Gusto kong Balikan

46 5 0
                                    

Gusto kong Balikan

Panahon ay lumipas
Ang iyong mukha ay walang kupas
Sa bawat pagtakbo ng oras
Panahon ay gustong iatras

Nais kong balikan
Ang sa atin ay nagdaan
Ang gabing sabay dinungaw ang maliwanag na buwan
Habang ako'y iyong hinahandogan

Isang awiting kaygandang pakinggan
Hangad ko'y sana wala itong katapusan
Ngunit kahit anong gawin
Ito pa rin ay isang awitin

Kahit ayaw natin pareho
Ang tadhana ay seryoso
Sa kanyang plano
At ito ay ang iyong paglaho.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon