𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (9)

2.1K 114 9
                                    

𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (9)

Pagdilat ko ng mata ko, kaagad na bumungad sakin ang isang lumang silid. Nagsituluan kaagad ang luha ko dahil bukod sa madilim, mabaho at tahimik ay may mga ipis pa sa gilid ko... May phobia ako sa mga ganitong lugar...

Namalayan ko nalang ang sarili kong sumigaw at umiyak. Gusto ko nang umuwi... Tatayo na sana ako pero naramdaman kong parang may kadena sa may braso ko. Kahit na madilim, alam kong nakakadena ang kamay at mga paa ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Napapikt ako sa sinag ng liwanag na yun... Pero nagkaron parin ng pag asa na may tumulong sakin

"T-tulong po..." Mahina kong saad. Agad naman akong napapikit ulit nang biglang magliwanag ang buong paligid. May gasera para syang dala... Wala ba silang florescent lamp?

Tiningnan ko ang taong yun at nakita ko ang isang katulong. Halatang awang awa sya sakin. Feeling ko mga nasa 40's na sya pero bakit hindi parin kumukulobot yung balat nya?

"Iha... Halika na, kumain ka na muna pra mabalik ang lakas mo" Mahina nyang saad pero umiling lang ako.

"L-lola... Please po tulungnan nyo po akong makaalis dito... Ayoko na po dito..." Napahinga sya ng malalim bago magsalita

"Gusto kitang tulungan pero... Hindi lang ako ang mapapahamak sa gagawin mo kundi pati ikaw at ang pamilya mo... Sumunod ka nalang ha?" Mahinahon nyang saad. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko nang magsimula na syang tanggalin ang nakagapos sakin.

Dinala nya ako sa isang malinis at magandang kwarto. Napatingin ako sa labas. Sa totoo lang, gusto ko nang umuwi... Kahit hindi ko naman totoong pamilya sina Ate Analisa at Tata Canor ay parang naging parte na rin sila ng buhay ko

Pumasok ako sa isang napakagandang paliguan... Pasimple kong inilibot ang tingin ko at doon ko narealize na ang ganda ng paligid... Kulay gold halos lahat ng kagamitan. Kung nasa modern world lang ako, for sure sobrang yaman ko na.

Naligo ako sandali. Actually, kompleto lahat ng mga kagamitan na nandito. Nang matapos na. Agad akong lumabas at nakita kong naghihintay sa labas yung matandang kinuha ako sa loob ng bodega...

May dala syang magandang damit. Ngumiti sya sakin bago lumapit. Nanlaki ang mata ko nang akmang hahablutin nya ang damit ko pero agad kong iniwas. Nagtataka naman nya akong tiningnan

"A-ako nalang po lola..." Saad ko sakanya

"Ako na. Bibihisan nalang kita... Paniguradong nag aantay na si Prinsipe Zian sa inyo" Saad nya. Pero umiling lang ako. Bukod sa nahihiya ako, nakakailang dahil ang laki ko na tas sya ang magbibihis sakin

"S-sige na po lola... Sa loob nalang po ako ng banyo magbibihis... nga po pala... Ano pong pangalan nyo?" Ngumiti muna sya bago nagsalita

"Tawagin mo nalang akong nanay Nora... Isa ako sa mayordoma sa palasyong ito. Bata palang ang dalawang prinsipe ay ako na ang nag aalaga" Saad nya. Ang tagal nya dito.

"H-hindi ka po ba nya sinasaktan? Hindi ka po ba takot sakanya?" I just want to make sure lang naman na hindi tlaga nananakit ang Zian na yun

"Mabait ang mahal na prinsipe. Hindi na ako magtataka kung bakit ka nya napili bilang asawa... Mukhang may kahati ka pa" Malungkot nyang saad.

"S-sino naman po? At tsaka... Pano po kung ayoko maging asawa nya? Ayoko po tlaga dahil una sa lahat takot na po ko sakanya" Saad ko

"Huwag kang mag alala... Basta sundin mo lang ang mga pinag uutos nya at wag sumuway sa mga batas na ipinapatupad nya. Kahati mo si Prinsesa Rica. Isa din sya sa napili ng prinsipe" Nakaramdam ako ng tensyon... Hindi to pwede... Fake friend sya ni Victoria... Paniguradong palagi kaming mag aaway. Ano ba yan! Iniiwasan ko na nga sya di ba?

"Ikaw si Victoria tama?" Gusto ko sang sabihin sakanya ang totoong pangalan ko kaso baka magtaka sya sakin at hindi ako paniwalaan...

