Chapter 26- Tutor

67 29 61
                                    

Isang araw matapos maganap ang Date nina Axel at Emily, muling nagsimula ang linggo sa maagang pagbibigay ng surprize quiz ni Sir Joey sa kanyang mga estudyante. At gaya ng inaasahan ni Emily at nang iba pang mga estudyante, nagreview sila isang araw bago bumalik ang pasok sa eskwela.

Laking tuwa ni sir Joey matapos siyang magbigay ng quiz kung saan, marami ang nakakuha ng mataas na marka maliban sa isang estudyante na patuloy pa rin sa pagiging pasaway.

Sir Joey: "Class! Natutuwa akong ianunsyo na karamihan sa inyo ay nakakuha ng mataas na marka. Ngunit ikinalulungkot ko din na nakakuha ang ilan sa inyo ng mababang marka. Kaya hinihiling ko dun sa mga nakakuha ng mababang Score, sa susunod magreview din kayo ng may maisagot kayo sa inyong quiz."

Sumagot naman ng "Yes Sir" ang mga estudyanteng nakakuha ng mababang score tsaka nagpatuloy sa bagong lessong ang kanilang guro.

Matapos ang klase sa umaga, nag-anunsyo ang mga guro sa bawat Classroom na may magaganap muling Faculty meeting ang mga guro sa Hapon. Laking tuwa naman nang karamihan sa mga estudyante at nagbubunyi palabas ng kanilang mga Classroom papunta sa Canteen para mananghalian. Ngunit, bago makaalis sa Classroom si Ruby, agad siyang tinawag at pinaiwan ng kanyang guro. Nagtaka naman si Ruby kung bakit siya pinaiwan ng kanyang guro.

Ruby: "Sir? Is there something you need?"

Sir Joey: "Miss Fajardo, didiretsahin na kita. Bagsak ka sa tatlong subjects ko."

Ruby: "What? Why?"

Sir Joey: "Why ka dyan?! Hindi mo ba naalala?! Ilang beses ka lang naman nag-cheat sa klase ko. Pangalawa, mas mababa pa sa passing ang nakukuha mong score sa iba mo pang quiz. Kaya anong aasahan mong ilalagay ko grade sa iyong Card?"

Ruby: "Sir, I'm Revi-!"

Sir Joey: "Tigilan mo nga ako sa kaka-English! Ni grade mo sa tatlong subject na hinahawakan ko, hindi mo mapabuti! Tapos iinglisin mo pa ako!"

Nagulat si Ruby ng bigla siyang pagsabihan ng kaniyang guro. At ito rin ang unang beses na nakita niyang seryoso at galit ang kanyang Adviser.

Nagsalita pang muli ang kanyang guro at galit pa siyang pinagsabihan niyo.

Sir Joey: "Alam mo, buti pa yung dalawang kaibigan mong sina Ivy at Samantha nakakabawi sa kanilang mga Grades! Ganun din si Jackson! Kahit pasang-awa siya, nagagawa pa rin niyang humabol sa kanyang Grade!! Eh ikaw?! Anong ginagawa mo para pumasa sa subjects ko?! Miss Fajardo?! Gusto mo bang "Incomplete" ang ilagay ko sa iyong Card?!"

Nakita ni Ruby na sobrang seryoso ang kanyang guro sa kanyang sinasabi at naunawaan din niya na kailangan niyang gawin ang lahat para mapabuti ang kanyang Grades.

Kaya sa pagkakataong ito, nagsalita si Ruby ng normal at tinanong niya ang kanyang guro kung ano ang kanyang gagawin para hindi maging "Incomplete" ang kanyang Grade.

Ruby: "Sir, A-Ano pong dapat kong gawin para mapabuti ko po ang aking grades sa inyo pong mga subject?"

Sir Joey: "Simple lang naman ang gagawin mo. Total, wala naman gagawin ang karamihan sa inyo mamayang hapon dahil sa Faculty meeting namin mamaya pagkatapos ng lunch, gusto kong magreview ka sa Science, Math at MAPEH sa loob ng Library kasama si Edward bilang tutor mo."

Ruby: "A-Ano po?! Si Edward ang magtututor po sa akin?!"

Sir Joey: "Oo. Bakit? May problema ba?!"

Hindi mawari sa isipan ni Ruby kung matutuwa ba siya o maiinis dahil sa makakasama niya si Edward bilang kanyang tutor. Kaso, magrereview naman siya para ipasa ang tatlong pabagsak niyang grades sa tatlong subject ng kanyang guro.

Silent WaltzWhere stories live. Discover now