Binuo Kita

29 1 0
                                    

Nang ika'y aking nakilala
Nabalitaan kong puso mo'y dinurog niya
Kaya naman narito ako upang muling bouin at ikalma
Nang sa ganun ika'y muling magmahal at maging maligaya

Hindi naging madali ang aking nagawa
Naging maingat ako sa aking bawat kilos at gawa
Ika'y natuto muling tumawa
At labis aking saya at ligaya

Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari
Isang araw nang tayo'y naglakad sa kalye
Ating nakita ang taong naging sanhi
Kung bakit puso mo'y aking tinahi

Hindi ko lubos akalain
Na siya'y iyong binigyang pansin
At iyong binigkas ang mga salitang di ko lubos akalain
"Maraming salamat sa pagdurog ng aking puso dahil diyan nakilala ko ang taong mamahalin ko hanggang dulo

Labis ang sayang nadarama ko
Nang aking marinig ang mga salitang binitiwan mo
Akala ko ika'y magiging marupok
At iiwan akong nakatayo sa isang sulok.


Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon