Chapter 28- Awayan sa Mall

64 29 72
                                    

Ilang mga umaga ang dumaan at nagsimula na naman ang araw sa nakagawian ng eskwalahan ni Emily.

Ngunit sa pagkakataong ito, iba naman ang nangyari sa araw ng pagtratrabaho ni Lucile.

Pagkabukas ng Mall kung saan nagtratrabaho si Lucile bilang isang sales lady ng isang Brand ng sapatos.

Dumating din ang kanyang Baklang Boss na branch manager din ng Stall na kanyang pinagtratrabahuhan.

Lucile: "Good morning, Sir."

Boss: "Hello! Good morning din! Hay.....panibagong araw na naman para magtinda ng sapatos. Sana man lang, Lucile hindi ka nagsasawa sa trabahong ito."

Lucile: "Hindi naman po, Sir. Tsaka okay naman po ako sa trabahong binigay niyo. Basta nasasahuran po ako ng patas."

Boss: "Oo naman, Lucile. Kaya lang nag-aalala ako na baka nagsasawa ka na sa trabahong to. Tsaka naiinggit talaga ako sa katabi nating PULSE fashion na tindahan ng damit."

Lucile: "Bakit naman po, Sir? Anong mayroon po sa kanila na wala po sa atin?"

Boss: "Ano kasi.....Wala silang binabayarang mga utang at matagumpay ang kanilang business. Samantalang business branch natin, parang malapit ng malugi at maalis dito sa Mall."

Lucile: "Teka? Sinasabi niyo po bang baon sa utang ang kumpanya?!"

Nagulat si Lucile ng malaman niyang maraming utang ang kumpanya ng sapatos kung saan siya nagtratrabaho at nangangamba ang kanyang Boss na branch manager sa Mall na baka mawalan sila ng trabaho.

Maya't maya nagsidatingan na din ang mga ibang sales lady na kanilang kasama sa pagtratrabaho.

Boss: Okay, Guys! Simulan na natin ang trabaho ng hindi tayo malugi sa araw na ito. Do your best."

Agad inilabas ng mga Sales lady ang mga sapatos na kanilang ibebenta at pumunta naman sa Storage room si Lucile para ilabas ang mga bagong dating na sapatos na kanilang ibebenta.

Ngunit bago siya pumasok sa Storage room, pumunta muna siya saglit sa Manager's office para kausapin ang kanyang Boss.

Lucile: "Sir, matanong ko lang po kayo saglit."

Boss: "Ano yun, Lucile?"

Lucile: "Sir, kaya niyo po ba ako tinatanong kung nagsasawa na ba ako sa aking trabaho ay dahil, malapit na bang mawala itong Shop?"

Nang itanong ito ni Lucile sa kanyang Boss, tumango na lang ito bilang pagsang-ayon na malapit na ngang ipasara ang Shoe branch ng kanilang kumpanya dahil sa malaking utang ng mga may-ari.

Dismayado naman si Lucile ng malaman ang kahihinatnan ng trabaho na kanyang pinapasukan.

Ganun pa man, humingi ng tawad ang Boss ni Lucile dahil sa malapit ng magsara ang kanilang shoe shop.

Boss: "Girl, patawarin niyo sana ako at nang mga kasama mo sa trabaho. Pero wala din akong magagawa. Empleyado din ako gaya niyo at pare-pareho din tayong mawawalan ng trabaho."

Lucile: Boss, wala na po bang paraan yung may-ari na maisalba ang kumpanya?"

Boss: "Balita ko sa ibang Branch managers, nagsisimula ng magsara ang ilan sa mga Regional branches. Mukhang sa nakikita ko, Bankrupt na ang kumpanyang ito."

Nalungkot si Lucile ng marinig mula sa kanyang Boss na hindi na mapipigilan ang pagkalugi ng kumpanya kung saan siya nagtrabaho.

Ngunit pinayuhan siya ng kanyang Boss.

Boss: "Lucile, habang maaga pa, mag-apply ka na dyan sa kabila."

Lucile: "Ha? Boss ano pong sinasabi niyo? Ba't naman ako mag-aapply sa kabila?"

Silent WaltzWhere stories live. Discover now