𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (25)

1.6K 97 0
                                    

𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (25)

Nang mapagod ako sa pagtakbo ay napahinto ako sabay sandal sa puno na nasa malapit ko. Napaiyak ako habang napasapo sa mukha ko. Bakit ba kase tumakas pa ko? Bakit hindi ko man lang naisip na espiya yun kaya nya yun pinatay. Pero hindi naman makatarungan na patayin nya yun...

Pinunasan ko ang pawis ko bago ako naglakad ulit pero agad ring napaupo agad nang maramdaman ang sakit na pagitan sa hita ko. Nang tingnan ko ito. Nakita ko ang dugong umagos. Hindi ako makapaniwalang nakatingin dito at doon lang pumasok sa utak ko na meron nga palang nangyari samin noon...

Hindi! Hindi maaari! B-buntis ulit ako? Bigla akong siniklaban ng takot nang bigla kong maalala na nakunan na ako dati... Takot akong hinawakan ang tiyan ko

"B-baby... Kapit ka lang anak ha? Babalik tayo" Naiiyak kong saad at agad na bumalik sa pinanggalingan ko. Babalik ako sa palasyo, paniguradong hinahanap nila ako. Mas lalong sumakit yung tyan ko kaya naman ay napahawak ako dito at napaigik ako sa sakit

"A-anak... Kapit lang..." Umiiyak kong saad. Sana di nalang ako tumakas. Nang hindi ko na kinaya ang paglalakad ay napaupo ako at doon ako napasandal...

Biglang tumulo yung luha ko nang bigla kong maramdaman na merong bagay na lumabas sa pagitan ko... Nanghina ako... Masakit. Napakasakit na para akong nanganak. Kasabay nyon ay ang panghihina ko...

Unti unti akong bumangon pagkalipas ng ilang minuto. Tiningnan ko ang lumabas galing sakin at ganun nlang ang gulat ko nang makitang may namumuong maraming dugo... Kung hindi ako nagkakamali... N-nakunan ako...

"H-hindi!" Malakas kong sigaw at umiyak... At nagulat ako nang bigla na akong mapahiga... Dulot ng pagod sa katawan ko, hindi ko na magawang magsalita pa...

Unti unting bumigat ang talukap ng mata ko at sumara ito... Sa kahuli hulihang pagkakataon, naisip ko ang naiwala kong anak... Tumulo ang isang butil ng luha ko habang nakapikit ako...


Hindi ko alam kung nasaan ako. Nagising ako sa isang lugar na hindi ko alam kung nasaan... Kung hindi ako nagkakamali ay nasa isang liblih akong lugar. Maganda ang paligid at di ko maiwasang mamangha

"December..." Isang mahinhin at malambing na boses ang narinig ko. Napalinga linga ako sa paligid at hinahanap ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon...

Akmang tatayo na sana ako nang biglang kumirot ang bandang tyan ko... Napatigil ako at unti unting nagsituluan ang luha ko nang maalalang naiwala ko sa pangalawang pagkakataon ang anak ko

Isang napakagandang babae ang lumitaw sa harapan ko... Natulala ako nang makita kong kamukha ko ang nasa harapan ko... maamo ang mukha nya...

"Kumusta?" Mahinhin at nakangiti nyang tanong sakin. Kumunot ang noo ko bago magtanong sa sarili kung kakilala ko ba sya...

"Hindi mo pa ako kilala... Ako nga pala si Victoria... Ako si Victoria Monterial" Nanlaki ang mga mata ko bago ko titigan ng maigi ang babaeng nasa harapan ko. Kita ko sa mga mata nya ang repleksyon ko

"V-victoria..." Halos manginig ako dahil sya ang totoong Victoria na ginampanan ko ngayon... Paanong...

"Masaya akong makilala ka, napakatatag mo at pagbutihin mo ang iyong ginagawa... Makakaasa kang nandito ako palagi sa tabi mo upang gabayan ka... Gusto ko lang sabihin na sana mapagtagumapayan mo ang misyon mong ito..." Halos wala akong kurap kurap na nakatingin sakanya

"H-hindi ka galit sakin?" Akala ko galit sya dahil naiwala ko lahat at may nasira ako sa katauhan nya. Mukhang maganda ang background nya sa mundong ito samantalang sinira ko lang

"Wag kang mag isip ng kung ano ano dyan... Magpahinga ka muna, dahil kailangan mo ng lakas para maipagpatuloy ang iyong nasimulan" Ngumiti ako ng mapait bago dahan dahang umiling at napayuko

"A-ayoko na Victoria... Pagod na ako... Pagod na ako sa lahat" Tumingala ako sakanya habang umiiyak parin. Kita ko ang awa sa mga mata nya... Pasimple nya akong pinantayan at pinahiran ang mga luha ko

