Mahal

205 9 0
                                    

Mahal

Minsan tao Minsan bagay
Mahal ang salitang minsan mong ginamit sa pagtawag sa taong mahal mo
At ito rin ang dahilan sa minsang pag aray ng iyong bulsa.

Kapag mahal mo ang isang tao
Nahihirapan kang pakawalan siya
Kapag mahal ang isang bagay na inaasam asam mo ay hindi ito mapapasayo.

Pero ang tanong kaya mo bang isuko
Ang isang bagay na minsan ng napa sa iyo para lamang sa isang bagay na gusto mong makuha?

May tao at meron ring bagay na kailangan mong isuko kahit napamahal ka na sa tao at sa bagay na iyon.

Minsan ang buhay ng tao may ups at downs
Kagaya lang iyan ng gulong ng sasakyan minsan nasa ibabaw o nasa ilalim.

Hindi lahat ng bagay tayo yung angat
Kaya nga may mga kaibigan at pamilya na handa kang tulongan sa oras ng pangangailangan.

Pero paano nga ba kung ang pamilya na siyang dapat na dadamay sa iyo sa oras ng iyong pangangailangan ay sila pa yung nagtutulak sa iyo para mas lalo ka pang mahulog sa bangin ng iyong buhay.

Minsan ang unfair ng mundo
Ikaw na nangungulila o namomroblema may mga taong masaya at kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon