Ano Pa Ba

48 3 0
                                    

Ano pa ba ang dapat kong gawin
Upang ako'y iyong mahalin
Ano pa ba ang dapat kong sabihin
Upang malaman mong iyo lamang ang aking damdamin

Mahal sana'y iyong paniwalaan
Na hindi kita iiwanan
At kahit saan handa kitang samahan
Mahal wala akong ibang hangad kundi ikaw lamang

Sana ay tanggapin mo
Itong pag ibig kong para lamang sayo
Iyo lamang itong aking puso
Nagmamahal ng tapat sayo

Maniwala ka mahal ko
Ikaw lamang ang hahanap hanapin ko
Ngiti mo ang siyang nagpapakumpleto sa araw ko
At sana mapagbigyan mo ako

Alam kong kinikilig ka
Kaya huwag mo ng patagalin pa
At kapag sinagot mo na ng Oo
Pangako sa iyo lamang ang aking puso.

PS: Anyare bakit ako kinikilig
Date: January 22, 2022

Pahabol: Birthday mo pala.. Happy Birthday HJP🎂🎂

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon