya na po, Ate. Medyo nahihilo at masakit din po ang katawan ko."

Lucile: "Bakit ka naman nahihilo? Dahil ba sa sobrang pagbababad niyo sa dagat kahapon? O sa pagmamaneho ni Madam?"

Emily: "Hindi naman po, Ate, dahil sa mga ginawa namin kahapon. Tsaka okay pa naman po ako pag-uwi po namin kahapon. Pero sa ngayon, hindi po talaga maganda ang pakiramdam ko."

Lumapit at umupo si Lucile sa tabi ng kanyang kapatid, tsaka nito ipinatong ang kanyang kanang namay sa noo ng kanyang kapatid.

Naramdaman niyang medyo mainit ang noo ni Emily, kaya naisip na lang niyang lumiban sa trabaho.

Lucile (worried): "Bunso, mukhang may sinat ka. Baka lumala pa yan kapag nagtagal. Mabuti pa siguro kung, i-text ko na lang si Sir Mark at lumiban muna ako sa trabaho."

Emily: "A-Ate! Hindi niyo na po kailangan gawin yan! Okay lang po ako! Siguro, konting papawis lang dito sa mga gawaing bahay at baka mawala na po yung aking sinat."

Lucile (concerned): "Bunso? Sigurado ka ba? Eh para ka kasing lalagnatin?"

Ayaw ni Emily na lumiban sa trabaho ang kanyang Ate dahil alam niyang may "No work, no pay" policy ang kumpanyang pinapatakbo ng Uncle ni Kit na si Ansyong.

Bagamat, ipinasok si Lucile sa kumpanya, hindi nangangahulugang exempted na siya sa polisiya.

Kaya pinilit na ipinakita ni Emily sa kanyang Ate na maayos ang kanyang kalagayan at agad siyang tumayo sa kanyang higaan sabay nag-stretching sa harap ng kanyang kapatid.

Emily: "Opo, Ate! Tingnan niyo po. Makakagalaw po ba ng ganito ang may sakit? Kaya okay lang po ako!"

Lucile (worried): "Sigurado ka ba, Bunso? Kaya mo bang gawin ng mag-isa ang mga gawaing-bahay?"

Emily: "Ate! Okay lang po ako. Kayang-kaya ko pong tapusin ang mga gawaing bahay. Magtiwala naman po kayo sa akin."

Sandaling hindi kumibo ang kanyang Ate at pinag-iisipan ang mga sinabi ni Emily hanggang sa pumayag na rin si Lucile.

Lucile: "Oh sige, Bunso. Papasok na lang ako sa trabaho. Total, ikaw na rin nagsabi na kaya mong magtrabaho dito sa bahay."

Emily: "Ate, ako na po ang bahala. Sinisiguro ko po na pag-uwi po ninyo dito sa bahay ay tapos ko na po lahat ng mga gawaing-bahay. Kaya huwag po kayong mag-alala at pumasok na po kayo sa trabaho."

Lucile: "Oo na, Bunso. Basta't tawagan mo lang ako kung may nararamdaman kang kakaiba ha?"

Emily: "Opo, Ate." (Pasensya na po, Ate. Pero ayoko pong umabsent po kayo sa inyong trabaho ng dahil sa akin.)

Pagkatapos mag-usap sa kuwarto, sabay na bumaba ang magkapatid at sila'y pumunta sa kusina para kumain ng agahan.

Nang matapos sa agahan, agad naghanda sa pagpasok sa trabaho si Lucile, tsaka siya nag-paalam kay Emily at sumakay sa Tricycle paalis ng kanilang bahay, habang kinakawayan ni Emily ang kanyang Ate.

Silent WaltzWhere stories live. Discover now