"Ngayon ka pa ba susuko na nakapagsimula ka na? Alalahanin mo ang mga pinagdaanan mo sa mundong ito... Ang mga hirap na naranasan mo at nagawa mong pagtagumpayan... Nararamdaman kong pag subok lamang iyan December... Alam kong kaya mo yan... Kinailangan mo pang maisulat ang kasaysayan bago mo lisanin ang mundong ito" Mahabang saad nya at tinitigan ako ng diretso sa mata

"B-bakit mo sinasabi sakin ito?! Bakit mo ako tinutulungan?! Kailan ba matatapos ito?! Sawang sawa na ako Victoria ayoko na!  Gusto ko nang magpahinga!" Umiiyak kong paki usap sakanya... Hindi sya umimik. Nakita ko ang pagtulo ng luha nya

"Kaya kita tinutulungan upang hindi ka matulad sakin na sumuko kaagad. Hindi pagsuko ang sulosyon sa lahat December... Sinasabi ko sayo ito upang matuto kang lumaban. Naiinitindihan ko ang nararamdaman mo dahil tulad mo, isang misyon din ang ginampanan ko... Matatapos lamang ito... Malapit na... Gusto mo nang makauwi hindi ba? Pwes kung ganun, kailangan mong lumaban... Para sa mga anak mo na maiiwan sa mundong ito at maibabaon nlang sa kasaysayan at patuloy na makakalimutan" Seryoso nyang saad at umiiyak na rin tulad ko.

"P-paano mo nalamang may mga anak ako?" Tinitigan nya akong mabuti bago nagsalita

"Palagi kitang nababantayan... Naiintindihan kita at isa pa, alam kong may pagtingin ka sakanya" Si Zian o si Adrian ba ang tinutukoy nya?

"Si Prince Zian tama?" Umiling ako sakanya at yumuko. Masama sya at ayaw ko sakanya

"S-si Adrian... Ang katulad kong naging impostor sa loob ng mundong ito" Mahina kong saad. Napahinga sya ng malalim bago magsalita

"Hindi iyan ang sinasabi ng puso mo hindi ba? Ang sabi ng isip mo, si Adrian. Dahil galit ka sa kanya pero ang totoo, si Zian ang totoo mong mahal" Yumuko ako dahil tama sya

"Pilit mo lang namang pinagtatakpan iyan dahil galit ka sa kanya... Hindi sya masama gaya ng inaasahan mo... Nararamdaman kong sa mga oras na ito, nangungulila sya sayo"

"K-kung ganun bakit di nya ako hinahanap?" Kahit tumakas ako ay nagbabakasali parin ako na hanapin nya ako... Merong parte sakin na umaasang hahanapin nya ako at kukunin

"Kumikilos sya ngayon, hindi mo lang nababatid dahil bulag ka. Hindi sa mga mata kundi bulag ka dahil ayaw mong pakinggan ang hinaing nya... Sinubukan mo bang pakinggan ang mga paliwanag nya? Di ba hindi? Alam kong naguguluhan ka lang... Hangad ko ang masayang wakas ng inyong kwento" Nakangiti nyang saad pero di ako umimik

"Huwag mong hahayaang maagaw pa sya ng karibal mo. Kumikilos na sya ngayon at naghahanap na ng paraan para makuha nya si Prince Zian at mawala ka sa landas nya... Si Rica"

"Paano mo nalamang si Rica? Magkaibigan kayo di ba?" Tumango sya sakin bago nagsalita

"Hindi ko sya totoong kaibigan. Isa syang babaeng mapanlinlang, kaya wag kang magtitiwala sa kanya..." Seryoso nyang saad

Napatango ako, dahil sa sinabi nya ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na bumalik sakanya. Tama si Victoria, hindi ko sya dapat iniwan dahil baka maagaw sya ng iba...



Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad sakin ang madilim na silid. Hindi naman masyadong madilim dahil may lampara... Mabigat ang pakiramdam ko. Nang gumalaw ako ay naramdaman ko ang lambot ng hinhigaan ko. Inilibot ko ang paningin ko at bumungad sakin si Prince Zian.

Halatang pagod at puyat sya. Nakaunan sya sa braso ko at mukhang natutulog ng paunti unti... Nakaupo lang sya sa gilid ko... Nang gumalaw sya ay ipinikit ko ang mga mata ko.

Naramdaman ko ang paghalik nya sa noo ko bago ko narinig syang magsalita

"Rest well my queen... I'll wait until you wake up... Just please, don't leave me" Naramdaman ko ang garalgal sa boses nya... Umiiyak sya... Naramdaman kong humiga ulit sya sa braso ko at hinalikan ang kamay ko...

Nang imulat ko ang mata ko, nakapikit na ulit sya. Nagsibagsakan ang luha ko. Ang sama ko sakanya. Feeling ko habang buhay na akong may kasalanan sakanya

"I'm sorry for leaving you... I promise that from now on, I will never leave you again". Bulong ko at ipinikit ulit ang mga mata ko



Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)Where stories live. Discover now