Counting

57 4 2
                                    

Counting

Isa dalawa tatlo
Tayong dalawa ay pinagtagpo
Apat lima anim
And tadhana ay masyadong mahigpit sa atin

Sa Pito at Walo
Ikaw ay tuluyang naglaho
Siyam Sampu
Pangako mo ay biglang napako

Labing isa labing dalawa
Kayo ay para sa isa't isa
Labing tatlo labing apat
Ang tadhana sa inyo ay tapat

Labing lima labing anim
Pagmamahalan ninyo ay lumalalim
Labing pito Labing Walo
Ako'y magpapaalam na sa iyo

Labing siyam
Ako'y hindi na mag-aasam
At sa pagbilang ko ng Dalawampu
Ikaw at ako kahit kailan hindi na magtatagpo.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon