Chapter 6- CR Punishment

121 53 129
                                    

Matapos silang sermonan ng kanilang guro, agad ng sinimulan ng mga nagcheat ang paglilinis ng mga CR.

Ngunit bago sila maglinis ng CR naisip ni Daniel na hatiin ang kanilang mga grupo sa apat upang mapabilis ang kanilang paglilinis nila.

Daniel: "Guys! May naisip ako. Ano kaya kung hatiin natin sa apat yung grupo natin? Para naman mapabilis yung paglilinis natin sa mga CR?"

Nina: "Mukhang maganda nga yan naiisip mo Daniel."

Allan: "Sang-ayon ako diyan tol, para mapadali tayo sa paglilinis."

Allen: "Oo! Kung saan ang kakambal ko, ganun din ako?"

Allan: "Tama! At kung saan si Claire, nandoon din kami?!"

Allen: "Oo nga!"

Althea: "Hoy! Kayong dalawa! Huwag kayong mangarap na makaka-grupo niyo si Claire sa paglilinis ng banyo!"

Nina: "Oo nga! Lalo na't alam naming plano niyo pa rin siyang silipan!"

Claire: "Ba't di na lang kayo maki-grupo kila Ruby? Total hindi naman nahihiyang nakikita ang sariling balat ng mga iyan sa estilo ng mga pananamit nila."

Althea: "Oo nga, Claire. Hindi nga kakinisan yung mga balat nila, pero hapit pa sila kung manamit."

Ruby (frowns): "Hoy! How dare you?! My skin is soft and inggit lang kayo!!!"

Ivy: "Oo nga! Tsaka para kayong nasa panahon ng mga lola namin kung manamit!"

Samantha: "At isa pa! Dapat sa inyo sumama yan dalawang mga bastos na iyan! Kasi kaparehas ninyong mga Loser!"

Nina (irrirated): "Loser?! Kung maka-loser kayo parang ang gagaling niyo ah?! Samantalang nag-cheat din naman kayo!"

Emily: "Kaya nga! Nagchecheat lang din naman kayo kaya matataas ang mga nakukuha ninyong score! Nataon lang na hindi kami nakapagreview kaya napilitan din kaming gawin ang hindi dapat sana ginagawa! Pero sa tutuusin, mas nakakalamang kami dahil nag-aaral kaming mabuti kaysa sa inyo! Mga tunay na Loser!"

Ruby (shocked): "What?!"

Ivy (surprised): "Kami Loser?!"

Samantha (annoyed): "Talagang sasabunutan ko na eto!"

Althea (frustrated in anger): "Anong sinabi mo, Samantha? Sasabunutan mo si Emily?! Sige! Halina kayo! Pagbibigyan namin kayo!"

Bago pa man magkainitan at tuluyang magsabunutan ang dalawang grupo ng mga babae, pumagitna na si Daniel sa pagitan ng mga mag-aaway ngunit sa paraang alam nito.

Daniel (mad): "Okay! Tumigil nga kayo! Lahat kayong mga babaeng ewan na kinalimutan ang suggestions ko! Ano?! Sang-ayon ba kayo sa mga plano ko o HINDI?!"

Sandaling naawat lang ang mga nag-aaway na grupo dahil si Daniel ang umaawat sa kanila. At dahil na rin sa gwapo ito.

Althea: "Actually gusto ko rin yan plano mo Daniel, pero hindi ko lang alam sa iba kung sang-ayon sila sa plano mo?"

Daniel: "Kayo dyan na tatlo?! Anong masasabi niyo diyan sa plano ko?!"

Ruby (flirting): "Well, sang-ayon ako sa plano mo. Basta ikaw ang kasama namin. Di ba girls?!"

Ivy at Samantha: "Oo nga!"

Nina: "Ewan namin sa inyo! Pero Daniel, kung diyan ka sa mga yan sasama, baka panoorin ka lang maglinis ng mga iyan."

Althea: "Oo. Tama ka dyan, Nina."

Ruby: "Anong panonoorin?! Hello! Siyempre! Tutulungan ko siyang maglinis!"

Silent WaltzWhere stories live. Discover now