𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (2)

3.4K 151 0
                                    

Nagising ako sa isang lugar kung saan ay hindi ko alam. Asan ba ako? Napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong kumirot dahilan para mapabusangot ang mukha ko sa sakit.

Nang igalaw ko na ang katawan ko, nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakaposas ako. What the h*ll?! Bakit ako nakaposas? Hindi ko alam pero biglang nanginig ang tuhod ko nang maalala yung nangyari...

Naalala ko na may sinabi sakin si Prof Leo, bago ko makita yung parang liwanag na nasa libro... Ano bang ginawa nya? Bakit ako nandito?

Biglang may pumasok na babae at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang namumutla nyang balat... Kinilabutan ako nang makita ko ang mga mata nya... Ang matang yan... Kung hindi ako nagkakamali... M-mata ng bampira...

Hindi ako maaaring magkamali! Minsan na akong nagresearch ng mga bagay tungkol sa mga bampira... And it's true... Maputi sila at parang namumutla... Parang may eyebags sa mga mata nya at may pagkakulay asul ang mga mata nila...

"Kamusta?" Mahinhin nyang tanong sakin ngunit hindi ko sya sinagot agad dahil sa matinding pagkabigla... Tiningnan nya ako at nagsalita ulit

"Masakit parin ba ang iyong tyan?" Hinawakan nya yun dahilan para mapatingin ako dun at hindi ako nagkamali... May sugat nga ang tyan ko... Sariwang sariwa pa... Napaatras ako ng konti dahil sa takot... Hindi ba nya alam na tao ako?

"A-asan ako?" Yan ang kusang lumabas sa bibig ko...

"Nasa gubat tayo... Dito na muna tayo lilipat sabi ni ama... Maraming naglilipanang mga masasamang bampira ngayon at pinagpapapatay ang mga lahi natin" Saad nya... Unti unti kong tiningnan ang katawan ko at nagulat ako nang makita ang puting puti kong balat na kagaya nung sa babae...

Natuod ako sa kinatatayuan at natakot dahil sa nakita... Anong nangyari sakin? Tiningnan ko ang paa ko at ganun rin ang kulay! Hindi ako makapaniwala dahil sa nangyari... Hinawakan ko ang leeg ko baka sakaling may makita akong kagat or ano kase base sa naging research ko, hindi ka magiging vampire kung, wala kang dugo nito o hindi ka nakagat... Pero bakit wala akong kagat?

"B-bampira ako?" Natatakot kong tanong. Halatang naguguluhan ang babaeng kaharap ko sa akin... Hindi ko maintindihan kung bakit parang nasa ibang mundo ako or what

"Tell me! Am I a vampire? For real?" Naiiyak kong tanong sa kanya at hinawakan ang balikat nya... Agad nya namang inalis ang kamay ko at tumayo

"Anong pinagsasasabi mo?" Nagulat ako nang bigla nya akong sampalin dahilan para matabingi at humapdi ang pisngi ko

"Ouch! Why did you do that?!" Galit kong sigaw pero sinampal nya naman ako sa kabilang pisngi... Nakakarami na ang babaeng to ah?!

"Sabihin mo! Sino kang demonyo kang sumapi sa kapatid ko! Lumayas ka! Layas!" Naguguluhan ko syang tiningnan

"Hey! Hindi ako demonyo! Asan ba kase ako?! Why I am here? Nasan ba ko? Mommy!" Bigla ko nalang iyon naisigaw at kaagad na tumayo ngunit agad akong itinulak ng babae dahilan para matumba ulit ako sa kama... Agad kong tinanggal ang posas at tiningnan ang babae

Sinamaan ko sya ng tingin at sinamaan din nya ako. Nakita ko na nagkulay pula ang mata nya! Oh my god! Base on my research kapag nagkulay red ang mata nila means kakagatin ka nila or papatayin! Oh my god! Somebody help me! I need to escape.

Agad akong tumayo at walang pasabing tinulak sya dahilan para mapaupo sya at mamilipit sa sakit. Gusto ko sanang mag sorry, hindi ko naman sinasadya pero ginagalit nya ko. I'm scared this time kaya ko nagawa yun...

Nang makita ko ang nakabukas na pintuan ay walang pasabi akong pumunta doon at agad na lumabas. Doon tumambad sakin ang isang matandang lalaki...

Nilapitan nya ko kaya napaatras ako...

Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)Where stories live. Discover now