Binitiwan Mong Pangako

43 4 0
                                    

Nasa aking isip pa rin
Ang huli mong sinabi sa akin
Nong bago mo ako lisanin
Sabi mo ako'y maghihintay
Dahil ikaw ay babalik muli at tayo'y di na maghihiwalay

Ngunit nasaan na ngayon
Ang sinabi mong iyon
Ikaw nga ay totoong nagbalik
Nagbalik ka kasama ang iyong bagong pag ibig
Nasaan ang pangakong aking hinintay upang ikaw ay makasama habang buhay

Bakit mo ito sa akin nagawa
Wala naman ako sa iyo nagawang masama
Tama nga ang sinabi nila
Ang lahat ng mga binitiwang pangako
Sa huli ay bigla na lamang mapapako

Mapapako at maibabaon na lamang sa limot
Ang pag ibig kong para sayo ay iyong nilimot
Ika'y sumama sa iba na parang wala ako
Na naghihintay sa iyo
Sa muling pagbabalik mo.

PS: Dumating na po ang aking libro from lilac pages ang pag claim na lang ang hihintayin☺️☺️

Date: January 20, 2022

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon