Maligayang Kaarawan Supremo ng Katipunan

61 3 0
                                    


Maligayang Kaarawan sa iyo Supremo ng Katipunan
Andres Bonifacio ang pangalan
Na minamahal ni Oryang
Isang binibining tubong Kalookan
Na siyang iyong naging Lakambini sa Katipunan

Ama ng Katipunan
Nais kong magpasalamat sa Kagitingan
Na iyong ipinamalas
Buhay mo'y iyong inialay
Upang ang bansang ito ay mapahiwalay

Dahil sa iyong Katapangan
Muli naming nakamtan ang Kalayaan
Na pinagkait ng mga dayuhan
Ang iyong kabayanihan ay hindi matatawaran ninuman

Ika'y matapang na nakipagduwelo
Gamit lamang ang iyong bolo
Laban sa mga dayuhang mapang abuso
Kapangyarihan ay inaabuso

Ngayon ay nasa ika 20 siglo na ang bansang ito
At nakuha na ng bawat isa ang pagbabagong inyong pinagkaloob
Ang pagbabagong asam ng maraming Pilipino
Mula sa mga dayuhang mapang abuso.

Celebrating 158th Birthday Supremo ng Katipunan 🎂🎂

PS: Pakinggan niyo ang kantang Oryang by Davey Langit sobrang ganda feel ko ang I Love You Since 1892 dahil sa kantang yon.


Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon