𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (12)

2K 109 12
                                    

𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (12)

Nagising ang diwa ko at kaagad na iminulat ang mga mata ko. Naramdaman ko agad ang sakit ng pagitan ko pati na rin ng buong katawan ko. Napalingon ako sa gilid nang may maamoy akong parang lana.

Nang lumingon ako sa gilid ko ay may nakita akong isang babae. Nasa gilid din nito nakatayo si nanay Nora at nang makita nila ako ay kaagad itong nagsalita

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Paunang tanong ng babae sakin. Hindi naman sya ganung katandaan dahil ang puti rin naman ng balat nya kagaya ng ibang bampira.

"M-masakit po yung katawan ko..." Nanghihina kong sagot at napbisangot dahil sa sakit ng balakang, gitna at ng buong katawan ko na parang sumabak sa isang giyera

"Ganyan tlaga pag nakukunan... Yan din ang maramdaman" Halos mabingi ako sa sinabi nya. What? No! Hindi! B-buntis ako?

"B-buntis po ako?" Kinakabahan ako sa posibleng mangyari. Malungkot akong tiningnan ni nanay Nora at hinawakan ang kamay ko

"Mas mainam na magpahinga ka muna iha... Kailangan mong makakuha ng lakas..." Mahinahon nyang saad.

"Oo... Isang linggo ka nang buntis pero sa kasamaang palad... W-wala na ang anak mo" Bigla namang bumuhos ang luha sa mga mata ko nang marinig ko yun... Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi...

Walang kasalanan ang anak ko... Hindi nya kasalanan kung bakit sya nabuo kahit pa g*nahasa ako ng tatay nya... Pinahiran ko ang luha sa mga mata ko...

"N-nay... Si Zian... Asan sya?" Umiiyak kong tanong kay Nanay Nora

"Kasama nya si Rica... Alam mo na kung anong ginagawa nila kaya wag ka nang magtanong" Saad nya pa... Hindi ko alam pero merong parte sakin na nasaktan. Nakunan ako pero nandun parin sya kay Rica. Ano pa bang aasahan ko? Sya ang legal na asawa kase prinsesa sya pero ako? Isa lang naman nyang parausan...

"N-nay... Ang anak ko..." Halos hindi na ako makahinga dahil sa pag iyak ko. Hinagod naman ni nanay Nora ang likod ko at senenyasang maaari nang umalis yung babae. Nang wala na ito ay saka sya umupo sa tabi ko at nagsalita

"N-nay kasalanan ko po..."

"Sshh, hindi mo kasalanan... Hindi mo rin naman alam na buntis ka nung mga panahong yun di ba? Wag mo nang sisihin ang sarili mo... Ako'y nalulungkot... Kita ko kung pano umiyak si Zian nung malaman nyang patay na ang anak nyo" Natigil ako sa pag iyak at kaagad na tumingin ng diretso sa mga mata ni nanay Nora at ganun din naman sya

"Sa loob ng halos iilang taon na naninilbihan ako dito sa palasyo, ngayon ko lang nakitang umiyak ng ganun ang prinsipe. Siguro... Dahil anak nya rin naman ang naiwala mo" Tiningnan ako ni nanay at parang sinsabi nya na kasalanan ko.

Napayuko ako at kaagad na tumulo ang luha sa mga mata ko.

"D-di ko po sinasadya... Sorry po..." Bigla akong naguilty dahil sa nangyari. Naiwala ako ang anak ko.

"Ayos lang yan iha... Sige na, kumain ka na. Pagkatapos mo dyan ay maaari kang lumabas labas para naman makalanghap ka ng sariwang hangin" Ngumiti ako bago tumango.

Ang ganda ng paligid. Napangiti ako sa sarili nang makalanghap ako ng sariwang hangin, feeling ko nasa isa akong paraiso. Hindi ko inexpect na mabubuhay ako dito... Biglang naagaw ang atensyon ko sa isang nakakulay itim na lalaki. Sa hindi malamang dahilan, bigla akong kinabahan...

Gusto ko sanang umalis nalang at hayaan nalang iyon pero parang may sariling isip ang mga paa ko dahilan para maglakad ako patungo sa kinaroroonan ng lalaking yun. Nakatalikod sya sakin kaya naman ay hindi nya ako nakita..

