Mahal Iyo Sanang Malaman

55 4 0
                                    

Mahal iyo sanang malaman
Na kahit anong mangyari iyo lamang ang aking puso't isipan
Hindi ka mawawaglit
Kahit anong mangyari hindi kita ipagpapalit


Mahal palagi mong pakakatandaan
Na kahit saang lugar nakahanda ako upang ika'y samahan
Hindi kita iiwanan ipinapangako ko iyan
Dito lang ako sa tabi mo magpakailanman


Ngunit mahal kailan mo kaya mapapansin
Na ako sa iyo ay may pagtingin
Mangyayari pa kaya ang araw na ako naman ang iyong nanaisin?
Dahil alam kong sa sarili ko siya lamang ang iyong paka-iibigin


PS: Nakagawa na naman ako ng panibagong tula. Buti na lamang at pinanood kong muli ang Scarlet Heart Ryeo Moonlovers😍😍

Haha SKL

Date Published: 01/03/2022

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon