Chapter 44- Fishing Day

31 17 20
                                    

Makalipas ang dalawang araw na pagbobonding ng magkapatid na sila Lucile at Emily, muli na namang pumasok si Lucile sa kanyang trabaho at naiwan naman si Emily nang mag-isa sa kanilang bagong tirahan. Dahil sa nag-iisa lang si Emily sa loob ng bahay, nagsisimula nang mabagot at mag-iisip kung paano gugugulin ang kanyang Christmas Vacation habang nakadapa sa sofa at nakasubsob ang kanyang mukha sa unan, sa loob ng kanilang Sala.

Emily: "Haay......Amboring naman pala dito sa bahay kung mag-isa ka lang. Dapat siguro sumabay na lang ako kay Ate at binisita ko si Nina sa bahay nila."

Kit: "Lumabas ka kasi. Para makilala mo naman yung ibang mga kapit-bahay natin."

Nang marinig ni Emily ang boses ni Kit, hindi na ito nagulat dahil na rin sa alam niyang kapit-bahay niya ito at alam niyang madalas sumusulpot si Kit na parang kabute sa loob ng kanilang bahay. Alam din ni Emily na nakaupo si Kit sa dulo ng sofa dahil naramdaman niyang umupo ito sa tabi ng kanyang mga paa.

Emily: "Kit, dumaan ka na naman ba sa bintana? Talagang paborito mo ang talaga ang dumaan dun."

Kit: "Nasasanay ka na ba sa akin? Mabuti naman kung ganon."

Emily: "Siyempre, basta ka na lang kasi sumusulpot nang hindi nagpapaalan sa amin ni Ate. Ano pala ipinunta mo dito?"

Kit: "Naboboring ka. Kaya pumunta ako dito."

Emily: "So, pumunta ka lang dito para kausapin ako? Nakakaboring pa rin."

Kit: "Kung ganun, tumayo ka na dyan. Lalabas tayo."

Nang marinig ni Emily ang sinabi ni Kit, dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakadapa sa sofa at umupo katabi si Kit, tsaka niya ito tinanong.

Emily: "Saan naman tayo pupunta?"

Kit: "Sa dagat."

Emily: "At ano naman ang gagawin natin doon?"

Kit: "Fishing."

Emily: "Tayong dalawa?"

Kit: "Kasama natin yung ilang mga kapit-bahay."

Tila nagkaroon ng interest si Emily matapos siyang imbitahan ni Kit na mangisda sa dagat kasama ang ilan sa kanilang mga kapit-bahay.

Ngunit, may isang bagay pang inaalala si Emily, sakaling sumama siya sa pangingisda.

Emily: "Kit, gusto ko sanang sumama sa pangingisda ninyo sa dagat. Kaso mukhang tirik na ang araw at ayoko din namang umitim."

Kit: "Gaya ng inaasahan."

Emily: "A-Anong ibig mong sabihin?"

Nagtaka si Emily sa sinabi ni Kit. Hanggang sa nagulat ito nang makita niyang naglabas ng dalawang plastik na bote ng Sunblock si Kit mula sa kanyang bulsa.

Kit: "Emily, Hubad."

Emily: "A-Ano ka?! Sineswerte?! Hindi ko ipapakita ang katawan ko sayo!"

Napatitig ng nakasimangot si Kit matapos siyang sabihan ni Emily na hindi nito ipapakita ang kanyang katawan para malagyan ng Sunblock. Kaya naglabas na naman ng dalawang bote na kulay itim si Kit at ipinakita kay Emily.

Kit: "Kung ayaw mo ng Sunblock, marahil magbago ang isip mo dito sa Tire block."

Emily: "Ano na naman ang gagawin mo dyan sa Tire block?!"

Kit: "Ipapahid sayo. Sa pagkaka-alala ko, isang buwan pa ang aabutin bago matanggal ang kulay itim sa balat. Kaya kung ibubuhos ko ito sayo ngayon, magiging maitim ang iyong balat hanggang sa araw ng Prom. Kaya kung ako sayo-"

Silent WaltzWhere stories live. Discover now