Chapter 32- To the Rescue

76 28 78
                                    

Bago pa man makatalon si Emily sa kanyang kinatatayuan, siya'y nagulat ng may mga brasong yumakap sa kanyang baywang.

Mayroon man ang isang metrong haba na Fence na nakaharang din sa pagitan ni Emily at ang taong pumigil sa kanya sa pagtalon, hanggang ibaba naman ng baywang ang naturang harang.

Ngunit ang ikinagulat pa ni Emily ay nang lumingon siya sa kanyang likod at makita ang mukha ng taong pumigil sa kanya mula sa plano niyang pagpapakamatay.

Emily: "Huh?! K-Kit?! Anong ginagawa mo dito?!"

Hindi sinagot ni Kit ang mga tanong ni Emily, ngunit alam ni Kit na mali ang pinaplano ni Emily sa kanyang sarili.

Kaya bago pa man mawalan ng balanse si Kit, agad niyang binuhat at hinihila, si Emily mula sa kanyang baywang tsaka niya inilayo si Emily mula sa mababang Fence.

Napahiga ang dalawa sa sahig ng Roof top at agad tumayo si Kit upang tulungan si Emily na tumayo.

Ngunit, nagalit pa si Emily kay Kit matapos siyang iligtas nito mula sa pagpapakamatay.

Emily (irrirated): "Kit! Bakit mo ako pinigilang tumalon?! Ayoko nang mabuhay pa! Malas ako sa inyong lahat! Hinayaan mo na lang sana akong mahulog diba?!"

Tumitig lang si Kit ng nakasimangot sa naging reaksyon ni Emily na tila walang narinig.

Lalo pang nagalit si Emily sa naging reaksyon ni Kit, kaya sinubukan niyang lapitan ang mababang Fence.

Ngunit naging alerto si Kit sa pagkilos ni Emily at nang mapansin niya na tatangkain muli ni Emily na tumalon, agad niyang pinuntahan ang mababang Fence at ihinarang ang kanyang sarili.

Lalo pang nagalit si Emily sa ginawa ni Kit.

Emily: "Kit! Umalis ka nga diyan! Huwag kang diyan humarang!"

Pilit hinila sa damit ni Emily si Kit, palayo sa hinaharangang Fence.

Ngunit kumapit ng husto si Kit sa Fence at pilit pinipigilan si Emily sa kanyang plano na pagpapakamatay.

Nagalit ng husto si Emily sa ginagawang pagharang ni Kit hanggang sa pinagpapalo at pinagsasampal ni Emily ang mukha at katawan ni Kit ng kanyang mga kamay.

Ngunit hindi natinag si Kit sa ginagawang pananakit ni Emily, hanggang sa maisip ni Emily na banggain si Kit.

Pero naisip din niya na kapag binangga niya si Kit ay mamatay silang pareho mula sa pagkakalalag sa Roof top at ayaw ni Emily na mayroon madamay pang ibang tao sa kanyang pagpapakamatay.

Kaya bago niya banggain si Kit, kinausap niya muna ito.

Emily: "Kit, kapag hindi ka umalis diyan sa harap ng Fence, babanggain kita. Kapag nabangga kita, mahuhulog tayo pareho at agad tayong mamatay, pagbagsak natin sa lupa. Kaya tatanu-!"

Kit: "Isang malaking kasalanan ang pagpapakamatay, Emily. At yan ang dapat mong intindihin. Kung inaakala mo na mapapaalis mo ako, mula dito sa mababang.......bakod na ito para isagawa yan pagpapakamatay mo...... Pwes, hindi......... ako papayag sa gusto mo....... Pero kung......desido kang mamatay......... isama mo na lang ako."

Sa unang pagkakataon, narinig ni Emily na magsalita si Kit at naantig siya sa malamig nitong boses.

Ngunit may napansing kakaiba si Emily sa pananalita ni Kit.

Emily: "Kit, bakit ka ganyan magsalita? Parang nahihirapan kang huminga?"

Kit: "....Oo.... <Haah>.... Teka...... Sandali.... Pero.....Total..... magpapakamatay ka din.....lang..... Isama mo na......ako....."

Silent WaltzWhere stories live. Discover now