"Opo... Pwede po ba kitang maging kausap dito? Wala po kase akong mga kaibigan eh" Saad ko. Ngumiti naman sya sakin bago nagsalita

"Pwede naman... Tawagin mo nalang akong nanay... Ipapakilala ko sayo ang dalawa kong anak na babae't lalaki... Paniguradong magugustuhan ka nilang maging kaibigan" Masaya nyang saad sakin kaya napatango...




Pagkatapos naming mag usap ni nanay Nora ay hinatid na ako ng dalawang kawal doon sa dining area. Nadatnan ko roon na sinusubuan ni Rica ng pagkain ang prinsipe habang wala naman itong emosyon na nakatingin sa harapan...

Tumikhim ako dahilan para mabaling ang tingin nila sakin. Naramdaman ko yung titig ni Prince Zian na parang malagkit na titig na ewan. Nang tumingin ako sakanya ay umiwas din naman sya ng tingin..

Nanlaki ang mata ko nang sinapo ni Rica ang mukha nya at naghalikan sila sa harapan ko. Wews! Live na live tlaga tsk! Nakita ko namang gumanti sya ng konti at unang humiwalay. Nginisihan ko si Rica, mukhang nababadtrip na sya ngayon pero pinili padin nyang magmalaking tumingin sakin na para bang nanalo sya sa loto

"Eat..." Nagulat at napanganga ako dahil kumuha sya ng plato at sya ang nagsandok ng mga pagkain... Napatingin ako sakanya pero busy nman sya sa pagkukuha ng pagkain. Nang tingnan ko si Rica, halos hindi na maipinta ang mukha nya dahil sa inggit

"B-busog pa po ako..." Iniwas ko ang tingin ko sakanya.. hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa presensya nya... Tintigan muna nya ako bago naiiritang magsalita

"You'll eat... Or else I'll eat you..." Ngumisi sya sakin... Hindi ba sya aware na nakakaintindi ako ng mga language na sinasabi nya?

"Umalis ka na eaw sabi ng mahal na prinsipe, masyadong nakakasura ang pagmumukha mo" Mapanuyang saad nya

"Rica" Banta ni Prince Zian. Sumosobra na ang babaeng toh. Agad akong umupo at sinaluhan silang kumain. Magkatabi sila samantalang nasa harap naman nila ako


Binasag naman ni Rica ang nakakabinging katahimikan. Kahit papaano ay my mabuting idudulot rin naman ang babaeng to dahil naging kaibigan rin naman sya ni Victoria

"Love... Pwede ko bang isama si Victoria papunta sa kaharian namin? Nag aya kase sya" Napaismid ako at napatingin sakanya

"No... She would stay here... Go by yourself" Ouch! Ang sakit nun ah! Sapul

"B-but---

"No more buts Rica... Go by yourself... May paa ka naman" Saad nya. Nantili akong tahimik. Alam kong nasaktan din si Rica dahil sa sinabi nya. Sino ba nmang hindi?

Nakita kong tumayo si Prince Zian at tumingin sakin bago nagsalita

"Go to my room when you're done" Malamig nyang saad bago umalis. Napahwak ako ng mahigpit sa tinidor na hawak ko... Nag makaalis na sya, bigla namang padabog na binitawan ni Rica ang kubyertos nya

"Sinisiguro kong malalaman to ng kapatid ko..." Saad nya at masama akong tiningnan... Napahinga ako ng malalaim at hindi nalang sya pinansin pa...



I was now heading papunta sa room nya, buti nalang may isang servant na nagturo samin kung saan ko ito matatagpuan. Bumungad sakin ang isang kulay itim na pintuan. Kinilabutan ako kase naman, sino bang hindi matatakot, eh may dragon na nakaukit na kulay red.

Huminga muna ako ng malalim bago inihanda ang kamay ko at kakatok na sana pero may narinig akong nag uusap sa loob

"Tell me... Sinong nag utos sainyng lagyan ng lason ang inomin ng hari?" Base sa narinig ko, it's Zian. What? Nalason ang hari?

Unti unti kong binuksan ng konti ang pintuan. Nanlaki ang mga mata ko... Hindi! Hindi ito maaari! Hindi ako naniniwalang sya ang may gawa nun!

Napatakip ako sa bibig ko habang maluha luhang nakatingin sa lalaking nakaluhod habang may mga galos sa katawan nya. Dumudugo rin ang ilong nya... Naaawa ko syang tiningnan. Si Tata Canor. Pano nya nagawa yun? Sya ba tlaga ang may gawa?

Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)Where stories live. Discover now