Pamilyar sakin ang likuran nya... Walang pag alinlangang hinila ko ang parang sumbrero na nakatakip sa ulo nya... Napaatras ako nang tutukan nya ako ng pana dahilan para masugatan ang psingi ko.... Gulat akong napatingin sakanya. Maski sya ay nagulat din syang makita ako

"M-mahal..." Kaagad nya akong tinulungan at niyakap ng mahigpit. Natulala ako saglit at parang hindi pa mag proseso sa utak ko ang nangyari...  Humiwalay sya ng yakap sakin at sinapo ang mukha ko saka pinahiran ang dugo na nasa sugat ko

"R-ricardo... Anong ginagawa mo dito?" Takamg tanong ko. Bigla namang kumabog ng malakas ang dibdib ko... Mapapahamak sya s ginagawa nya...

"Nandito ako para kunin ka... Halika na... Sumama ka sakin... Ilalayo kita sa lalaking yun" Saad na at hihilain na sana ako epro binawi ko ang kamay ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin... Dati naman ay gusto kong tumakas pero ngayon parang binawi ko ang mga sinasabi ko...

"Bakit? Ayaw mo?" Umiling ako. Hindi pa ito ang tamang oras para tumakas ako at sumama sa kanya. Wala akong tiwala sa lalaking ito kahit na sya pa yung boyfriend ni Victoria...

Bigla syang tumawa ng pagak at kita ko sa mukha nya na nasasaktan din sya

"Bakit ayaw mo? Kase?" Napahinga ako ng malalim bago naghanap ng palusot para lang hindi nya malaman kung ano ang mga rason ko

"K-kase... Kase kasal ako... Kasal ako sa prinsipe... Kasal ako sakanya... Hindi na tayo pwedeng magkita pa... Baka makita nya tayo" Sorry Ricardo. I need to do this. Kailangan kong magsinungaling. Una plang, gusto ko ding mag sorry kay Victoria kase pinakialaman ko ang relasyon nyo

Biglang umagos ang luha nya saka minadali yung pinunasan

"B-bawiin mo ang sinabi mo... Mahal mo ko hindi ba?" Para naman akong nasaktan dahil sa sinabi nya...

"Sorry pero... I just realize kase na hindi tlaga kita mahal---

"Dahil ba dun sa nalaman mo? Dahil b dun sa sinabi ni Rica---

Isang malakas na pagsabog ang narinig namin. Kasabay nun ay ang pagtitipon tipon ng mga kawal sa gitna ng malaking training ground kasabay nun ay ng paglabas ni Zian. Nasa likod nya si Rica at nasa gilid nya naman yung Gerald...

"May mga nakapasok na kalaban! Napag alaman din namin na nawawala ang asawa ng prinsipe kaya ipinag utos nya na halughugin ang buong palasyo! Ngayon din!" Dahil sa narinig ko ay kaagad kong itnulak si Ricardo at agad na tumakbo papuntang trainig ground pero bago yun, isang palaso ang tumama sa likuran ko.

Dahilan iyon para mapaubo ako sa sakit mapaluhod sa lupa. Biglang napalingon sakin ang isang kawal at nanlaki ang mga mata nya...

"Nandito sya!" Kaagad nila akong tinulungan... Naphawak ako sa braso ng isa dahil sa sobrang sakit ng likod ko. Namamanhid din ito.

Kaagad akong nilapitan ni Zian kaya nagsipag alisan silang lahat na nakahawak sakin. Umupo muna sya habang maluha luhang sinapo ang mukha ko...

"W-wife... Hold on... Maliligtas ka don't worry... Magbabayad ang may gawa nito sayo!" Diin nyang saad at pumatak ang luha sa mga mata nya...

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang kamay ko at hinawakan ang mukha nya...

"S-sorry... Namatay ang anak natin dahil sakin... S-sana... S-sana...." Namilipit na ako sa sakit at hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Agad namang binalingan ni Zian si Gerald at binulungan ito

"Tumawag kayo ng manggagamot ngayon din!" Nagsiyukuan naman ang mga ito bago umalis. Agad namang lumapit si Rica sakin at hinawakan ang kamay ko.

Lumapit sya sa may tenga ko at pasimpleng bumulong mula doon

"Humanda ka, mamamatay ka na..." Palihim syang ngumisi sakin habang masayang tinitingnan ang kalagayan ko...

Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)Where stories live. Discover now