Mahal Kita

104 6 0
                                    

Mahal Kita

Mahal Kita
Magmula nang ika'y makita
Nitong aking dalawang mata.

Mahal Kita
Magmula nang pangalan mo'y aking nabasa
Sa isang papel na nakaipit sa dati mong libro.

Mahal Kita
Magmula nong ika'y nakasama
Sa samahan ng mga kabataang
Sumasampalataya kay Hesu Kristo.

Mahal Kita ngunit
Hindi ko kayang isugal
Ang nararamdaman kong walang patutunguhan
Sapagkat mahal mo siya
At heto ako nagmamahal ng palihim sayo.

Mahal Kita
Iniibig Kita
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon
Ika' y hindi mawaglit sa aking isipan.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon